Amante Sangriento

5 1 0
                                    

ANZENE’S POINT OF VIEW

"You're not going, aren't you?" Leila asked in a playful tone.

"I don't know yet," sagot ko naman na may kasamang masamang titig sa kaniya.

"For fuck's sake, Anzene. Move on will you? It’s been 5 years!" pagalit niyang sigaw. Paniguradong naubusan na naman siya ng pasensya sa akin. Totoo naman kasi ang sinabi niya, limang taon na ang nakakaraan simula nang mangyari 'yun. At sa loob ng limang taon ay ako ang sinisisi ng mga taong nakapaligid sa akin.

“Can you just please leave me alone? I know you believe me that I did not do that but other people think differently. I only have you and Farrel. Kayong dalawa lang ang naniniwala sa akin. I am still in the process of moving on, okay? I am trying. Gusto ko rin naman makawala sa nakaraan pero kakailangan ko ng sapat na panahon. Please, mauna ka na lang doon. Susunod ako, promise.”

“Okay, I am sorry for forcing you. I’ll wait for you there, ‘kay?” she said while hugging me. “Alis na ako. Hintayin mo na lang si Farrel dito. Bye!” pagpapaalam ni Leila bago lumabas ng aking silid.

Pabagsak akong humiga sa aking kama. Inisip ko kung pupunta ba ko sa puntod niya o ano. Feeling ko napakalaki ng kasalanan ko sa pamilya niya kaya naman ay hindi ako nagpapakita. Hindi nila matanggap ang katotohanang nabuhay ako samantalang ang kanilang anak ay namatay. Maski ako ay nagtataka kung bakit nga ba hinayaan akong mabuhay ng lalaking iyon. Hanggang ngayon ay isa pa rin itong napakalaking palaisipan para sa akin.

Naputol ang aking pag-iisip nang may marinig akong yabag galing sa labas ng aking kwarto. Tumayo ako at inayos ang aking sarili dahil sigurado akong si Farrel ang may-ari ng mga yabag na narinig ko.

Marahang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Farrel. Si Farrel ang isa sa dalawang naniniwala sa akin na hindi ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Randy. Isang taon matapos ang insedente ay nagkrus ang landas naming dalawa. Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako inaalo sa tuwing naaalala ko ang nangyari. Siya ang palaging nandiyan kapag may kailangan ako at dahil doon ay natutunan ko siyang mahalin. Sa katunayan ay tatlong taon na kaming magkasintahan.

“Oh, I thought you are sleeping. You okay?”marahan niyang tanong sa akin. Ang kaniyang boses ay pamilyar at noon ko pa iyon napapansin hindi ko lang maalala kung saan ko ‘yon narinig.

“Yeah, I am okay. Nagmumuni-muni lang naman ako,” sambit ko habang nakayakap sa kanya. “Ano ‘yang dala mo?” tanong ko nang mapansing may bitbit siyang paperbag.

“Your favorite,” he answered cheerfully.

“Thank you pero hindi mo naman na ako kailangang bilhan ng ganito.”

Binawi niya ang paperbag at itinago sa kaniyang likuran. “Kung ayaw mo edi ‘wag, ako na lang ang kakain nito.”

“No. Tayong dalawa ang kakain niyan,” sambit ko at muling inagaw sa kanya ang kaniyang dala. “Sit there. I’ll just put this in a bowl.”

Agad naman siyang tumalima sa akin. Sa totoo lang ay hindi siya masyadong open sa akin pagdating sa kaniyang pamilya. Lagi siyang iwas sa topic na iyon. Sa loob ng tatlong taong pagiging magkasintahan ay hindi ko pa nakita ang kahit na sino sa kaniyang pamilya. Ang alam ko lamang ay ulila na siya.

Pagkatapos kong isalin ang mami ay bumalik agad ako kung saan siya nakaupo. Paupo na sana ako nang bigla akong mawalan ng balanse dahilan upang matapon ang hawak kong mami kay Farrel.

“Oh shit, sorry! Sorry! Sorry!”

“No it’s okay. Ikaw? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?” punong-puno ng pag-aalala ang kaniyang boses.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amante SangrientoWhere stories live. Discover now