Chapter 1.
Kaibigan. Minsan parang walang kwenta yang mga yan. Ang gulo ng buhay eh. Pampagulo. Parang walang silbi. Pero minsan naman, kung matino ka talaga at matalino at tama ang napili mong kaibigan. Ayos. Pero hindi ako ganun eh. Haha. Eto nanaman ako, nagsesenti. Emo daw ako eh. Pero san ka ba nakakita ng emo na pasaway, bulakbol, lahat na. Tsaka nakakita ka na ba ng emo na gwapo? Wala pa? Pag nakita mo ko, magiiba ang pananaw mo. Bigla kong nakita yung electric guitar ko sa tabi. Walangya si Uy oh. Hindi pa binabalik ung acoustic ko. So yun. Nag-concert ako dito sa kwarto. Naghahanda kasi pagsasabihan nanaman ako nila Mama. At eto na nga.
“Miko!!” sabi ni Mama.
“Ano!?” pero tuloy parin ako sa pagtugtog.
“Miko Villanueva!! Hindi ka ba nagsasawa sa paulit ulit kong pagsasabi sayo nito? Hinaan mo yan!”
“Edi wag kayong makinig! Tsaka isara nyo yung pinto!”
Pumasok si Mama sa kwarto ko na ikinigulat ko naman kasi dati namang hindi nya ginagawa yun. Tinanggal nya ung saksak sa amplifier tapos tinawag yung katulong nami’t pinapakuha yung gitara.
“Ayoko!!!”, naiinis na ko. Putek.
“Miko! Hindi ka na mapagsabihan! Ibigay mo!” Pero ayoko ng makipag-away kay Mama.
Ang dami ko naring beses na nasaktan sya eh. Binigay ko na yung gitara.”Hindi ka pwedeng gumamit nito ng 1 month miko. Tara na kumain. Handa na sa baba.”
“Ayoko. Nawalan na ko na gana.” Galit ako pero malumanay yung boses ko. Pag tinaasan ko nanaman, mali na naman ako. Walangya. Sinara na ni Mama yung pintuan tapos nag-iPhone nalang ako. Konting apps pero natapos lang sa pakikinig ng music.
—-
“Sir Miko! Gising na po! May pasok na po kayo.”, kanina pang nagsalita ng nagsalita tong maid namin. Parang sirang plaka lang eh. Pero naalimpungatan ako sa sinabi nyang may pasok ako. First day nga pala. Third year na ko. Third year. Isang taon nalang. Tapos na HS. Yes.
MIKA’S POV.
First day na ng pasukan. Hindi ko alam ang mangyayari sakin. Transferee kasi ako sa school namin eh. Ayoko dun sa dating school ko. Ang daming bullies. Sa lahat ng target ako pa, at sa lahat ng mang-ta’-target, babae pa. Lalaki pa nga yung nagtatanggol sakin eh. Kaya eto ako, medyo mataray, boyish at palaban.
Room 307. Okay. Eto na. Pagpasok ko ng classroom, wala pa yung professor namin. Pero lahat sila nagtinginan sakin. Ganito pala ang feeling pag transferee ka. Last year, parang ako yung nagmamasid sa mga transferee na pumapasok sa room namin eh. Ngayon, ako na ang tinitingnan. May vacant seat sa likod. Actually, madami pa sa likod. Normally, ang mga studyante, sa likod na-pwesto para makapagdaldalan. Pero dito? Bakit nagsisiksikan sa una? Whatever. Haha. Nakalimutan kong sabihin kanina na mabait at approachable naman ako. Yun lang. :))
Chapter 2.
Dumating na yung professor namin. May nakilala naman agad ako na mga kaibigan, kagaya nung seatmates ko. Saktuhan lang daw pala yung chairs. Pero yung seatmate ko sa kaliwa, wala pa. Late? Absent? Baka nagtransfer na. Ewan. Nakatingin ako sa chair nya. Nagtataka kung sino sya. Nag-start na ng lesson si sir. Naalala ko kanina, nung yun na lang na taong yun ang wala. Ang daming nakikipagpalit sakin ng upuan. Pero swak na ko sa upuan ko eh kaya yun. Sabi nila ang swerte ko daw. Bat kaya. Pogi siguro. Haha!
“Mr. Villanueva, Miko. Good morning.” Sabi nung prof. namin. Nagumpisang magbulungan yung mga katabi ko. Yung iba narinig ko, sabi, “SHEEET ANG POGI TALAGA NI MIKO.” Eh nagkataong narinig ni Sir. Napatingin sya sa kanila tapos natahimik sila. Miko Villanueva. Tapos ako si Mika. Eh teka lang. Ibang klase tong first subject teacher namin. Hindi nagpa-get to know. Sabagay ayaw namin yun. Pero sir! Kelangan ko silang makilalang lahat. Dalawa lang kaming transferee dito. Alam mo yun? Yung cute na lalaki sa unahan. Hehe. Pero infairness. Pogi nga si Miko. Matangkad. Maputi. Mukhang mayaman. Perfect. Swerte ko nga.