CHAPTER ONE
(Mikaela's POV)
"FINDING MS. ACHILLES"
"Excuse me po, umh... sorry po kung maabala ko po kayo"
Sigaw ko sa kanilang lahat.
Kinapalan ko na talaga ang mukha ko
"Kilala niyo po ba si Ms. Chanel Ellaine Achilles? Kailangan ko lang po talaga siyang makita"
And there it goes.. gaya sa paghahanap namin sa kanya sa ibang hotel, bahay, rooms, at mansions. Walang umiimik
"Mika, baka mali 'tong napasukan natin na kwarto."
Pag i-interrupt ni shawee sakin"Anong mali shawee? Ika-26 na natin 'tong paghahanap sa kanya halos nalibot na natin 'tong islang ito! Kaya huwag mo sabihing mali 'tong pinasukan natin dahil pagod na ako. Okay? Pagod na pago-----"
Mika? Chill okay.. chill!
"Tama ba narinig ko? Hinahanap niyo si Chanel Ellaine Achilles??"
Liningunan ko kung sino man ang nagsalita.
Matanda na siya.. mukhang nasa 60 ?? Na ata kaso maganda parin siya. Ang ganda niya naman
"Opo! Hinahanap po namin siya"
Sagot ni shawee. Mainit ang ulo naming dalawa
"Ganun ba Ija May sasabihin muna ako sa inyo----" pagputol ni shawee ky lola
"Lola, kilala niyo po ba siya?" Tanong ko
"Oo mga ija" sabi ni lola at ngumiti lang
"Ganun po ba? Gaano niyo po siya ka kilala??"
Tanong ni shawee
"Kilalang kilala"
Ngumiti si lola
"Lola ganito po kasi yan, kailangan po kasi naming maghanap ng true to life na story. Sabi ng lolo ko ang kilala niyang love story na sweet daw talaga eh yung love story ni Ms. Chanel Ellaine Achilles at ni Mr. Hendrix Lee Ignacio, 'di po kasi kami makaka-graduate ng college pag 'di kami maka pasa ng story"
Hinawakan ko ang kamay ni lola
"Lola pwede niyo po ba ikwento ang love story nila???"
"Oo naman mga ija"