Chapter Two: *Flashback* (part 1)

76 3 0
                                    

Chapter Two: *Flashback*

   Nathalie's POV

Paglabas ko ng gym, pumunta na ako sa next subject ko. As  usual, kasama ko na naman yung Perez na yun. Baka nga halos lahat na ng schedule ko eh parehas na kami. =___=

Natapos na rin ang klase. Makakauwi na rin ako. Hay! Gusto ko ng magpahinga. Ay oo nga pala, may inuutos sakin si mommy. Teka... di ba sasama sakin si best. Nah nevermind. I'm tired na pagkasama ko siya sa mall, inaabot kami hanggang magsara yung mall eh.

Pagkatapos kong bumili ng pinapautos sakin ni mommy umuwi na rin ako. Unti lang naman eh kaya pang maglakad. I took a shower and ang drama ko lagi ang manuod ng movies. Biruin mo yun sa araw-araw na uuwi ako ng maaga  eh manunuod lang. Now watching: Battleships

Matatapos na yung pinapanuod ko nang may nagtext sakin.

From: +6392********

    Magkita tayo sa park. 6pm Sunday.

Pag hindi ka pumunta, you'll be dead meat.

Who the hell  are you? Pa dead meat-dead meat pa siya. Mukha niya. Maghintay ka hanggang mamuti yang mata mo kakahintay. Atsaka I don't talk to strangers.

Another text message na naman ang natanggap ko.

From: Sapphire

    Yaaaaah! Nathan bakit di mo ko pinuntahan? Sabi ko sama ako sa mall eh. I hate you!! >.<

To: Sapphire

    Sorry best. Pagod na ako eh. I love you  too!! ^.^

After that di na siya nagreply. Alam niya na yun noh.

Kinabukasan ~

"Yaaaaah! Nathan are you with me?" pinitik niya yung noo ko. Aray ah masakit ah.

"Ano ba kasi yun?" inis kong sabi.

"Aba! Badtrip ata ang bruha. PMSing?"

"No. Masama lang ang gising ko." free siya ngayon kaya niyaya niya ko ngayong mag-mall. At ngayon kumakain kami. Sumubo ako ng sumubo ng pagkain ko. "Eh kashi may gushto shana akong shabihin kasho wag na lang."

"Hey Nathan don't talk when your mouth is full!" hinawakan niya yung panga ko at in-up down up down. "Bilisan mo nguyain at makikinig pa ko sa ikekwento mo."

"Tch..Akala ko concern." =___=

"Drama mo! Dalian mo. Kwento mo na."

"Zzzzz"

FLashback ~

My mommy said na dadating ang pinsan kong si Kevin. Excited na akong makita ang gwapo kong cousin, Ginamit ko yung car ni mommy papuntang airport. Ako daw sumundo eh busy daw siya.

Dahil maaga akong umalis, dumiretso muna ako sa National Bookstore para bumuli ng cooking  book. Gusto kong magluto eh.

Paglabas ko ng National Bookstore, umuulan ng malakas. Kaya tumakbo na lang ako papunta sa sasakyan. On the way na ko sa Wattpad Airport. Pinark ko na yung sasakyan sa parking area.

Habang naglalakad ako sa labas, syempre may payong ako. Nakita ko yung lalaki sa di kalayuan nitong airport at basang-basa siya ng ulan.

And since naawa ako, nilapitan ko siya.

"Ahh.... Kuya baka magkasakit ka niyan." agad naman siyang lumingon dahil na rin siguro naramdaman niyang hindi na siya nauulanan.

Tumingin siya sakin na parang sayang-saya. "Akala ko iniwan mo na talaga ako." O____O Hell what?? Ngayon ko pa nga lang siya nakita, may paiwan-iwan effect pa siya. Take note niyakap pa niya ako. Kasabay ng pagyakap niya sakin nabitawan ko yung payong ko. Ok I'm wet.

"K-kuya hindi ak---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko. Paano eh umiiyak na. Edad mo naman kuya. Iyakin!! Alam kong naulan ngayon humihikbi na kaya.

Tumingin siya sakin. Woah! Ang gwapo ah. Wet look. I'm so drooling here baby. YmY

"Sabi na eh. Hindi mo ko matitiis. Alam mo bang lagi kitang hinihintay dito. Kahit ilang taon pa akong maghintay dito, mamahalin pa rin kita." ang drama mo lang kuya ah. Atsaka ano daw? Naiintindihan niyo ba? Ako hindi eh. " I miss you and I love you April."

April?? Siguro kung nasa anime lang ako puno na ng question mark yung ulo ko. I'm not April I'm Nathalie. Na.tha.lie. The eff! >.<

Niyakap niya na naman ako. Pervert ata toh eh. Di ko naman masyado nakita yung mukha niya pero gwapo siya eh. Ehh? Naiirita na nga ako sa pagyakap niya eh. Basang-basa na kaya kaming dalawa. Yung pagiyak niya nakikisabay din sa ulan.

Ano ba yan. Bakit ba kasi lumapit pa ako dito eh. Napagkamalan pa tuloy na ako si Abril. Tinagalog ko lang po. Hehehe ^___^

Inilayo ko na siya sakin. Ang dami na kayang nakatingin samin. Hello? Mapagkamalan pa akong nagpapaiyak ng lalaki. Kinuha ko yung payong ko at tumakbo palayo dun sa lalaki. Tapos may huli siyang sinabi sakin..

"APRIL! NGAYONG ALAM KONG NANDITO KA NA MAKIKITA ULIT KITA. I LOVE YOU!" may ghad? Obsessed na ba siya dun sa babaeng yun?

---------------------------

Later na lang yung part 2 ng Chapter Two. ^______^ 

HIS EX LOOKS LIKE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon