29

59 21 0
                                    


One Week Passed



Nagmamadali ngayon akong umalis ng bahay dahil sa kagaguhan kong ginawa. Biruin mo ba naman sa halip na asukal nailagay ko sa kape ni kuya ay asin, tapos yung mga puti niyang damit naisama ko sa mga dikulay.  JUSKO...



Maya maya pa ay narinig ko ang ringtone ng cellphone ko kaya naman tiningnan ko ang caller at patay kung sinuswerte ka nga naman. SI KUYA SAM! Kaya pinaharurot ko na ang motor ko. Ito yung regalo saakin dati ni kuya. Ang dami na ring nagbago. Nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin yun. 



"Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw ng driver ng truck na nasa likoran ng motor ko at dahil sa sigaw nito ay muntik ko ng maipreno ang motor ko. Bwisit.



Nang makarating ako sa isang parke malayo sa bahay ay tumambay muna ako rito. Para makapag-relax naman ako. Hayss naalala ko nanaman yung nangyari ng magkita kami sa restaurant.



Flashback



Tila tumigil ang oras. Hindi mawari kong totoo ba ang nakikita ni Sasha. Sapagkat nasa harapan niya ang lalaking palagi niyang iniisip at pinapahalagahan. Napakarami na ang nagbago kay Prince. Mas naging matipuno at matangkad ito. Mga matang kay sarap pagmasdan. Mga ngiting nakakapanghina ng tuhod. Ang lalaking nagbibigay depinisyon sa salitang perpekto.



"Sino ka?!" Sa isang iglap ay nawala lahat ng emosyon ni Sasha. Tila naging ibang tao ang kasama nina Cleverio at Trace. 



Nanlaki naman ang mga mata ng kasami ni Sasha sa sinabi ng dalaga. Mukha namang nahiya si Prince sa sinabi nito. Kaya napakamot sa ulo ang binata."Hindi mo na ba ako natatandaan, Ms. Pandak?" Mukhang batang iiyak si Prince kaya naman humalaklak si Sasha. "It's a PRANK!" Kaya natawa na rin sina Cleverio at Trace. Kaya bumusangot ang mukha ni Prince saka kinuwa ang isang bakanteng upuan sa kabilang table para makaupo.



"HAHAHAHAHA...Kamusta ka?! Muntik ka ng umiyak!" Natatawang sabi ni Sasha rito. "Bad ka! Eto gwapo at habulin ng babae..." Inirapan lamang ito ni Sasha. "Pakihanap pake ko." 



Puno ng asaran at tawanan ang apat. Tila ba ay para parin silang mga bata na sobrang namiss ang isat isa. 



"Ano?! Abogado ka na at doktor pa? Aba'y buti at buhay ka pa..." Gulat na gulat na sabi ni Prince ng sabihin ni Sasha kung ano ang trabaho niya. "Buang ka talaga. Ikaw ano pala trabaho mo, Tukmol?" Curious na tanong ni Sasha kay Prince.



Napakamot naman sa ulo si Prince. "Eto tambay." Napangiwi naman si Sasha saka tiningnan si Prince pasimula sa paa nito hanggang sa mukha. "Yan ba ang definition mo ng tambay? Aba'y kung lahat ng tambay katulad mo baka ang Pilipinas ay 1st world country na." Napailing iling naman sina Trace.

Sasha ShirleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon