Part 1

30 1 0
                                    

Naglalakad ka sa kalye. 7:45 a.m. na at wala kang planong magmadali dahil alam mo na man na abala ang mga tao sa school kaya sigurado kang hindi ka male-late.

"Inday, Bente na lang tong Roses ko oh! Bilhin mo na. Mura na to."

"Ay sis, bente rin to ng akin pero mas freshy to at look oh, may cute pa siya na something.'' Sinabi yun ng bakla sayo sabay pakita nung something na teddy bear na super liit.

"Iha, itong rose ko, mabango to. Mabenta rin to eh."

Tiningnan mo sila at naghanap ka ng tamang salita upang sabihin.

"Manang, may bouquet ka po ba ng flowers? Yung mabango rin?"

Tinanong mo yung ale na may mabanging bulaklak. Mahilig ka kasi sa mabango kaya yun ang pinili mo.

"Iha ito oh, 50 pesos yan. Salamat. Maligayang araw ng pag-ibig."

Nginitian mo siya at sinabing 'Maligayang araw ng pag-ibig din.'

Pumasok ka sa campus niyo na may hawak na bouquet. May mga kapareha ka pang hawak na bulaklak kaya medyo nahihiya ka. Pumasok ka na sa classroom niyo at tiningnan ang mga kaklase mong nagbabatian ng 'Happy Valentines Day!' Binati ka rin nila at sinuklian mo sila ng matamis na ngiti sabay sabi ng, 'Ikaw rin.'

May mga palaro at may sari-sariling booths ang bawat klase para magkapera. May fund raising kasi kayong program para sa mahihirap. Masaya ang mga kaklase mo at nakikitawa ka din sa kanila.

"Knock-knock!"

"Who's there?"

"Bus."

"Bus who?"

"Because you know I'm all about the bus, 'bout the bus, no treble."

Pagkatapos to kinanta ng kaklase mo, napuno ng tawanan at hagikgikan. Nakitawa ka na lang din dahil nakakatawa naman talaga yun joke (para sayo). Pagkatapos ng tawanan, nagpaalam na ang mga kaklase mong nagbabantay ng booth ng classroom niyo dahil nagugutom na sila kaya maglu-lunch break muna sila.

"Iñi, lunch muna tayo?" Tanong ni Abi. Classmate ko. Di kami close pero kaibigan kami.

"Okay kang Bi, busog pa ako. May pupuntahan lang ako."

Sinabi mo yun tapos nagikot-ikot ka sa campus upang nahapin siya. Ito ka naman parati eh. Parating nakatingin. Parating umaasa. Kaso wala eh. Hanggang dito ka lang.

Nakita mo siya. Tumatawa. Masaya. Kumakain. May kakulitan. Yung babaeng mahal niya. Ang saya ng ngiti niya. Abot hanggang tenga. Tagos hanggang mata. Yung mga ngiting yun.. Sa iyo niya yun binibigay noon.. Kaso ngayon, sa iba na.

Nasasaktan ka. Sobrang sakit. Ang sakit. Nakikita mo siya, yung mundo mo. Hawak ng iba. Ang sakit, diba? Umalis ka sa kinatatayuan mo. Tumakbo ka palayo sa kanila. Kasi hindi mo na kaya. Lumayo ka habang dahan-dahan tumutulo ang luha mo. Wala ka ng pake kung may mabangga ka, basta matakbuhan mo lang ang sakit.. Matakbuhan mo lang siya.

-

Isa kang dakilang kaibigan. Kaibigan niya. Masaya kayo. Tawanan dito at doon. Naging normal at malapit na kaibigan. Kaso dumating yung araw na.. na mahal mo na pala siya. Aamin ka na sana. Wala kang pake kahit nakakahiya yun. Kasi hindi mo kinakahiya ang nararamdaman mo.

"May sasabihin ako sayo." Wika mo sa kanya.

"Ako rin." Masayang sagot niya sayo. Hindi mo mapigilan na hindi ngumiti dahil ang tamis ng ngiting binibigay niya sayo.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon