KAIBIGA'NG MAY HANGGANAN

0 0 0
                                    

Simula no'ng una tayong magpakilala sa isa't-isa,
Ang lungkot ay napalitan ng Saya,
Maganda ang ating pagsasama sa una,
Pero nagwakas din ito sa wala.

Ang bawat nakakatawang ibinigkas mo,
Nabuo ang mundo ko,
Pero ng tumagal ito,
Ang lahat ay nagbago.

Kaibigan lang ang turing ko saiyo,
Pero hindi humantong sa ganito,
Kundi ng dahil sa iyo,
Nabuksan muli ang puso.

Maraming sekreto ang nakatago,
Pero nabuwal din Yun ng dahil sayo,
Sinisisi ko ang puso ko,
Dahil napmahal sa isang tulad mo.

Akala ko ito'y totoo,
Totoong mabubuo ang puso,
Pero nagkamali pala ako,
Dahil humabol ako sa di ako gusto.

Mahirap man itong tiisin,
Pero kailangang tanggapin,
Hindi ko narin hihilingin,
Na maging gusto mo rin ang aking damdamin.

______________🌹🌹🌹🌹______________

Hindi ko Alam Kung saan ko nakuha ang inspiration ko Dito.Ang Alam ko binuo lang ng isip ko.

MY POEM POETRYWhere stories live. Discover now