CHAPTER 5
When will I get tired of crying?
Dalawang araw na ang lumipas no'ng inasikaso ko ang mga papeles ko upang makabalik ako sa pag-aaral at dalawang araw ko na ring iniiwasan na magkita kami ni Canon.
Ayokong idamay siya sa mga problema ko, oo masaya ko no'ng napatawad niya na ako ngunit narito pa rin ang pangamba na baka magkagalit sila ni Blixe ng dahil sa 'kin at 'yun ang ayokong mangyari.
Sa loob ng dalawang araw na 'yun kay rami ng nangyari, sa tuwing tatangkain kung kausapin si Blixe bigla namang sumusulpot si Krissy, her fiance.
Oo masakit, kaya nga tinangka kung ipaliwanag sa kanya ang lahat ngunit wala parin, ayaw niya pa rin akong pakinggan. Singhal at ang mga masasakit lang na mga salita ang natatanggap ko galing sa kanya gaya ng... 'ba't babalik ka pa sa pag-aaral?'
'Katawan mo nalang 'yung gamitin mo para magkapera ka.'
Dumating na rin sa puntong umiiwas nalang ako sa kanya kasi baka hindi ko na makayanan pa ang mga masasakit na salitang ibabato niya sa 'kin kaya ito ako ngayon, nagtatago sa likud ng building.
"Anong ginagawa ng babaeng 'yun dito? Akala ko ba galit ka rin sa kanya? Ba't kasama mo yun kanina?"
Sa boses palang alam ko ng si Blixe 'yung nagsasalita, marahil ay nakita niya kami ni Canon kaninang papasok sa office.
"Alam ko na 'yung lahat" ilang segundo pa ng muling makarinig ako ng ingay ngunit hindi 'yun ingay ng galit bagkus ay halakhak ito, halakhak na para bang wala namang patutunguhan.
"Naniwala ka naman? Ang bilis mo naman yatang lokohin Canon Gabriel, isang paawa niya lang nakuha kana agad o baka naman nilandi ka rin niya, kaya gano'n?"
Gano'n nalang ba talaga kalaki ang galit niya sa 'kin at pati sarili niyang kaibigan ay aayawin niya patungkol lang dito? Kaya ayokong maging malapit kay Canon, kasi hindi maiiwasang aabot sa puntong sila na rin 'yung mag-away dahil sa 'kin.
"Bakit Blixe? Nagawa mo na ba siyang pakinggan?" Hindi ko alam pero patuloy pa rin akong nakikinig sa usapan nila kahit na alam kung malaki ang posibilidad na masaktan ulit ako sa mga maririnig ko.
"Para saan pa? Nakita ko na lahat. At isa pa, nandidiri ako sa kanya" ito ba ang hinihintay kung marinig para matauhan ako? Akala ko kay lakas ko na dahil sa kabila ng sakit na ipinaramdam sa 'kin ni Blixe nakayanan ko paring maghabol sa kanya.
Kung bakit ba kasi hindi ako gano'n kabilis sumuko? Bakit ba kasi hanggang ngayon ipinagsiksikan ko parin ang sarili ko sa taong ayaw naman ang presensya ko, napakamartir ko.
Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan ko ang dalawang rebulto ng taong papalayo sa kinaruruonan ko atsaka tuluyan ng bumigay ang mga luhang pinipigilan ko.
Nanatili lang ako sa likud ng building hanggang mag-uwian na ang lahat ni hindi nga ako nakabalik ng office kanina dahil alam kung nando'n si Blixe, kung ba't kasi sa lahat ng paaralan na hiningan ng tulong ni Canon ay ang paaralan pang si Blixe mismo ang may ari.
Nang mapagtanto kung kakaunti nalang ang tao ay agad akong lumabas sa aking pinagtataguan at tinungo ang daan sa papuntang parking lot.
"Where were you? I've been searching you" seryosong tanong sa 'kin ni Canon tsyaka inilahad ang papel na bitbit niya simula kanina.
"What's this?" Balik na tanong ko rito ngunit hindi ito sumagot kaya ako na lamang mismo ang bumasa kung ano ang nakasaad rito.
Halos mawindang ako sa kinatatayuan ko ng mapagtanto ko kung ano ito.