*KRIIIIIIIIINNNGGGGG*
Sinyales yan na uwian na. Napatingin ako sa orasan ko, 12:00 pm na rin pala kaya nakaramdam nako ng gutom. Inayos kona ang mga gamit ko sa bag at saka tinext ang aking boyfriend.
To Miko: Lab uwian na namin, kayo ba? I'll wait for you nalang sa ground floor. Iloveyou❤️
Sent!
Wala pang isang minuto nagreply na siya.
From Miko: Lab kakadissmiss lang samin, asan ka na ba? Puntahan na kita. Iloveyoutoo❤️
Napangiti ako sa reply niya. Kahit sa simpleng iloveyoutoo napapabilis na talaga niya ang tibok ng puso ko. 2 years na kami pero hanggang ngayon patay na patay parin ako sa lalaking to. Nireplyan ko naman siya kaagad at sinabing nasa hagdan ako. Hindi naman ako naghintay ng matagal kasi ilang minuto lang ang lumipas ay may biglang yumakap sakin mula sa aking likod.
Isang tao lang naman ang mahilig gumawa niyan sakin e, si Miko lang.
Napangiti ako at humarap sa kanya.
"Lab gutom nako, kain na tayo."
Sabi ko at malambing na yumakap sa kanya.Natawa nalang siya sa aking inasal. Sanay na sakin to e.
"Gutumin ka talaga lab, halika na kain na garod tayo."
Pagkatapos niyang sabihin yon ay hinawakan na niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.
Napagpasyahan naming kumain sa McDo. Lagi kami dito kasi sobrang memorable ng lugar na ito samin. Dito kami unang nagdate nung bagong magkasintahan palang kami and up until now di kami nagsasawa dito. Kahit naman saan, basta magkasama kaming dalawa okay lang e.
Pagkatapos naming maglunch ay naglibot libot muna kami sa mall, pampatay oras habang wala pa kaming klase after that bumalik na rin kami ng school at hinatid na niya ako sa room ko. Hindi kami magkaklase kasi magkaiba kami ng strand dalawa, pero no big deal kasi we can still manage our time para sa isa't isa naman.
Days passed pero ganon parin kami ni Miko, same routine parin.
At nandito ako ngayon sa hagdan naghihintay sa kanya. Lagi kasing una ang dismissal ko kesa sa kanya e, ewan koba. Nakatayo lang ako sa may gilid ng hagdan ng makita ko siyang naglalakad, but this time he's with a girl.
Kilala ko naman yung babae kasi kaklase niya yon, si Charisse. Madalas niyang ikwento sakin yon na laging tumutulong sa kanya sa room nila and syempre natutuwa naman ako kasi kahit di niya ako kasama alam kong may tumutulong naman pala sa kanya sa room nila. They both smiled ng makalapit sila sakin.
"Oh paano, una na ako sa inyo ha? Bye Lea, bye Miko!"
Sabi ni Charisse at saka kumakaway na umalis.
"Bye Charisse! Thankyou pala sa kanina!" Sigaw ni Miko kasi medyo malayo na rin samin si Charisse, nagmamadali kasi ito.
YOU ARE READING
PAUBAYA
Short StoryKahit ikaw pa ang nauna kung hindi ikaw ang inilaan sa kanya, talo ka. Ika nga ni Moira "Mahirap labanan ang tinadhana".