Dahil isa nga ako sa daan-daang taong nakabraces...
---
"Oy, 'yong naka-braces diyan, pwedeng paki-surrender na 'yong cellphone? Kanina pa inililibot 'yong box, eh," parinig noong class mayor naming si Kairon.
Napalingon naman ako sa kanya. Ano na naman bang trip ng lalaking ito? Eh, hindi naman ako nagdadala ng cellphone, ah. Tsaka in fact, wala naman akong cellphone. Sad life pero ayos lang. Baka kasi maging distraction pa sa pag-aaral ang pagkakaroon ko ng cellphone.Tinignan ko siya habang nakataas ang kilay at ganoon din ang ginawa niya. Naglaban ang mga tingin namin at sa huli, ako ang unang sumuko sa labanan ng aming mga titig. Hindi naman maikakaila na kahit sobrang sungit at sobrang demonyo ni Kairon ay may ipagmamalaki naman ang kanyang pagmumukha. Kapag tumingin siya sa'yo, palaging may eye contact. Nakakairita minsan, lalo na kapag nagyayabang siya.
"Wala akong phone," I said in defeat.
Lumingon ako sa seatmate ko at nag-umpisa nang makipagdaldalan sa kanya. Maingay din naman 'tong si Jacob at game na game sa daldalan. Pero ngayon, mukhang badtrip yata.
"Jay, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya habang nakatingin sa unahan. Ni hindi man lang ako sinulyapan nang kahit na saglit. Kakainis. Sa lahat ng lalaki, si Jacob ang pinakamalapit sa akin. Dahil nga seatmate ko siya at madali siyang daldalin. Kahit ang pinaka-boring na topic ay nagagawa niyang nakakatawa. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, ang hyper palagi. Siguro kung may search for Mr. Congeniality sa school namin, nasa kanya na ang korona.
"Jacob, hoy. Okay ka lang?" tanong kong muli matapos siyang kalabitin.
Tinignan niya ako pero naka-poker face pa rin siya. Tumango siya tapos ay tumingin muli sa unahan. Hala! Ano kayang nangyari sa lalaking 'to?
"Jacob naman kasi. Ano bang nangyari sa'yo at mukha kang naka-drugs diyan?" medyo natatawa ko pang sabi.
Hinarap ako ni Jacob tapos ay umiling. Piningot niya 'yong ilong ko tapos ay ngumiti nang matipid.
"Medyo masakit lang ang ulo ko, Wends," aniya.
"Oy, 'yong naka-braces diyan. Bawal makipagdaldalan sa seatmate. Kitang nagdi-discuss si ma'am, eh," pag-alingawngaw ng boses niya.
Tumingin ako sa harapan. Mukha niyang nakasimangot 'yong nakita ko. Nasa front row kasi siya at minsan, patagilid siya kung umupo kaya naman maging 'yong mga tao sa likurang upuan ay nakikita pa niya. Nakakainis. Ang galing talaga niyang umepal.
Dahil sa sinabi niya, automatic na napatingin sa akin 'yong mga kaklase ko. Pakiramdam ko, pinamulahan ako. Kasi naman, pati 'yong teacher namin sa harap ay nakatingin din sa akin. Nang magtama ang tingin naming dalawa, pinagtaasan niya ako ng kilay. Kakainis talaga. Sarap sapukin.
"Mind sharing your business with Mr. Aquino, Miss Lopez?" tanong noong teacher namin sa akin.
"P-Pasensya na po, ma'am," pagpapaumanhin ko tsaka ay yumuko.
"Next time, you should listen to the discussion attentively. Hindi 'yong nakikipagdaldalan ka lang sa seatmate mo," sabi noong teacher namin.
Nakita kong nagtaas ng kamay si Jacob. "I am not feeling well, ma'am. She's just concerned."
"Is that it?" pagtatanong ni ma'am.
Tumango si Jacob at saka ako tinignan. Ngumiti siya sa akin kaya naman napayuko ako bigla. First time mangyari ang ganito. Hindi ko alam pero may parte ko na kinilig nang dahil sa ginawa ng aking seatmate. Sinabihan ni ma'am na magpunta muna sa TLE room si Jacob dahil nandoon 'yong mini-clinic namin. Tumango lang siya at agad na ring umalis. Nagpatuloy ang discussion. Syempre, attentive ako sa pakikinig. Nakakainis talaga 'yong Kairon na 'yon. Lahat na lang ng ginagawa ko, napapansin niya. Nakakainis. Ang epal masyado sa buhay ng may buhay.
BINABASA MO ANG
'Yong Naka-Braces Diyan...
Short Story"'Yong naka-braces diyan...mahal po kita..." Book cover by: @iamangelynnnnnn