.
Nagugutom na ko... pano na ko ngayon. Gusto to ko na umuwi sa bahay kaso? Galit nga pala sila sakin dahil sa mga ginawa ko daw na mali at pagnanakaw ko daw..
FLASHBACK...
nandito ako sa may sala nagbabasa ng libro ng makita ko si ate. Ou may ate ako at maldita siya.
Nakita ko siya na... hawak hawak nya ung wallet ni itay. Tumayo ako at pinigilan ang gagawin nya." ate bakit mo kinukuha ung pera ni itay?" Bungad na pananalita ko sa kanya.
" ano bang paki mo ha?" Galit na sagot niya.
" ate alam mo naman na masama ang mangupit diba!
Sigurado pagnalaman ito ni itay malalagot ka" pagbabanta ko sa kanya.
Pero totoo naman ung sinabi ko na malalagot siya kay itay, ang ayaw na ayaw pa naman ni itay e ang nangunguha ng bagay na hindi mo pagmamay-ari. At sinuway ito ni ate...
Kokombensihin ko si ate na ibalik yun at para hindi siya magpagalitan ni itay." ... ate ibalik mo na yan bago ka pa makita ni itay."
" ayoko nga .. kailan ko to mamaya para sa party namin magkakabarkada. Che bahala ka nga dyan"
Ha? Para sa party ka niya ginawa yun. Hindi pwede to. Lahat na ng pabor ay nasa kanya nya na pero ito, hindi pwepwede to.
Nakatalikod na sya sakin at patungo na palabas.. at bago siya lumabas ay inagaw ko sa kanya ung perang kinuha nya.
"Hoy! Ibalik mo yan sakin."
Sigaw sakin ni ate sabay sabunot sakin...
" ahhh... bi-bitawan mo koooo. Isusuli ko to. Tumigil ka naaa!.
Natigil kaming dalawa at naptingin sa may pinto na kung saan nakatayo si itay.
Bigla tumayo si ate at nagsalita.
" itay si meyang po, kinuha nya po ung pera nyo sa wallet kaya ko po siya pinipigilan pero ayaw nya pong magpaawat. Yan magnanakaw yan itay!! " pagsusumbong niya ka itay.
" Ha? Anung sinasabi mo. I-itay wag po kayong maniwala sa kanya. ssshhh"
Naiiyak na ko.
"Wag kang sumagot pa. Kitang kita ko na ikaw ang kumuha ng pera ko. Yan hawak hawak mo pa nga e."
Nakita ko si ate tuwang tuwa sa nangyari sa akin.
END OF FLASHBACK
Haay pagnaaalala ko yun naiiyak ako. Ang sama nila hindi man lng nila ako pinakinggan, nanghusga agad sila.
Huhu.. wala ngang nagmamahal sa akin.