Chapter 2: Pagsabog

3 0 0
                                    

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na maga aaral ako sa isang nangungunag Unibersidad sa buong Asya, yun yung hindi mo pinangarap pero binigay sayo sa di inaasahang pagkakataon. Pagkatapos ng balitang yun ni nanay sakin kinabukasan nun nakatanggap ako ng mga messages sa email ko nakapasa daw ako at kailangan umattend sa orientation. Dahil mas nauna naman yung sa Grifft at sa effort at pagmamahal ni nanay na baka may pag asang mabunot ako sa draw so dun na nga ako. Wish me luck!

iilan naman siguro mga bullies dun tsaka di rin naman ako mapapansin kasi sa dami ba naman at lawak ng school. Makakahinga ang buong pagkatao ko sa mga pambubully pagganun.

"Nak kamusta sa bago mong school sobrang ganda ba?." Excited na salubong sakin ni nanay

"Ay nay sobrang ganda po tsaka ayos lang po ako adjustment lang po siguro kailangan pagdating ng pasukan nakakahiya nga lang kasi ang sosoyal po nilang lahat."

"Naku anak ayos lang yan ang mahalaga makakapag aral ka agad magiging mayaman ka din kagaya nila pag nakapagtapos ka ng pag aaral at makahanap ng maayos na trabaho." Nakangiti nitong sabi

"Oo naman po nay at pag nangyari yun ipapasyal ko kayo sa ibang bansa ni tatay diba?." Masaya kung sabi

"Aba bakit nadamay ako ano ba yang pinag uusapan niyong mag ina at masaya kayo dyan, share niyo naman sakin." Pareho naman kaming napalingon sa nagsalita O dumating na pala si tatay galing pamamsada at may malapad na ngiti tumayo naman si nanay at sinalubong ito

"Arnie mabuti naman nakauwi kana akala ko gagabihin ka na naman sa pamamasada mo niyan." Bakas sa mukha ang pag aalala at pagiging maalaga ni nanay kay tatay ang sweet nila pareho

"Alam ko namang maga aalala ka naman kaya maaga na ako umuwi o siya anong pinag uusapan niyo dyang dalawa?." Pagi iba nito

"Sus, eto pinag uusapan lang namin ni Poline ang magandang kinabukasan para satin."

"Kayong dalawa talaga." ani tatay na may malawak na ngiti

"O siya halina kayo at kakain na tayo kanina gabi na din." Ani nanay nauna na siyang nagtungong kusina

"Kamusta naman ang pagpunta mo sa bago mong school nak, halika nga."? aniya na nakangiti parin at nakahanda na ang mga kamay na yakapin ako yumakap naman ako sa kanya

"Ayos naman po tay nakaka panibago lang po pero kayo ko naman po mag-adjust, pasukan na po namin nextweek." Ani ko

"Mabuti naman kung ganoon anak, may mga kailangan ka pa ba? Magsabi ka lang nak ha dito lang kami ng nanay mo."

"Wala na po ayos naman po lahat papasok nalang po sa lunes hihi full tuition na at may allowance na din po every month kaya hindi na kaya masyado magagastusan." masaya kung sabi

"Tama na nga yang lambingan niyong mag ama langgamin pa kayo dyan halina kayo kakain na tayo lalamig to dina masarap." Kasabay nun ang pagtawa namin

~
"Welcome Home Mi Lady !." Salubong ng mga maid sa napakagandang dalaga na bumaba sa isang magarang sasakyan nginitian niya ang mga ito

"Welcome home my beautiful princess."salubong ng isang ginang sa anak nitong dalaga

"I miss you so much mom !." Agad niyang yinakap
ang ina ng mahigpit

"I miss you too darling." bumitaw na ito sa pagkakayap

"Did you eat na?."

"Yes mom, kumain na ako sa hotel."

"Oh I see, so let's go to your room na so you can take a rest I know that you are already tired in your travel." Nagpout pa ang dalaga sa ina kinuha na ng ina ang dalang isang bag saka umakyat sa taas

LIFELINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon