05

13 14 0
                                    

Isabella

maaga akong nagising dahil ang aga kong naka tulog kagabi. nang tignan ko ang selpon ko 5:17 am palang kaya naman agad kong inayos ang higaan ko at agad pumasok sa cr para maligo. pag katapos kong naligo ay nag suot lang ako ng cargo pants at croptop. ayos na to

pagka bihis ko ay agad akong bumaba para pumunta sa kusina para mag luto. pag ka pasok ko sa kusina ay nag tungo ako sa may ref na nguha ng bacon at itlog para sa agahan namin. habang nag luluto ako ay hinugasan ko ma din yung mga pinag kainan nilang mga plato kagabi.

pagkatapos kong mag hugas at matapos kong maluto yung bacon ay agad ko naman sinunod na niluto yung mga itog. pagka prito ko ng itlog ay agad kong ikirog yung natirang kanin kagabi.

"oh. gelay ang agao yatang nagising? tanong ni mama "pasensya na at ngayon lang ako nagising na pagod akong na malengke kahapon" dagdag pa ni mama

"ayos lang po ma. kain na po kayo si papa?" tanong ko

"andon sa kwarto nag bibihis katatapos maligo" sabi ni mama sabay kuha nito sa ref tubig.

"ang agang nagising ah?" sulpot ni kuya "ganyan ba ang epekto ng may inspiration sa buhay?" nakangiting dagdag pa nito

"hindi ba pwedeng maganda lang ang tulog ko kuya" sagot ko

"maganda tulog? o maganda yung panaginip mo kaya maganda tulog mo? Ayiee si gelay may manliligaw na" tatawa tawa nitong sabi.

"ano--

"ano yung narinig kong ligaw ligaw?" sulpot ni papa habang nag bobotones ng damit nya.

"si gelay papa may manliligaw na" tumatawang sabi nito kay papa

  "totoo ba yun gelay? sino yang lalaki na yan ipakilala mo muna saamin  seryosong sambit ni papa. yawaa ka kuya!

"wala po papa inaasar lang kadi ako ni kuya" pag aapela ko

"may nag bigay nga sayo kagabi nung teddy bear na panda diba? diba?!" asar pa nito

"sinong ba yang lalaking na nag bigay pa ng ganun sayo?" seryosong sambit ni papa habang naka tingin ito saakin

"si ryle po pero diko naman po sya manliligaw kaibigan ko lang naman sya" sagot ko.

"Izaac tama na yan kumain na kayong tatlo jan. tsaka sinabi na ni gelay na kaibigan nya lang yun." sulpot ni mama na sabi. tengkyu mother.

kaya naman umupo na si papa at nagsimula na kaming apat na kumain. pag katapos namin kumain ni kuya ay nag paalam na kami kayla mama at papa. at agad lumabas. pag kalabas namin ay nilabas na ni kuya yung sasakyan nya at agad akong sumakay.

"susunduin ba kita mamayang hapon o hahatid ka ni ryle?." tanong nsakin ni kuya habang nag lalagay ako ng seatbelt.

"hindi ko alam kuya panget. text nalang kita kapag" sagot ko.

"Alam mo bang ako ang pinaka gwapong anak ni papa kaya wag mo akong tawaging panget" sambit nito.

Slightest Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon