Ang produkto ng aking pgkabagot. Bow!
PART ONE
"Aaahh.. This is life," ani Saydie kasabay ng pagdipa nya pra mas lalong maramdaman ang dampi ng hangin sa kanyang mukha. Kasalukuyan syang naroon sa ancestral house ng bestfriend nyang si Elle sa Tagaytay. Nagulat na lang sya ng sunduin sya nito sa opisina at dalhin sya dun. 2weeks na mula ng huli silang nagkita.
"Hoy, pangit!" Napalingon sya dito.
Standing there a few inches away behind her was her guy bestfriend Emmanuelle Concepcion or Elle for his friends.
"Istorbo ka. Alam mo yon?" Asik nya dito.
"Hindi. Alam mo, kung gusto mo ng mamatay, hindi yan ang tamang solusyon. Mababa lang yang kakahulugan mo, hindi ka mamamatay dyan, mababalian lang. Tumalon ka na lang sa building." suhestyon pa ng tinamaan ng kulog.
Tiningnan nya ito ng masama. "At sino namang nagsabing magpapakamatay ako? Itong ganda kong 'to?" nanlalaki ang mga matang sabi nya. Idinikit nya ang likod ng palad sa ilalim ng kanyang baba.
Dinuro sya nito. "Hoy, Saydielynn 'Pangit' San Rocce. Wag kang mag-hallucinate dyan. May pagkain sa loob. Kumain ka muna, gutom lang yan!"
"Wala ka talagang tiwala sa kagandahan ng bestfriend mo 'no, Emmanuelle 'Reptile' Concepcion?"
"Wala."
"Pangit ka!"
Tinawanan lamang sya nito, bago sya nilapitan at inalalayan makababa sa barandilya. Nangingiting tiningnan nya ito. Iyon ang gusto nya sa bestfriend nya, kahit minsan minamaltrato sya nito, gentleman pa rin ito. Ang take note, gwapo. Makapal ang kilay nito, kulay malabnaw na tsokolate ang magagandang mga mata na binagayan ng makapal at mahahabang pilik. Matangos ang ilong nito, at meron din itong pamatay na lips. He was really handsome. Matangkad na sya sa height nyang 5'6, pero nagmumukha pa din syang duwende kapag naitabi rito. He was 6ft tall.
"Dont look at me like that." saway nito na nakapagpaigtad sa kanya. "Wag mong sabihing pinagnanasaan mo na ko ng lagay na yan? May I remind you, baby, hanggang tingin ka lang." sabi nito na sinabayan ng halakhak.
"Kapal nito."
Tumawa lang ulit ito ng malakas.
PART TWO
"WHAT time tayo uuwi?" tanong ni Saydie kay Elle.
"Dito na lang muna tayo mag-overnight. Na-miss ko rin kasi 'tong bahay."
"Well, hindi ka nya na-miss," sarkastikong sabi nya. "Hindi ako pwedeng matulog dito. Hindi ako nakapagpaalam kay nanay, baka masabon ako non ng walang banlawan." nakangiwing tutol nya.
"Don't worry about tita Susan, tatawagan na lang natin sya. Ako pa? Malakas ako dun." mayabang na sagot nito.
"I'm sure." sarkastikong sabi nya.
Ninang kasi nito sa binyag ang nanay nya, kaya hindi sya nagdududa sa sinabi nito. Kasalukuyan silang nakahiga sa sofa sa sala. Magkabaliktaran sila. Nasa magkabilang dulo ng sofa ang mga ulo nila. Nakapatong sa dibdib nito ang mga paa nya, habang nasa inuunanan naman nya nakapatong ang mga binti nito.
"Oh, by the way, kamusta na kayo ng girlfriend mo? What's her name again? Rina?"
"Dorrie."
BINABASA MO ANG
I Love You, Bestfriend!
RomanceHindi naman duling. Hindi naman banlag. Pero bakit kung sino pa ang malapit sya pang nhindi madal;as mapansin? He was secretly in love with her bestfriend. And she love him too. As her bestfriend. Kailan kaya magtatagpo ang magulo nilang mundo? At p...