Her POV
"Mahal, ang sakit-sakit bakit mo ako
iniwan? bangon ka na dyan oh."
Iyak pa rin ako ng iyak habang paulit-ulit
kong sinasabi sakanya ang mga salitang
yan, hanggang ngayon kasi di pa rin ako
makapaniwala at parang kahit kailan ay
ayokong maniwala.Sana isang masamang panaginip na lang
ito tapos paggising ko makita ko na ulit
ang mga ngiti mo."Hija" marahang tawag sakin ng mama
nya. Agad naman akong napalingon."Tita. Mahal na mahal ko po si anthony."
Yakap ko sa mama nya. At di ko na
napigilang di humagulgolSi Anthony Morada ay boy friend ko for 5
years. Sobrang dami na namin
napagsamahan dahil magkababata din
kami."Shh. I know. At mahal na mahal ka din
ng anak ko. Tahan na. Magpahinga ka na
muna. Wala ka pang tulog" naiiyak na
sabi ng mama nya na nababasag na rin
ang boses. Marahil ay pinapigilan din
ang pag iyak."Kaya ko pa po tita. Ayoko po umalis sa
tabi nya. Baka po bigla syang gumising at
hanapin ako" tears keep falling from my
eyes."Alam kong ayaw mo syang iwan pero
kahapon ka pa walang pahinga, sige na
go and sleep. Kailan mo ng lakas.
Bumalik ka na lang ulit kapag
nakapagpahinga kna. Ako na muna dito."
Naawang sabi sakin ni tita"Pero po--" agad din nyang pinutol ang
sasabihin ko."Anak, no buts. Do you think na
matutuwa siya na makita kang
nagkakaganyan. Magagalit yun samin
pag nalaman nyang pinapabayaan ang mahal nya. Sige na take a rest. Kami ng
bahala dito" pagpupumilit ni tita."Sige po babalik din po ako agad."
mahina kong sabi, at hinalikan nya ko sa
pisnge pero bago ako tuluyang umalis at
lumapit muna ako kay anthony."Mahal uuwi muna ako ah pero babalik
din ako. Mahal na mahal kita" hinalikan
ko muna sya sa pisnge bago tuluyang
umuwi.Pagdating sa bahay agad akong
sinalubong ng aking kapatid."Ate" and she hugged me
"Sam" at naiyak na naman ako.
"Ilabas at iiyak mo lang yan ate andito
lang ako para sayo. Makikinig ako"
umiiyak nyang sabi."Ang sakit wala na siya, iniwan na ako ni
Anthony, Sam. Di ko na alam paano pa
mabubuhay ng wala sya, buong buhay ko
laging syang andyan para pasayahin ako,
alalayan at mahalin ako. Paano na ko
ngayong wala na sya." Napahagulgol na
lang ako sa sakit."Sshh. I know masakit talaga mawalan ng
taong minamahal kaya magpakatatag ka
ate kasi siguradong yun din ang gusto ni
kuya anthony. Lagi mo ding tatandaan na
andito lang kami para sayo. Para alagaan
at mahalin ka kaya wag na wag mong
iisipin na mag isa ka." Sam"Bakit binawi sya agad sakin? Bakit ang
bilis naman. Parang kahapon lang ang
saya saya namin tapos ngayon wala na
sya." Napabuntong hininga na lamang
ako lalo na kapag naiisip ko yun."Only God knows ate. Lahat ng bagay
may dahilan masakit at magulo man
ngayon hindi man natin maintindihan
but someday we will. Tara na sa room
mo Magpahinga ka na muna. I know na
pagod ka." At hinila na nya."Hindi ko alam ang gulo gulo" bulong ko
bago kami tuluyang makapasok sa
kwarto.His' POV
"Anak, lumabas ka na diyan" sabi ni mom
ng may pag aalala."Leave me alone" sigaw ko. Ayokong
makipag usap kahit kanino."Anak naman. Kumain ka na muna
kahapon ka pa hindi kumakain" sabi ni
dad"No. Ayoko. Wala akong gana." Sigaw ko
at bigla hinagis ang bote ng alak na
hawak hawak."Anak are you okay? Tama na yan. Please
open the door" Natatarantang tanong ni
mommy"Yeah im fine. Dont worry about me."
yun na lang ang nasabi ko. Kahit na
dumudugo ang aking kamao ay di ko na
ininda dahil mas masakit ang puso ko."Buksan mo na ang pintuan mo hindi sya
matutuwang nakikita kang ganyan.
Puntahan mo na sya. Hinihintay ka na
nya" dad said"Hayaan nyo na muna ako" galit kong sigaw
Di na sila nangulit pa at naramdaman ko
naman umalis na sila sa may pinto.
Napapikit na lang ako. Di ko kayang
puntahan sya ng ganun. Di ko kaya
sobrang sakit. Mahal na mahal ko sya...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Anne, bakit mo ako iniwan. Bakit ikaw
pa. Yan ang mga salitang huli kong sinabi
bago ako tuluyang nakatulog.
YOU ARE READING
My Story
FanfictionPaano kung ang taong sobra mong minamahal iniwan ka ng hindi sinasadya? Paano kung may dumating na iba sa buhay mo tatanggapin mo ba siya o hindi? Sa kanyang pagdating, haharapin mo na ba ang kasalukuyan o habangbuhay kang mananatili sa nakaraan mo?