Sino? Sino ba itong lagi kong napapanaginipan habang matagal akong natutulog? Simula pagkamulat ko at pagpikit ko, iniisip ko na kung sino ka. Parte ka ba ng buhay ko? Magiging parte, o naging parte?Ano bang papel mo sa buhay ko at bakit ikaw lagi ang nasa panaginip ko? Dahil ba lagi kitang napapanaginipan kaya lagi kitang naiisip? Ewan ko, magulo talaga ang isipan ko simula nang mangyari ang lahat ng iyon.
Hindi ko alam kung kilala ko ba siya sa totoong buhay, o sa panaginip ko lang siya makikita at makakausap. Mula sa pagmulat ng aking mata, hindi ko na matandaan ang iyong itsura. Sino ka nga ba talaga?
Mala-telenobela ang istorya ko. Para ngang hindi totoo lahat ng ito at nananaginip lang ako e. Pero sana, sana totoo ka at hindi imahinasyon lamang.
Pero sino nga ba ako at ano ang kwento ko?
_______________________________________________________________________________
Magpapakilala muna ako.
17 years old na ako and studying at Beverly Highschool. First year as a senior high kaya wala pa akong masyadong kilalang mga students dito sa school namin. Nagtransfer kasi ako sa private school tsaka malamang, hindi pa naman nagsisimula yung school year eh.
May mga kaibigan akong simula grade 1, mga kaklase ko na. Ang galing nga e, hanggang senior highschool magkakasama pa rin kami. Magkakaibigan na rin kasi ang parents namin kaya hindi kami pinaghihiwa-hiwalay. Sila nga pala sina Faye, Klaire, Steven, and Kurt.
Si Steven nga pala ang best friend ko. Simula nung bata, magkakilala na kami kasi magkumare si mama at yung nanay ni Steven. Sobrang close nga ng pamilya namin, eh, kaya para na kaming magkapatid.
Binilihan na nga pala siya ng kotse nung panahong nasa Ospital pa ako, natutulog. Yun yung matagal niya nang pangarap para daw makakapagroad trip na kaming magkakaibigan tapos siya yung driver. Sobrang saya no'n ano? Pupunta kayong magkakaibigan na sama-sama kung saan niyo mga gustong pumunta tapos nasa isang sasakyan lang kayo.
Ang parents ko naman nga pala ay.. si mama, housewife while si papa, secretary ng vice chairman ng isang kilalang kumpanya. I also have two siblings. Si Ate Krish na nasa second year college na, at si Chlyde na grade seven na.
By the way, sabi ng family ko mayroon daw akong lacunar amnesia. Loss of memory siya about a specific event. Noong Christmas break noong grade 10 daw ako nung naaksidente dahil nag-aaral akong mag drive ng kotse. Ang natitirang alaala nalang sa utak ko ay simula noong bata pa ako hanggang grade 6. So, buong junior highschool life ko ay hindi ko na maalala at matandaan. Matagal din kasi ako sa ospital kaya simula nung maaksidente ako hanggang matapos ang school year, hindi na daw ako nakapasok sa school.
Years or months, baka daw unti-unti ko nang maalala yung memory ko na nawala. Dalawang buwan palang naman ako nakakarecover, eh. Siguro maaalala ko lang 'yon kung pupunta kami sa mga lagi naming pinupuntahan noong junior highschool o kaya mga taong nakasama ko nung panahon na 'yon ang magpapaalala ng mga nangyari noon.
Anyway, pasensya na. Madaldal talaga akong tao. Pagkatapos ng napagkahaba kong pagpapakilala, muntik ko pang makalimutan.
I'm Ahrayomi Denise Suarez.
YOU ARE READING
My Imaginary Boyfriend
General FictionThe girl went into a car accident and lost a memory of a specific event. She has an imaginary boyfriend in her dreams. Years later, someone will come into her life that looks like her imaginary boyfriend.