Lay's ----
I just want to be happy like my sister... Gusto ko lang namang mahalin din nila ako katulad ng pagmamahal nila kay ate..
Gusto ko maranasan na proud ang parents ko sakin.. Gusto kong maranasan ang pag mamahal nila.. Gusto kong maranasan na kasama ang parents ko kapag may honour ako..
Gusto kong maki pag kulitan at tawanan kasama sila.. Ang dami kong gustong gawin kasama sila.. Pero paano mangyayari yun kung hindi naman nila ako mahal? Paano mangyayari yun kung ang first priority nila ay ang ate ko?
Oo. Inggit na inggit ako sa ate ko.. Kasi nasa kanya na ang lahat ng atensyon at pagmamahal nila..
Ako kaya? Kailan ko yun makukuha?Laze's POV
Ako nga pala si Era Laze Gence Sandoval. 15 years of age. Maganda daw. Mabait, masunorin, mapag mahal, hindi gaano katalino pero maganda naman ang grado. 4th year HS. May isa akong kapatid :) ang pangalan nya ay Era Lay Gence Sandoval. Oo mag kambal kami :) maganda sya, matalino, mabait. Kumbaga perfect sya. Yeah i know, nobody's perfect pero para sa akin Perfect sya.Hmmm yan lang ang sasabihin ko about sakin :)
Hay.. Naisip ko na naman sya. Palagi ko sinisisi ang sarali dahil sa nangyari. Kung hindi ko sana pinakita ang certificate kila mom and dad... Sana nandito pa sya..*FLASHBACK*
Laze's POV
"Mom! Dad!- sigaw ko papasok ng bahay namin na may dala dalang certificate.
"Oh bakit my princess ?- tanong ni daddy. Hindi princess pangalan ko. Ganun lang talaga ang tawag ng parents ko sakin.
"Naka kuha po ulit ako ng Certificate! Waahh ang saya saya ko! Di ko po akalain na makaka kuha ako ng certificate!"- sabi ko na may malaking ngiti sa labi. Naka ngiting niyakap ako ni mom at sinabing..
"Congrats my princess! Ang galing galing mo talaga! Manang mana ka sakin. Hihi."- sabi ni mommy.
"Congratulations my princess! Pag patuloy mo yan. At ikaw lay? Kailan mo balak mag aral ng mabuti? Bakit hindi mo gayahin itong ate mo? Tignan mo nga. Ang dami nyang nakukuhang certificate at medals. Ikaw wala? Hindi ka naman namin pinalaki ng ganyan. Anong nangyari sayo? Ang tali talino mo nung bata ka pa. Tapos ngayon ganyan kana ha?"- sabi ni dad kay Lay.
Haaayy. ito na naman tayo. Lagi nalang kaming pinag kukumpara. sabi ko sa isip ko."Hay naku hon. Hayaan mo yang babaeng yan! Alam mo naman na hindi rin tayo nyan papa kinggan. Mabuti pa at mag celebrate nalang tayong TATLO sa labas"- sabi ni mom. Ako lang ba ang naka pansin na pinag diinan nya talaga ang "tatlo"?
"Mommy? Tatlo? Hindi po natin isasama si Lay? Bakit po?"- tanong ni ko kay mommy.
"Oo hindi natin sya isasama. Hindi ako gagastos para sa mga walang kwentang tao. Masasayang lang ang pera ko. Kaya tayo nalang ang mag celebrate ha? Hala sige mag bihis ka na para maka alis na tayo"- sabi ni mommy. Parang sinaksak ang puso ko ng sampong beses ng sabihin ni mommy ang mga katagang iyon.
"Sorry kambal. Alam mo naman na wala akong magagawa pag naka pag disesyon na sila" sabi ko kay Lay at bumuntong hininga at umakyat na sa taas para maka pag bihis.
"Oh ikaw era. Wag kang aalis dito. Bantayan mo tong bahay. At mag linis ka! Nako! Lagot ka talaga sakin kapag na nakawan tayo, at hindi malinis itong bahay pag balik namin. Sana naman sundin mo ang mga sinasabi ko sayo! Para naman matuwa kami sayo ng daddy mo at hindi pag sisihan na naging anak pa kita! Hala sige mag simula ka ng mag linis at kami'y aalis na" narinig kong sabi ni mommy bago ako makapasok sa kwarto ko.
Lay's POV
"Sige po. Ingat po kayo"- sabi ko sabay ngiti sa kanila. Nginitian naman ako ni ate pero tinalikodan lang ako nila dad...
Pag ka alis na pag ka alis nila, ni lock ko ang pinto at umakyat sa kwarto ko...
Grabe ang sakit. Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
E R A (one shot story)
FanfictionA simple girl that wants a happy life. She just want someone to love her. Will she keep on praying/wishing to God to have a happy family? To have someone to love her? Or just give up and disappear from this world?