"Tangina tol yung bakla samin ayaw akong tigilan. Ibibigay daw nya lahat ng gusto ko. Ano tingin nya sakin mukhang pera?" Sabi ni Draco na kala mo sobrang lala ng nangyari sakanya.
"Wow pre! Makapag-react ka. Hahaha" sabi ko na may pahampas hampas pa sa balikat nya. Tinignan naman nya ako na akala mo may sinabi akong sobrang sama.
"Hindi mo ako maiintindahan tol. Naapakan dun pagkalalake at pagkatao ko. Mukha na ba akong naghihirap sa gwapo kong to, para pumatol na sa bakla? Tol, nakakapaghina nang loob"Sabay lagay ng kamay nya sa noo nya na akala mo talaga ang laki ng problema. May pailing- iling pa ang pota. Hahahaha
"Uyy, Draco laki ata ng problema natin?"
"Ano ba yan tol! Mukha kang natatae na ewan. Hahahaha"
Andito kami ngayon sa classroom at hinihintay ang teacher namin for the first period. We are 4th year students in a public school. Di kami mayaman sakto lang, kumbaga nasa average level kami.
"Mga tol, di nyo kasi maintindihan ang nararamdaman ko ngayon" Sabay turo nito sa dibdib na akala mo talaga sobrang sakit nang nararamdaman nya. With matching facial expression pa ang loko. Hahaha
"Hoy, tawa ka nang tawa dyan. Ano ba nangyare dito?" tanong sakin ni Mike sabay turo kay Draco.
Sanabi ko sakanila ang lahat nang sinabi sakin ni Draco. At ang mga ugok tawa ng tawa. Si sebastian may papalo palo pa sa sahig si Mike namin hinahampas sa likod si Draco. Hahahaha. Mga ugok talaga to.
"Hindi mo naman sinabi samin Draco na heartthrob ka na ngayon. Hahahahaha. Ibag klase ka talaga" Sabi ni Sebastian habang tinatapik si Draco sa balikat. Humagalpak pa ng tawa ang loko.
"Tang*na naman tigalan nyo nga ako. Wala kasi kayo sa sitwasyon ko"
Sasagot pa sana si Mike ng biglang dumating si Ms. Bajo our teacher for the first subject History. Ewan ko ba sa sched namin agang- aga history agad pag-aaralan namin. Lalong ang sarap matulog. Don't get me wrong I love Historry pero di mo maaalis minsan sakin ang antukin. Lalo na pag boring ang teacher.
"Good Morning class. I have an announcement to make. You have a new classmates" Pagkasabi ni Mam nun, nagbulungan agad ang mga kaklase ko. Ang late kasi naman ng transferee na to, kalagitnaan nakaya ng school year "Yes. I know that it is a lil bit late to transfer. But we don't want them to feel out of place. Do we?" Nag yes naman ang mga kaklase ko. Eto ang maganda kay Mam parang magbarkada lang kayo pero nandun parin pagiging teacher nya. Kaya maraming may gusto kay Mam mabait kasi at malalapitan pag may problema ka. At pag may quiz mababa ka hindi ka nya papagalitan. Kakausapin ka nya nang maayos na kayong dalawa lang. Ayaw nya kasing namamahiya. "Okay Girls, you may come in now" Wow. Tatlo pala transferee namin ngayon. Naunang pumasok yung babaeng hanggang balikat ang buhok. Sumunod naman yung babae na naka full bangs at straight na hanggang bewang ang buhok at huli sakanila yung babaeng may side bangs na kulot ang buhok hanggang bewang din. Wait lang. Sya nga. Di ako nagkakamali. Sya yung babae sa park yung "Don't judge the book by its cover"
"Okay Girls. Care to introduce youselves"
"Yes Mam. Hello everyone I'm Angela Regina Rodriguez. You can call me Rain. Nice to meet you" So yan pala ang pangalan ni Miss.Short hair. Come to think of it pati pala sya may bangs kaso naka side. Sayang di nya pa pinagawang dora. Hahahaha
"I am Jasmin Curtis- Smith" Eh? ano daw? Lahat kami natanga sa sinabi nya. Except those two in front " Hahahahaha. I'm just kidding. Hahahaha. Okay this is for real I am Jasmin Alvarez. Just call me Jas. Nice to meet you guys" May saltik pala tong isang tao.Hahaha. Susunod na si Ate sa park. Hmm. I wonder what her name is. Putik napapa-english ako ng wala sa oras.
"Hello. I am Gwyneth Hope Sandoval. Nice meeting you all" So Gywneth Hope pala pangalan nya. Siguro curious kayo kung ano itsura nila Maganda silang tatlo. Yung simple lang na ganda. Yan lang ang masasabi ko. Hahahaha
Gwyneth Hope Sandoval
BINABASA MO ANG
The Last end...
RomanceI've never knew that meeting her, would mean so much from me. I've never been so in love to the point giving my own life. But why? Why all this happened?