Pagkauwi sa bahay ay nagmano agad ako kay nanay na nagwawalis sa bahay.
"Bumili ka ng ulam natin nakabinta ka naman diba?"tanong niya tumango ako
"Sege dalian mo para makapaghapunan na tayo"utos niya
Kaya pumayag na ako.
Pagkarating ko sa barbequehan ay halos laglag ang panga ko habang nakatingin sa malulutong na pandesal ni Diego.
Omegerd.
Nagpapaypay ito ng inihaw kaya naman subrang pawis na nito. Natigilan naman ako ng may bumatok sakin.
Agad naman akong napalingon don at agad tumaas ang blood pressure ko.
"Hoy pitong ano ba?!ano na naman trip mo a?ano na naman pinaplano niyong dalawang magkapatid?!"sabay duro sakanya at sa mga kasamahan niya
Actually magkapatid sila pitong at nanding na ubod ng papansin e wala namang binatbat may itsura nga mayabang naman.
Napalingon ako kay Diego at agad napangiti.
Hindi tulad ni Diego.
gwapo na,masipag rin at mabait pa.hay naku pol pakeg na.
"Uy tulo na laway ni Clara o!!wag kang mag assume may magandang gilpren yan na mas magnda sayo!"asar niya
Babatukan ko sana kong hindi lang dumating si Clarissa— ang kapatid kong madaldal at mas malubha pa sakin.
"Uy kayo?pinag titrpian niyo na naman ba ang ate ko?ay Hindi ito pwede malilintikan kayo kay tatang gusto niyo?"banta niya
Tinawanan lang siya ng mga ito.
"Pwede ba Clarissa?wag kang makiilam"asar sakanya nila pitong at barkada niya
"Aba sumasagot ka saking pitong ka?!hali ka!"at tiyaka niya ito pinikot si pitong na mangaray ngaray sa sakit
"Ayan ang napapala mo!"halakhak ko
Mahigit isang taon lang ang layo ng edad namin ni Clarissa medyo mas maganda nga lang siya sakin may pusong hugis na muka habang ako bilog na bilog na namana ko kay tatang.
Nalimutan kong bibili pala ako ng isaw kaya lumapit na ako kay diego at nag pa cute sa abot ng makakaya ko
"Uy claring"bati niya
"Diego!!"masayang bati ko
"Isaw ulit?"tanong niya
"Bali, limang isaw nalang"sabi ko kaya nagtaka namn siya
"Bakit bumaba yata ang bilang?"
Napakamot ako.
"Kulang ang benta sa palengke e"
Ngumiti naman siya at tumango
"Dadagdagan ko ng tatlo a?"sabi niya
Natuwa ako.
kaya madaming naghahabol dito sa matchong diego nato ay dahil sa kabaitan niya hindi naman magawang magalit ng ante niya dahil mahirap pagalitan si diego na masyadong maamo ang mukha.
"Salamat ng marami Diego wag kang mag-alala sa susunod,dadamihan ko na"sabi ko
Nag thumbs up lang siya at nagpatuloy na sa pag ihaw para sa ibang nag aantay.
Ako naman habang naglalakad sa madilim na high way patungo sa bahay namin,naramdaman ko ng may naksunod.
Kahit madilim yan kilalang kilala ko yan, sino paba ang parating sumusnod sakin tuwing ganitong oras?e ang lalaking subrang patay na patay lang naman sakin.