Chapter 1: Panaginip

8 0 0
                                    

" tuloooooong! tulungan niyoo ako!." Mabilis ang kanyang pagtakbo suot ang puting bestida may bakat ng dugo sa marumi nitong mukha walang sapin sa paa at may mga galos at sugat na din ito. Walang tigil siya sa pagtakbo pilit iniinda ang mga sugat wala siyang ibang nais kundi ang makawala sa lugar na iyon.

Tuluyan nang lumubog ang araw ang kapalit naman nito ay kadiliman, pagod na pagod na naupo ang batang babae sa isang madamong parte ng gubat walang tigil sa pag agos ang kanyang mga luha at mahihinang hikbi. Nang sa tingin niya ay tuluyan na niyang natakbuhan ang humahabol sa kanya namayani naman sa kanya ang takot dahil baka may kung anong hayop na lamang ang lalabas at tsaka madilim na din at nasa kailaliman na din siya ng kagubatan.

Niyakap niya kanyang mga tuhod at patuloy parin itong umiiyak at dahil na rin sa pagod nakaramdam siya ng antok, pipikit na sana ang kanyang mga ng biglang,

"Ririiiiii ." Isang nakakatakot at malakas na boses ang tuminag sa kanya na agad naman niyang ikaayos ng upo bakas sa kanya ang sobrang namamaga nadin ang kanyang mga mata pero patuloy parin ito sa pag iyak mabilis niyang tinakpan ang kanyang mga bibig at saka isiniksik ang sarili para hindi makita ng tumatawag sa kanya.

"Ririii, lumabas ka alam kung nandito kaaa!" Mapang asar niyang sabi palapit ng palapit ang boses na to sa kinaroroonan ng bata "halika uwii na tayoo." Aniya rinig ng bata ang mga kaluskos na nagmumula sa lalaki

Tumindi ang kanyang pag iyak at tumindi rin ang pagtakip niya sa mga bibig niya. aatras na sana siya ng biglang may natapakan siyang kahoy na nagbigay ingay

"Ririii?." Agad na usal ng lalaki , umiiling iling naman ang bata sa takot, umaasa na sana hindi siya makita nito rinig na rinig niya ang mga yapak ng lalaki at sobrang na nito sa kanya.

Ilang sandali pa ay biglang namayani ang katahimikan, dahan dahan naman kumakalma ang batang babae akala niyay wala na ito siguro umalis na, dahan dahan niyang binaba ang kanyang dalang kamay ng biglang,

"Ririiiiiiiii, Hahahaha!."

"Aaaaaaaaaaaaaahhhh! ."
~

"Polineee, anak." Dali daling tumakbo ang nanay na may nag aalalang mukha

"Naaaaay!." Mabilis itong yumakap sa ina ng mahigpit

"Pawis na pawis ka na naman anak, bakit ano bang nangyari masama na naman ba panaginip
mo?." nag aalala nitong tanong sa anak habang hinahagod ang likod nito

"Naaay ." humihikbi nitong usal

"Ssssh tahan na huwag ka na umiyak panaginip lang yan, huwag ka kasi masyadong magpakapagod iwasan din ang pagpupuyat at pag iisip ng hindi maganda." Aniya

iniharap niya ang anak at saka hinawakan sa magkabilang braso "Hingang malalim anak!." Sinunod ito ng dalaga

"Sabihin mo panaginip lang yun at hindi yun totoo."

"Panaginip lang yun at hindi totoo." sinundan niya ang sinabi ng ina habang nakapikit at nag iinhale exhale ng maramdamang kumakalma na siya ay dahan dahan siyang dumilat

"Naku tong anak kung to kung ano ano napapaniginipan, halika na nga nakapaghanda na ako ng almusal may klase ka pa." masayang sabi ng ina habang hawak sa dalawang pisngi ang dalaga ngumiti naman ito

"Sige nay, susunod po ako." Nakangiti nitong sabi sa ina tumayo naman ang ina

"Osige anak ." aniya tsaka lumabas na sa silid ng dalaga

"Hindi ko maintidihan bakit parang totoo ang lahat." Aniya agad naman itong umiling iling tumayo na siya at sumunod na din sa kanyang ina sa baba

LIFELINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon