12 : 51

55 14 126
                                    

Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading that text you sent me again
Though I memorized it anyway.

Naputol ang pagsou-sound trip ko ng hilahin ni ate kong maganda daw ang airpod na suot ko.

"Sophie! Tawag ka ni nanay." Saad ng ate kong maganda daw.

"Nasa kusina siya." Dagdag pa ni ate.

Pumunta na ako sa kusina at nakita doon si nanay na naghahain ng almusal.

"Tawag niyo daw po ako 'nay?"

"Oo anak, gusto ko lang sabihin sayo na ang ganda mo kaya tigilan mo na ang pagpapatugtog ng 12... ano nga iyon? Ahh basta iyong lagi mong pinakikinggan na kanta..." Saad ni nanay habang naglalabas ng mga kubyertos.

"Alam ko kasi na nagbabasa ka nanaman ng text message niyo ng ex mo habang nagpapatugtog ng 12... ng paborito mong kanta." Dagdag pa ni nanay na siningitan ko agad.

Nakita ko kasi ang pinsan kong mukhang singit.

"Hindi ko po paboritong kanta iyong 12:51, 'nay."

"Ah eh basta. Ang ganda ganda mo pero ayaw mong magmove on diyan sa ex mong manloloko. Magmove on ka na 'nak, sinasaktan mo lang yung sarili mo ng pa-ulit ulit ay." Saad ulit ni nanay na siningitan naman ng pinsan kong mukhang singit.

"Ay tama si tita dyan bhi. Hindi deserve ng ex mo yung mga luha mo. Ang panget panget naman niya pero iniiyakan mo. Move on move on rin bhi."

Bakit? Sa tingin ba nila ganoon kadali magmove-on? Pinipilit ko naman ah. Araw araw ko naman sinusubukan na wag masaktan, pero wala eh. Kahit anong pilit kong yakapin yung sakit, ang sakit sakit pa rin.

Bakit ba niya ko niloko?

Panget ba ko? Kapalit-palit ba ko? Then why?!

-

Natapos na kaming mag-agahan at si ate ang naghugas ng plato. Maganda daw kasi siya.

Nang makapag-ayos na kaming lahat ay sabay sabay na kaming umalis sa bahay ni ate Dara at ng pinsan kong mukhang singit na si Denise para makapag-enroll na sa university malapit sa bahay ng isa kong tita.

It was in afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say 'Hi' cause I looked away.

Hindi ko nanaman natapos ang kantang pinapakinggan ko ng hatakin ako ni ate palabas ng jeep. Nagpara na pala ang pinsan kong mukhang singit na nakikitira samin.

"Puro ka airpod diyan. Mahulog sana yan sa daan." Sabi ni ate sakin habang naglalakad kami papasok sa university.

"Hindi bhi. Sana mabingi na lang si Sophie kaka-airpod niya. Sayang naman kasi yung airpod kung mawawala, di ba?" Singit naman ng mukhang singit kong pinsan.

"Hindi gaga, mas mahal pampagamot sa bingi kaysa bumili ng bagong airpod." At nagsagutan na nga ang ate kong maganda daw at ang pinsan kong mukhang singit.

Habang nag-aaway sila ate ay lumiko na ako ng daan dahil sa ibang building naman ako mag-eenroll, hindi naman kasi kami pare-parehas ng course na kinukuha.

Nang matapos na ako mag-enroll ay nag-ikot ikot muna ako dito sa university habang hinihintay ang text ni ate at ng pinsan kong mukhang singit.

Nang mapagod ako kalalakad ay umupo na ako sa nadaanan kong bench.

Mas okay kung magpatugtog na lang ulit ako.

And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night.

12 : 51 (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon