2nd Spring

6 0 0
                                    

Naiinis

'What is your dream, Av?'

For me that's the hardest question someone have ever asked to me. When I was in 3rd grade, our teacher gave us a tasked to draw an image of us in the future.

I wanted to draw myself beside a blank canvas while holding a paint and a paint brush but I end up crumbling the paper because that is my dream.

I draw my dream and not the image of my future like what my teacher asked. I need to be a doctor like what my parents want. I, wearing a doctor gown. That is my image in the future.

"Mahilig din po kayong magpinta?" tanong ni Sammy, isa sa mga batang cancer patient dito sa Home of the Angels.

Magkatabi kaming nakaupo sa harap ng canvas niya. Nalaman ko kasi na mahilig siyang magpinta dahil niregaluhan niya ako ng isang artwork niya. Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at binigyan ng mga materials na magagamit niya sa pagpipinta.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Hmm. I want to be painter and do exhibits in the future. Ikaw? Dream mo din bang maging painter?"

Tumango siya at sumimangot bigla.

"Why?"

"Gusto ko rin pong mag-paint ng marami at mag-exhibit katulad niyo po pero may sakit ako kaya baka hindi po matupad ang dream ko."

Nasaktan ako sa sinabi niya. It really is easy to dream but it's always hard to make it come true.

"Kaya nga dapat magpagaling ka. Someday, I will be on your exhibit and so your are on mine." ginulo ko ang bangs niya.

"Pwede pong sabay tayong mag-exhibit?" ngumiti ako at tumango.

But no matter how hard it is, having a dream always give hope for us.

Mag-gagabi na nang magyayang umuwi si Summer. Masyado siyang nag-enjoy sa pakikipaglaro sa mga bata.

"Salamat po, Sister Lyka."

Kumaway kami kay sister bago pumasok sa taxi na tinawag namin. Gusto pa nga sana ni Summer na magcommute kami kaso gabi na at nakakatakot baka maholdap kami.

"Matuto ka ngang mag-commute, Av. Paano pagbumukod ka na? Magtipid ka nga." sermon niya sakin.

Umirap ako. "Opo, nanay. Magtitipid na ako kaya ikaw magbayad ng pamasahe mo ah."

"Hoy ikaw naghila sakin dito ah!"

Tumawa ako. Magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang cellphone niya kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

Gusto ko sanang makitulog sa apartment niya kaso andoon pala ang pinsan niya. Nakakahiya naman.

"O, Ky?"

Nilingon ko siya ng marinig ko ang pangalan ng pinsan niya. Tumingin siya sakin kaya sa bintana nalang ulit ang atensyon ko. Sabihin pa chismosa ako.

"Oo, sige. Dalhin mo nalang yung spare key na nasa vase..hmm, ingat."

Sinilip ko siya nang matapos ang tawag. Nilalagay na niya sa
bag ang phone niya.

"Pinsan mo?" obvious na tanong ko pero tumango parin siya.

"Hindi siya sa apartment matutulog. May practice siya bukas ng maaga."

Tumango ako.

"Hindi na siya nag-aaral?"

"Nag-aaral. BS Chemistry."

"Magme-MedSchool siya?" gulat na tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. I thought he wants to be a musician.

Flower In The SpringWhere stories live. Discover now