CHAPTER 48: Cosa Nostra and Bratva

143 13 2
                                    

CHAPTER 48: COSA NOSTRA AND BRATVA

"Oy!"

Nakatulala lang ako sa malaking swimming pool sa ibaba rito sa balcony ng aming silid, ang magkaparehong braso ko ay nakapatong sa railings. Nang may bigla nalang kumuha ng atensyon ko sa kabilang balcony.

Nang balingan ko ay isa iyong babae na mukhang mas bata kaysa sa akin, ngunit mas magulo naman ang hitsura niya kumpara sa'kin.

"Baguhan ka lang ba rito?!" Sigaw nito na parang siga, pero kung titignan ng mabuti ay mukha lang siyang lasing. Lasing kahit tanghaling tapat.

"Oo! Kasama ko ang dalawang anak kong babae!" Sigaw ko pabalik, nakangiti kong dinama ang hanging bigla nalang umihip ng malakas.

"Wow!" Then she lift her right hand up, there's an opened can of beer in it. "Asawa mo?" Tanong niya bago tumungga.

Napalunok ako sa hindi malamang kadahilanan.

"Papunta palang rito," nanubig ang bagang ko sa kaniyang iniinom, ngunit hindi ko pinahalata. "Ikaw? Sinong kasama mo?"

She chuckled and speak up drunkenly. "Mga punyetang kaibigan ko na walang ginawa kundi magwalwal dahil sa mga jowa nilang manloloko."

Hindi ko napigilang magpakawala ng tawa nang maalala ko rin ang mga kaibigan ko, lalo na si Glory. Baliw iyon sa pag-ibig, ma-effort at mapagmahal, marupok din at mabilis masaktan. "Makaka-move on din sila, kaunting tiis lang."

"Sana nga," tumungga ulit siya sa kaniyang inumin saka basta-basta nalang itinapon sa gilid ang lalagyan. "Ang kaso may mga lahing marurupok eh."

Natawa ulit ako bago yumapos sa aking sarili nang humangin na naman muli, nagsipagliparan sa ere ang ilang mga hibla ng buhok ko.

"May mga marurupok ka rin bang mga kaibigan?" Tanong ng babaeng habang siya'y susuray-suray na lumalakad papunta sa maliit na lamesa sa gilid niya na kung saan may mga puting supot galing sa iisang convenient store.

"Madami." Humalakhak ako.

"Gusto mo?" Alok ng babae matapos ipinakita sa akin ang dalawang lata ng alak na kaniyang inilabas sa supot.

Umiling ako, kahit pilit akong kinukulit ng konsensya ko na um-oo. "Hindi na, magagalit mga anak ko."

"Sus!" Singhal niya bago siya bumuwelo. "Oh, salo!"

Kahit tumanggi ako ay mabilis kong sinalo ang mga alak na sunod-sunod niyang inihagis. Ni hindi ko rin naman matiis ang bisyo ko.

Atsaka nakasarado rin naman ang pintuan ng kuwarto dito at abala naman sina Reezen at Hershel sa panonood ng cartoons sa flat screen at sa mga pagkaing inihanda ko.

Ipinatong ko na muna ang isang lata sa ibabaw ng lamesa sa gilid.

"Ba't nga pala narito kayo ng mga anak mo?" The lady asked as I opened one can and drinks it aggressively as if I'm craving for it.

"Bakasyon?" Aniya.

"Oo, kaso may bahay naman na akong pinagawa dito sa Puerto Princesa, kaso hindi na kami nakauwi dahil nasira ang sasakyan ko. Dito tuloy ang bagsak namin."

"Ahhh..." Uminom siya saglit saka pinunasan ang kaniyang bibig. "Kaya pala papunta asawa mo rito para sunduin kayong mag-ina."

I snapped my fingers. "Tama ka diyan."

Inisang tungga ko ang isang lata ng alak bago inilabas ang lalagyanan ng sigarilyo ko sa bulsa ng pambaba ko.

Kumuha ako ng isa bago inipit sa labi ko saka inalok ang babae. "Yosi?"

Kiss of Death 3: Dark ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon