(Bleeding Love by leona Lewis)
(Background song para kay amihan)
Naka relate ako dito*(Sa kuta ng mga mandirigma)*
Avisala mahal na reyna.bati ni danaya at aquil
Avisala.bati din ng hara ng mga diwata
Amihan maaari ba kitang makausap.sabi ng kanyang bunsong kapatid
Maari nmn danaya.nakangiting sabi ng hara tsaka sila lumayo sa kuta
Amihan hindi mo pa sinasagot ang aking katanongan kagabi sino ba talaga ang ama ng iyong dinadala?.tanong ni danaya
Siguro kailangan mo na talagang malaman danaya kung sino ang ama ng akin anak.........si..si ybrahim.sabi ni amihan sa kapatid at labis na ikagulat nito
Ang prinsepe ng sapiro.danaya
Siyang tunay danaya kaya kung maaari walang ibang makakaalam nito kundi tayo lang hindi nila dapat malaman na akoy nagdadalang diwata dahil ayaw kung masaktan ang ating kapatid.pakiusap ng reyna sa bunsong kapatid
Makakaasa ka apwe.nakangiting sabi ni danaya sa hara
Avisala Eshma Danaya.pagpapasalamat ng hara
Pabalik na sana sila ng kuta ng biglang nawalan ng malay si amihan
Amihan!!.nag aalalang sabi ni danaya
Hinawakan nya si amihan tsaka nag ivictus papunta sa kuta
(*kuta ng mga mandirigma*)
Sang'gre Danaya Anong nangyari sa ating reyna?.nag aalalang tanong ng mashna
Aquil tulungan mo akong dalhin si amihan sa kanyang kubol.utos ng sangre sa mashna
Masusunod mahal ko este mahal na sangre.sabi ng mashna tsaka binuhat ang ang reyna patungo sa kubol lihim nmn na napangiti ang sang'gre
(*kubol ng reyna*)
Sang'gre Danaya tapatin mo nga ako anong nangyayari sa ating reyna.tanong ng mashna sa sang'gre
Aquil,Danaya anong nangyari kay amihan?.tanong ni sang'gre alena na bakas sa mukha ang pag aalala
Wala ito alena nahilo lamang sya kanina at nawalan ng malay.paliwanag ng bunsong sang'gre
Maiwan ko muna kayo mga mahal na sang'gre.pagpaalam ni aquil tsaka lumabas ng kubol
Danaya may tinatago ba kayo sa akin?.tanong ni alena
Wala alena bakit mo natanong ang bagay na iyan?.tanong ni danaya
Wala nmn sige na at akoy magpapahinga na sa aking kubol.pagpaalam ni alena tsaka lumabas sa kubol
Binantayana maigi ni danaya ang kanyang kapatid na hara
Maya maya ay nagising na si amihan nakita nya ang kanyang bunsong kapatid na natutulog sa gilid ng higaan
Napangiti sya ng maalala nya ang mga panahon na kasama pa nila si pirena
Bumangon si amihan mula sa pagkakahiga
Pinahiga ni amihan si danaya sa higaan at lumabas
Maya maya ay nagising si danaya at napagtanto na nakahiga sya sa higaan ni amihan
Amihan?!.tawag ng bunsong sang'gre
Sang'gre Danaya mabuti't gising kana wala ang reyna dito umalis sya.sabi ng mashna sa sang'gre
Alam mo ba kung saan sya nag tungo?.tanong ng sangre na may halong pag aalala sa kanyang boses lalo pat alam nya na nag dadalang diwata ang kanyang kapatid na hara
Poltre ngunit hindi ko alam.mahinang sabi ng mashna tsaka lumabas ng kubol
Ashtadi ka talaga amihan kahit kailan.galit na sabi ni danaya tsaka lumabas sa kanyang kubol
(*dalampasigan*)
Nakatayo si amihan habang pinagmamasdan ang mga alon labis syang nag aalala sa kanyang panganay na anak na si lira
Lira anak nasaan ka?labis na akong nangungulila saiyo,anak nasaan kana?nasa maayos kabang kalagayan?.bulong ni amihan sa hangin at unti unting tumulo ang kanyang mga luha
Linabas ni amihan ang brilliante ng hangin
Brilliante ng hangin inuutusan kita ipadama mo sa akin anak ang aking pagmamahal,ipadama mo sa kanya ang aking yakap at halik kung saan man sya naroroon.utos ni amihan sa brilliante
*lireo*
Biglang nakadama si lira ng kapanatagan hindi nya mapaliwanag kung ano ang kanyang nararamdaman ngunit nakadama sya ng isang napakahipit na yakap galing sa hangin at halik sa noo galing sa hangin isa lang ang nasa isip nila kundi ang kanyang ina
Inay!.umiiyak na sabi ni lira at ipinikit ang kanyang mata
Hindi mapaliwanag ni lira kung bakit nakaramdam sya ng ganon kahit na nasa piling na sya ng kanyang ina sa lireo at ang kanyang ashti pirena
(*kuta ng mga mandirigma*)
Nakarating na si amihan sa kuta ng mandirigma at sinalubong sya danaya na tila galit
Amihan saan ka ba galing?alam mo bang dilikado sayo ang mag isa dapat ginising mo ako para masamahan kita!!!.singhal sa kaniya ni danaya na may halong pagaalala
Huminahon ka danaya batid mong kaya ni amihan ang kanyang sarili alam kung hindi sya papabayaan ng kanyang brilliante.pagpapakalma ni alena
Kahit na alena dilikado kay amihan ang mag isa lalo pat syay nagda---------,ah nagdadami na ang ating mga kalaban.sabi ni danaya
Poltre Danaya hindi na mauulit.sabi ng hara tsaka pumasok sa kanyang kubol
To be continue.......
A/N:ano sa tingin nyo ang sasabihin sana ni danaya?
Comment and vote
BINABASA MO ANG
Encantadia(new Version)
FantasyPuso o katungkolan? Kaligayahan o kalayaan? Isa lang jan ang maaari mong piliin Bilang reyna ng lireo mas pipiliin ko ang aking katungkulan kaysa sa aking puso kalayaan para sa sariling kaligayahan🤧😢