Nagising ako sa sunod-sunod na katok.
I opened my eyes and saw my dimly-lit room. Papaano ako napunta dito? Wala naman akong maalala na naglakad ako papunta dito. My last memory was when I took a nap in the car. Hindi na natuloy ang pag-iisip ko nang may sunod-sunod na kumatok ulit sa pintuan ko.
"Corinne Lindsay! Nandito ka ba?!" Narinig ko ang nag-aalalang sigaw ni Mia sa kabilang banda ng pintuan. I got no choice but to stand up. Baka nakalock ang pintuan kaya hindi sya makapasok. Nagsisi agad ako sa biglaang pagtayo dahil sa biglaang pagikot ng paningin ko.
"Wait!" I shouted back at Mia para matigil na sya sa pagkatok nya. Nakahawak ako sa sintido ko nang buksan ko ang pintuan. "What's with you?"
"What's with YOU?" balik na tanong nya saka ako tinignan from head to toe, bago ngumisi. "Uge and Bea would freak at your choice, but hey, I don't judge."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Tinignan ko ang suot ko at napairap sa nakita. I am still wearing my dress yesterday, it was kind of scrunched up to my waist, and I'm wearing my teddy bear pajamas below.
"Ugh," I grunted. Ano bang pinag-gagawa sa akin ni Zeke? Mas nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok sya. Tatanungin ko pa lang sana kung nasaan si Chantal nang makita ko ang paa nya na nakasabit sa arm rest ng sofa ko. Tulog pa ata.
"Hindi na ko mag-iinom. Ever." Sabi ko habang tinatanggal ang damit na suot. Umupo naman si Mia sa kama habang naghahanap ako ng tshirt na pwedeng suotin.
"Sus. Give it a week or two, for sure makikipag-inom ka na naman." Nilingon ko sya at pinaningkitan ng mata dahil sa pangjujudge nya. Hindi naman ako ganon kahayok sa alak, no!
"Oh bakit, totoo naman ah?" Natatawa pa sya nang makita ang tingin ko sa kanya. "Halos every week atang dito naglalagi yung boys, lalo na si Ralph pati Oli."
"It's not like I'm inviting them! My condo is open to all of you, sadyang malapit lang 'to sa pinagtatrabahuan nila para dito magtambay kung gusto nilang uminom pero ayaw magbar." I defended myself. "Dito na kasi kayo ni Chantal para mas madali nang makita kayo."
Nakita ko ang pag-irap nya sa sinabi ko habang sinusuot ko ang tshirt ko.
"Magsama kamo kayong tatlo, pare-parehas kayo ng sinasabi." Natawa ako sa reaksyon nya. "We can always meet, you know? Pero kailangan ko nang maging independent talaga ngayon. Uge was baby-ing me too much before eh."
"Fine," I gave up. Alam ko namang hindi na magbabago ang isip nya sa bagay na 'to. Ilang buwan ko na syang inaalok sa paglipat dito eh. "Anong oras ka pala aalis?"
Para namang natauhan sya at naalala kung ano ang pinunta nya dito.
"Shit, malelate na ko! Pinag-alala mo pa kasi ako!" Nagmamadali syang tumayo at lumabas na ng kwarto ko kaya sinundan ko na sya. She gave Chantal a kiss on the forehead which only made her turn her back from her Mom.
"Alagaan mo anak ko, Lindsay, ha." May halong pagbabanta na sabi nya. "Atsaka please, for God's sake, magcharge ka ng phone at sumagot ka sa mga tawag ko! Kaninang madaling araw pa ko nag-aalala sayo kasi di ka nagreply kagabi! I barely slept! Nagcellphone ka pa kung hindi mo rin sasagutin?! Sinabihan ka nang mag-update lagi kung saan ka mag-iinom at sino kasama mo para di kami mag-alala sayo kung di ka nagpaparamdam, diba?"
Napatawa ako sa sunod-sunod na sermon nya. Parang mas marami pa syang sermon sa akin kesa para sa anak nya.
"Yes, Nanay." Pilit kong pinapaseryoso ang boses ko pero hindi ko pa rin mapigilang hindi matawa, kaya parang mas lalong nag-init ang ulo ni Mia.
"Don't laugh! Nag-alala kami, okay? Lalo na nang sinabi ni Ralph na nagmessage kang nasiraan ka sa Laguna. Akala ko may nangyari na namang masama sayo." Nagseryoso na sya kaya nagseryoso na rin ako. My heart warms from her concern for me. "Magtext ka kung mag-iinom ka sa labas, what happened to you in Quezon really scared the shit out of us."
BINABASA MO ANG
Chat Me Not
Teen FictionCHAT ME NOT (CNP#2) | Epistolary Corinne, a not-so-smart, struggling STEM student, tries to find a way to balance her studies, problems, passion, and happiness. --- @rinnelindsaym: wala akong maintindihan, help --- Start: 20 June, 2020 End: -