"Wahhhhhhhhhh! Yes!!!! I did it" sigaw ko sa kwarto ko habang hawak ang result ng scholarship exam ng Artamiel University and gladly I passed
"Nak? Ano bang sinisigaw mo dyan? May nangyari bang masama?" Ayan na naman si mama sa ka OA yan nya
By the way ako nga pala ang dyosa ng eskwater ng tondo Manila, Jude! but you can call me Jade 18 and proudly Gay.... And naniniwala sa kasabihang, ang taong matiyaga maraming nilaga... Hahaha... Ano ba yang intro ko... Hayyy btw punta muna ako kay nanay nasa kusina kase nagluluto, di nya pa alam na pasado ako sa university na gustong gusto kong pasukan.... Can't wait to tell my mom about this... Aray gusko day napa english ako dun ah, kala mo naman mayaman hahaha
Pinuntahan ko si mama na nandoon sa kusina para ibalita ang magandang balita ayon kay san marcos chareeennnnggg.... Ang magandang balita na nakapasa ako sa Artamiel University.... Panigurado ako matutuwa yun!
"Ma?" Hindi ko pa man nakakalapit sa aking ina ay masaya ko syang tinawag ng may halong pagkaexcite
"Oh? Ano yun? May problema ba?" Agad na sabat sa akin ng aking inay
"Mama, natupad na ang pangarap kong makapasa sa isang university at scholar pa ako! " Pagbabalita ko sa aking ina habang mangiyak ngiyak na nakangiti at tumutulo ang luha sa aking mata dahil sa tuwa na nadarama
"Talaga ba anak? Totoo ba iyan? " Sabi ng aking ina
"Opo Ma! Ito po yung resulta ng exam, kararating pa lang po nyan kanina at sobrang nagpapasalamat po ako kay Lord dahil prayer answered po" Pagpapakita ko ng resulta ng Exam kay mama sabay yakap ng mahigpit sa sobrang tuwa
"Salamat sa Diyos! Sige nak bibisitahin naten ang papa mo mamaya at kwentuhan naten sya sa magandang balitang yan" sabi ni mama sa akin habang nakayap pa rin
Bigla akong nalungkot sa sinabing yun ni mama. Siguro kung buhay pa si papa at nandito sya ngayon sa tabi namin, malamang hindi kami lumipat sa eskwater area na ito at sana buo pa kami hanggang ngayon. But wala eh, life has to move forward kaya kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para maabot ang aking pangarap
---------------☺️☺️☺️---------------
Pagkatapos naming kumain ng agahan ay tumungo na kami sa sementeryo, kasama ko sila mama, at ng dalawang kapatid ko. May dala rin kaming konting meryenda para pagsaluhan namin habang nananatili kami doon.Ilang sandali pa ay narating na namin ang puntod ni papa, nasa ilalim ito ng isang puno, na nasa isang public cemetery.
"Oh mga anak pahinga muna tayo dito sa puntod ng papa nyo" sabi ni mama
Iniisip ko lang, kung siguro hindi kami pinasok ng mga sindikato at hindi nabaril si papa, eh di sana masaya pa kami ngayon, maginhawa ang buhay, at hindi kami lumipat sa isang eskwater area. Sana kung buhay pa sana sya, makikilala nya pa sana ang bunso kong kapatid na si matthew na ngayon ay kasalukuyang 3 taong gulang pa lamang. Halos mag aapat na taon na ring wala si Papa at araw araw pa rin kaming nangungulila ng nakababata kong kapatid na si Luke at ni mama sa kanya. Hayyssstt ano ba yan, andrama ko, siguro dala na rin ito ng lubos kong pagmamahal at pangungulila sa kanya
"Pa, nakapasa po ako sa University na pinagtapusan nyo!" Sabi ko sa kawalan habang lumuluhang nakatingin sa puntod ng aking ama.
"Siguro Pa, kung kasama ka pa rin po namin, magpapa-party ka sa bahay, gaya nung ginawa mo nung nagraduate akong Top 1 nung elementary ako! Pero ngayon, malabo na mag party pa kami kase wala pong masyarong budget. Pero okay lang yun Pa, ang mahalaga nakapasa po ako, hanggang ngayon po, hindi pa rin po nagkakabati si mama at si lola, kaya lahat ng iniwan nyo na para sa amin na pamilya mo, pati yung bahay naten, binawi yun lahat ni lola, kase po hanggang ngayon, si mama parin po ang sinisisi nya sa pagkamatay nyo. Sinisisi nya pa rin po si Mama dahil dun sa nagyaring trahedya sa inyo at tsaka po hindi pa rin po kase matanggap ni Lola na pinakasalan mo si Mama, si Mama na isang eskwater. Pero Pa, balang araw alam ko po na magiging maayos po ang lahat. Kahit anong hamon po ng buhay, hindi po ako susuko. Pinapangako ko po sa inyo na magtatapos po ako ng pag aaral para po maipakita ko po kay Lola na mali sya. Sa ngayon po Pa, hinihingi ko po na sama bantayan nyo po ako, si Mama, si Luke, at pati na rin po ang bunso nyong anak na si Matthew. Salamat po sa lahat lahat Papa. " Pag kekwento ko sa harap ng puntod ni Papa habang pilit na pinipigilan na humagolhol sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
Four Gangsters And A Gay (BoyxGay)
RomanceWittness The Perfect War Between Four Handsome and Famous Straight Boys vs. The Funny and Poor Gay☺️ May ibubuga kaya ang Baklang si Jude sa mga taong makakasalamuwa nya sa isang yayamaning paaralang nag offer sa kanya ng scholarship? Sabay sabay n...