This is The Saddest Story Ever.
©LiarLiar_DomoEater
--------
Mahal kita. Mahal mo ko.
Isa nang malaking bagay kung ang ma-ibigan mo ay mahal ka rin.
Isa ring masaklap na kaganapan kung hindi niya masusuklian ang pagmamahal mo.
--------
Indifference.
Yan ang dapat maramdaman mo kung gusto mong makalimutan ang nakaraan mo. Mahirap man mag-move on pero kailangan, dahil kakaunti lang ang chance na babalikan ka pa niya… lalo na kung nakahanap na siya ng iba.
“Ang sweet kaya ng boyfriend ko! Nung wala na akong masakyan kahapon kasi di ba matagal ako natapos sa meeting, ayun kinuha niya ako! Tapos nung nakadaan kami sa isang cake shop, binilhan niya ako ng strawberry cake… tapos tapos…” dada ni Cora. Lunch time; at naka-upo lang ako sa desk chair ko habang nakikinig sa mga kwento nila.
“Yung boyfriend mo? Weh? Hala ka. Baka nangangaliwa na yun!” opinion ni Zena.
“Porke sweet, nangaliwa na agad? Tsaka, likas na mabait kaya siya. Gentleman, tapos sweet!” depensa ni Cora.
“Di ba ganun naman talaga yun? Since iiwan ka na, they’ll make bait-bait to you muna para di sila masyado guilty.” Biglang napatakip si Zena sa bibig niya ng pandilatan siya ng mata ni Cora.
“Ano ba kayo. Common na yang pagtataksil. Wag niyo ko alalahanin, okay lang ako.” Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagabalak umalis, half day kami ngayon kaya okay lang na umuwi na.
Pagtataksil.
Pangatlong araw na since iniwan niya ako. Iniwan niya ako dahil may mas deserving pa daw sa’kin, na hindi daw siya karapatdapat sa pagmamahal ko.
Yun pala, may kaliwa na kaagad.
“[Oo, bukas nalang tayo magkita ha? Love you babes. *toot toot toot*]” sabi niya saka binalik ko sa bulsa ko ang fone ko. Since busy siya, ako lang ang makaka-celebrate ng monthsary namin.
Palakad na sana ako papunta sa cake shop na pinagkasunduan namin ng may marinig ako…
“Bebs, sino kausap mo?” childish na boses. Tch. Pa-cute.
“Ah wala. Yung clingy na babae lang, gusto daw niya makipagdate eh.” Yung… yung boses na yun.
“Ehh?? Ako lang ang bebs mo diba?” at feel ko ngumuso siya habang sinasabi yun.
“Oo naman bebs. Ikaw lang.” tiningnan ko kung sino nagsasalita… and confirmed. Yung EX-boyfriend ko pala. Nilapitan ko sila at nung nakita niya ako, bakas sa mukha niya ang kaba. Pero don’t worry, di ko naman siya ipapahiya. Nahiya naman ako sa batang kasama niya.
“Hi EX! Nandito ka pala? Teka, sino siya? Bago mong nasulot?” ngiti lang, Ariadne. Tumingin ako sa wristwatch ko, “Ah! 2pm na pala! Hinihintay na ako ng ka-date ko. Una na ko ha!” tinalikuran ko na sila para hindi na siya magsalita pa.
Para hindi ko na marinig ang kung anomang kasinungalingan ang lalabas sa bibig niya.
Tch. Manloloko.

BINABASA MO ANG
This is The Saddest Story Ever.
RomanceA short story that will make you cry…or so I think? :P Weh? XD Try lungs itetch! Aminin! Boses ni Vice Ganda ang naisip mo nang mabasa mo yung title? XD