THEA (PROLOGUE)

7 0 0
                                    

                                                                                  PROLOGUE


"Siraulo ka talaga sera, bakit ka kasi tanong ng tanong saakin sa klase ni ma'am Hernandez. Alam mo namang napaka talas ng pandinig non lalo na pag dating sa ingay." Sabi ni haven pagka lapag namin ng bag sa library.

"Tanga sinadya ko yon boring kasi ng lesson, di ako relate." Sabi ko sabay yuko sa mesa. Inaantok nako, late nako natulog kagabi kakanood ng kdrama.

"About love naman lesson kay ma'am ah?" tanong ni rory at nilabas ang isang libro sa bag.

"Mukha ba akong may jowa? Saka math subject niya anong connect non?" Irap ko kay rory at lingon sa ibang direksyon. Kaso ang bumungad mag jowang nag lalampungan sa library. Porket malapit na mag February puro pag-ibig nasa isip ng mga tao.

"Ayaw mo non? Atleast hindi formula ang ineexplain-hoy haven eto na yung libro natapos kona Mabasa ang ganda, napaka perfect nila para sa isa't isa." Sabi ni rory sabay abot ng isang lumang libro kay haven.

"Ano yan?" Tanong ko kay haven at rory.

"About sa isang prince at katulong nila sa palasyo mala-cinderella. Cliché, pero maganda. Gusto mo basahin?" Tinignan ko si haven na para bang nag jojoke siya. Inilingan ko nalang siya at nagsalpak ng earphones at yumuko.

Pagdilat ko muntik nako atakihin sa puso at nakatayo na sa harap ko yung librarian namin. Pag lingon ko wala na si haven at rory, mga abnormal yun iniwan ba naman ako. Pag tingin ko uli sa librarian ay sinsesenyasan niya akong umalis na, dali dali ko naman kinuha ang bag ko at nag simula ng maglakad ng bigla akong sinitsitan ng librarian namin.

Pag lingon ko may inaabot siya libro sakin at kinuha ko naman kahit hindi ako sure kung bakit, umalis naman siya pag-ka abot niya. Patingin ko sa libro kahawig sa libro na pinag-usapan namin kanina. Pinasok ko nalang sa bag at ibibigay nalang kay haven bukas.

Pag ka sakay ko ng jeep tumunog yung phone ko, Nakita kong nag message si haven at rory doon. Nag sasabing umalis daw sila kasi emergency. Pinatay ko nalang yung phone ko saka ko naisipan kumuha ng pambayad sa bag, pero Nakita ko nanaman yung librong inabot sakin ng librarian. Inabot ko aking bayad saka binuklat ang libro.

'Dahlia' yun yung title nung libro, gaya nung sabi ni rory cliché nga. Pero napaka cute ng kwento siguro dahil common story kaya nakaka hook kung minsan. Si dahlia ay isang babaeng minamaltrato sa bahay at buong baryo. Nakipag sapalaran siya sa ibang lugar at nakilala ang tumulong sa kanya kundi ang isa prince ng kanilang bansa si prince ameer, yung napaka bait na prince kumpara sa kapatid nitong si castor. Nanilbihan si Dahlia sa kaharian ng mga Taddeo, dahil nahihiya siyang tumira ng libre. Gaya sa mga common story, may nakilala siyang arroganteng lalaki. Si prince castor, napaka pangit ng ugali pero nung nakilala si dahlia ay napagbago niya ito. Pero sabay din na nahulog si castor at ameer kay dahlia.
Parehong nag tapat ang dalawa pero si castor ang pinili ni dahlia. Nag paplano na nga silang mag pakasal ni castor kaso, nahuli ni dahlia na may babae si castor. Nanghihingi ng tawad si castor at nag sisisi. Dinamayan ni Ameer si dahlia nung panahong wasak na wasak ito. Pero sa huli pinatawad ni dahlia si castor at pinakasalan niya ito. Nasa labas ng simabahan si Ameer at nakasilip sa puno. Nakangiti at nakatanaw sa bagong kasal.

"Grabe naman ang tindi ng second lead, lugi naman nito. Bakit walang happy ending si ameer?" Ani ko sa sarili ko.

"Neng, Casimiro na." Napabalik naman ako sa realidad na nasa jeep papala ako, nag madali ako bumaba at tumawid ng bigla akong nakarinig ng malakas na busina at pag liwanag ng paligid.

**

AHHHHHHH-sigaw ko ng pagdilat ko ay nasa ere ako. Malapit nakong bumagsak at di kona alam gagawin ko ngunit mukhang may nadaganan ako kasabay ng pag bagsak.

dahan-dahan kong dinilat yung mata ko, ang nakita ko ay isang gwapong lalaki na may luha sa mata.
" Binibini, ayos ka lang ba?" Tanong nito sakin. "Bakit ang pogi mo?"

"Ano yon?" Napabalikwas ako sa pag kakadagan ko at napatayo.

"Sorry, Sorry talaga." Pag hingi ko ng tawad. Nakakahiya nadaganan kona nga siya tapos kung ano-ano pa nasasabi ko.

"Ayos ka lang ba? San ka nag-mula-" naputol ang pag sasalita niya ng may biglang dumating na lalaking naka pang-teka lang pang knight?! Ngayon ko lang napansin na naka parang formal attire ng isang royalty yung suot nung lalaking nadaganan ko kanina.

"Prince Ameer, nandito kalang pala- sino ka?!" biglang nag labas ng esapada at tinapat ito sa lalamunan ko. "H-Ha? T-Teka laruan ba y-yan?" hinawakan ko yung esapada at dumugo ang daliri ko.

"Sino ka?! At bakit mo nilalapitan si prince ameer?!'' Pinagsasabi nito? Role play ba to? Nasa shooting ba ako??

"Naka-drugs kaba?" Pasigaw kong tanong. "binibini! Dinudugo ang noo mo!" Gulat na sabi nung lalaking nadaganan ko. Napahawak ako sa noo ko-may dugo nga! Unti-unti naman akong nanghina at pabagsak na ng lupa ng bigla akong saluhin nung lalaki kanina.

"binibini! Binibini!" yan ang huli kong narinig bago nawalan ng malay.

***

Ansakit ng ulo ko, para kong inuntog ulo ko sa pader. Dahan dahan akong umupo, nasa kama ako? Saan to?

"kumusta ang iyong pakiramdam?" Nagulat ako ng biglang may nag tanong sa gilid ko.

"kuyang pogi!" Napasigaw ako sa tuwa at may kilala ako. "ha? Binibini ayos na ba ang iyong pakiramdam? Nawalan ka ng malay kanina." T-teka nga lang..ano bang nangyayari, kanina lang kakaba ko lang ng jeep tapo- oh myghad! Muntik nako mabangga!

"Nasan ako?" tanong ko sa lalaki kanina. "hindi mo maalala?" nagtataka niyang sabi.
" bakit?" Mag tatanong ba ako kung naalala ko, isa pa tong parang naka-drugs.

"kilala moko?" tanong niya. "hindi." Dapat ko ba siyang kilala porket pogi siya? Artista ba to? "Ako si Prince Ameer, Panagalawang prisipe ng mga Taddeo." Prinsipe? Pinag sasabi nito? Uso paba yon? "pinag sasabi mo? Uso ba yon ngayon?" Tanong ko muli sa kanya.

"Uso? Anong ibig mong sabihin?"

"Uso, hindi mo ala-teka anong sabi mo kanina ikaw si prince ameer?" Prince ameer san ko narinig yon, alam ko narinig or nabasa kona yon eh.

Prince Ameer. Prince Ameer. Prince Am--

"DAHLIA!" Nagtataka ang itsura nung lalaking kasama ko. "kilala mo si dahlia?" teka yun yung binabasa kong libro bago ako-PATAY NABA AKO? Hindi pa ata, pero bakit ako nandito? Nag hahallucinate naba ako? Pero impossible talagang-

"Ameer! Narinig kong may bisita ka." Sabi ng isang babaeng kakapasok lang ng kuwarto. "Dahlia, bakit naparito ka? Prince Castor." Tanong ni..Ameer? Castor? Edi si dahlia itong babae? What the- NASA LOOB AKO NG LIBRO?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon