1

18 2 0
                                    

First day naming magkakaibigan sa new school namin. Mayroon kaming welcome party para makilala ang isa't isa. Umalis ako sa bahay ng 8:30 para kitain si laging late na Klaire since grade one sa ministop papunta sa school. Tinext ko siya na maaga kaming pumunta para naman hindi siya late sa first day namin sa new school namin at para na rin makapagkwentuhan.


"I-text mo nga sina Faye kung nasaan na sila. Baka first day natin, late tayo, eh."


"Wushoo. Excited ka lang e. 9:00 palang oh, may 30 minutes pa tayo." she rolled her eyes.


"Palibhasa kasi late ka lagi, eh."


"You know me naman." she giggled.


After five minutes, dumating na si Steven na mag-isa.


"Oh, bakit ang tagal mo?" I asked him while he's wiping his sweat with his face towel, mukhang tumakbo pa dito pagkababa sa jeep.


"Medyo traffic kasi, eh. Nasaan na sila Kurt? Sabi niya nauna na raw siya kaya hindi na kami nagkasabay."


"Hay nako, wala pa rin. Sabi din sa akin ni Faye ten minutes ago, malapit na siya, eh."


"Hellooo!" muntik ko nang mabuga 'yong iniinom kong iced coffee kay Steven nang bigla na lang sumulpot si Faye.


"Oh, ano? Tara na? Nagconcert pa kasi ata 'to si Faye sa cr kaya kami natagalan, eh." Kurt said.


"Aba. Baka future singer itong kaibigan niyo."


"Sige lang, Faye. Support ka namin diyan." sabi ko habang nainom pa rin sa iced coffee ko.


"Wews. Parang hindi ka naman naligo e. Parang nagconcert ka lang." pang-aasar sa kaniya ni Klaire.


"Hoy! Baka masuntok kita diyan, Klaire. Ang bango bango pa nga ng buhok ko, eh."


"Ito naman, joke lang." she pouted her lips and asked Klaire for a kiss, playfully.


"Loko 'to si Kurt. Ang sabi sa akin, nauna na raw dito kaya hindi na ako inantay. Ayon pala, may ibang sinundo!" Steven said feeling a little betrayed. Pumasok na kami sa loob ng school at pumunta na kami sa hall kung saan gaganapin yung welcome party.


"Ahrayomi!" nagulat ako nang bigla akong tinawag ni Faye na parang pa-sigaw.


"What?"


"Natutulala ka na naman diyan."


"Ha? Hindi ah." pagde-deny ko.


"Nako, kilala mo naman iyang si Ahra, laging parang may malalim na iniisip." singit ni Klaire.


Nag CR muna ako bago magsimula yung event. Iniwanan ko muna yung barkada ko para makaiwas na din sa mga tanong na hindi ko alam yung sagot. Tuwing natutulala kasi ako, tinatanong nila yung tungkol sa napapanaginipan kong lalaki noong mga panahong nasa Ospital pa ako. Kung ano raw ang pangalan niya, anong itsura, ganoon. Wala naman akong masagot dahil hindi ko rin naman matandaan ang pangalan niya at nalilimutan ko rin kung anong itsura niya pagkagising ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Imaginary BoyfriendWhere stories live. Discover now