Secret Crush
Chel pov"Chel!"
"Yes?"
Lumingon si ako sa likuran para malaman kung sino ang tumatawag sa akin.
Oh my God! Masyado yata akong sinuswerte ngayon.
Si Seph ang tumatawag sa akin, ang long-term crush ko since elementary pa.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang isinisingit ng mga daliri ko ang buhok ko sa kanang tainga bilang pagpapa-cute.
Hindi kaya napansin nya na ang ganda ko ngayon? O baka naman crush na rin nya 'ko.
Huminto ako sa paglalakad. Papunta na ko sa school para pumasok bilang Junior High School.
"'Yung bag mo bukas." Sagot nya sa'kin.
Ay! Akala ko naman!
"Ah, salamat."
Tinanggal ko ang bag ko sa pagkakasagbit sa balikat ko para isara ang zipper noon, dahiln para mauna sya sa akin maglakad.
Hay! Ang gwapo nya talaga!
Nasabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan sya buhat sa likuran.
Kapag papasok sya sa school ay nagkakasabay kami minsan dahil madadaanan nya ang bahay namin.
Tandang-tanda ko pa noong unang beses ko sya nakita.
"Chel pandak! Chel pandak!"
"Tama na!"iyak ako ng iyak.
Madaming bata ang nanggagalit parati sa akin kasi bukod sa pandak nga ako talaga ay dahil na rin sa apelyido ko na 'panduck'.
"Hoy, tigilan nyo na nga yan!!!"biglang may dumating na batang lalaki, ang aking knight in shining armor.
The most handsome man i had ever seen..
"Bakit nyo sya kinakawawa babae pa naman sya? Mga bakla ba kayo!"
"Ano? Sinong bakla?" Nagalit ang isang bata.
"Arlo di ba si Seph Patrick yan?"tanong ng isa.
" Oo nga! Galitin din natin!"
"Neo-Seph Patpatin Stick!3x"
Nagalit ako. Pati ba naman ang cute na batang ito.
Kumuha ako ng bato at tumayo ako. Binato ang batang nagngangalang Arlo.
Pumutok ang ulo nito.
Napanganga sa'kin ang batang mula noon hinahangaan ko.
"Hindi ka patpatin! Masyado lang silang matataba", iyon ang sinabi ko sa kanya.
Na-office lang naman kami pagkatapos no'n.
Bakit ba 'ko nagkagusto sayo? Ano bang meron ka?
Napangiti na lang ako matapos bumalik sa reyalidad.
May naisip ako.
" Seph!"tawag ko.
Lumingon sya sa'kin.
Ay, tatandaan ko ang mukha na 'yan, inspirasyon maghapon.
"Bukas din 'yung bag mo!" With matching turo ko pa.
Tumigil sya para tingnan 'yon pero kumunot ang noo nya nang malaman nyang niloloko ko lang sya.
"Joke lang!" Ako.
Pero hindi sya tumawa at sumeryoso ang mukha nya.
Oh no!
Nice one Chel. Tinulungan kana nga kanina tapos niloko mo pa.
Napatungo ako at nagpatuloy sa paglalakad. Binilisan ko para maunahan ko sya.
Rinig ko ang mga yabag nya.
Binatukan ko ng mahina ang sarili ko.
"Nakakainis!"nasabi ko na lang ng mahina sa sarili ko.
Unti-unti akong tumingin sa likod. Nagtama ang mga mata namin.
Seryoso ang ekspresyon nya.
Naku, galit 'ata.
Hahay!
Tumingin na ulit ako sa unahan.Seph pov
"OKAY igu-group ko kayo para sa group activity!" Nagsalita ang Disaster Risk teacher namin.
"...Mr.patrick and Ms.Pan-duck"
Nagtawanan ang mga kaklase namin sa apelyido ni Chel Rose.
"Anong nakakatawa?" Natakot sila sa seryosong mukha ng terror teacher namin.
"Lagi nang nababanggit ang apelyido ni Chel hindi na kayo nasanay!" Ma'am Jessel.
"Haha!" Nagpahabol pa tumawa si Arlo.
Tiningnan sya ng masama ni Ma'am at tumugil na sya.
Gusto kong matawa kahit kailan talaga mang-aasar sya.
"So Seph and Chel magka-grupo kayo..the rest..."
Tumingin ako sa likuran at napatingin din sa'kin si Chel.
Nakakainis! May kasalanan pa 'to sa'kin kanina. Matapos ko tulungan, inasar pa 'ko.
Pa'no kaya ako makakaganti?
Nag-ipon-ipon na ang magkaka-group.
Bakit kaya lagi kami magka-group neto?
Natural magkasunod lang kayo sa apelyido.
Sagot ng utak ko.
Oo nga pala.
"Guys ambagan na sa manila paper!" Suggest ni Erwin kaya nagpatak-patak na kami.
Pinangunahan ko na magsagot sa activity since ako ang leader. Kailangang magbigay ng example ng mga hazards.
"Sa man-made hazard, pwede 'yung mining" suggest ko kay Leslie, sya ang nagsusulat sa manila paper.
Napatingin ako kay Chel at ang magaling na babae nakikipagkwentuhan lang sa kaibigan nyang si Jones at ayaw mag-contribute sa grupo.
"Ang galing Jones buti na lang magka-grupo tayo. Sayang sina Mean, Jenny, Ina, at Rich hindi natin kasama..." 'Yan ang naririnig kong pinag-uusapan nila.
Tsk tsk.
Napailing na lang ako at nag-focus sa group activity.
"Okay, times up! I-post na 'yan sa board. Mag-assign kung sino magre-report", Ma'am Jessel.
" Sinong magre-report?"tanong ko sa mga ka-grupo ko.
"Ikaw na lang Seph, nahihiya kami", Leslie.
" Sige, pero next time iba naman magre-report ha? Dapat lahat magko-contribute."
Hay! As usual ako na naman!
Nagkabit sina Chel at Jones ng manila paper sa unahan, nagkasalubong kami ni Chel kasi Group one kami kaya kami ang mauunang mag-report.
"Sandali, bakit ikaw na naman magre-report? Sino-sinong ka-grupo mo?" Si Ma'am Jessica.Napaturo na lang ako sa ka-grupo ko."Chel, ikaw mag-report hindi ko pa naririnig boses mo!"
"Po?" Hindi pa sya nakakaupo ay tinawag na sya.
"Bilis at matatapos na time natin!" Ma'am Jessel.
Napapunta sya sa unahan.
Haha! Nakaganti rin! Ano kaya gagawin ne'to.
BINABASA MO ANG
Secretly in Love
Teen FictionChel rose love Seph John ever since she layed her eyes on him. She is secretly in love with her classmate. Pero ang tanong, sya nga lang ba ang lihim na nagmamahal? Paano kung crush rin sya ng crush nya?