He caught my heart <3

14 0 0
                                    

Buti nalang hindi pa nagstastart ang lessons. Getting to know each other muna. Kwentuhan, konting usap. Grabe. Mas nagiging close na ako sa mga bessy ko. Si Nina, Amie at sa pinsan ni Nina na si Shane. Fashion Design ang kurso namin. Sampu lang pala kami sa klase. Pero nalaman ko na may section pala kami at magiging kaklase namin sa General Subjects yung section na automotive.

Ayan!?.. Hapon na nga. Grabe. Sobrang init. Pati ulo ko, umiinit na rin. Hehehe.

May nakilala din ako na isa naming classmate sa buong course ng fashion design. Nahuli sya ng pag-aaral at may asawa na sya. Sya si ate gie. Naging close din kami. Habang naghihintay kami ng subject namin nung hapon na yun, sya ang katabi ko. Pagkatapos ng mahabang paghihintay, dumating din yung teacher namin. Salamat naman noh!?

Pero ayun, wala parin palang discussion. Suddenly...

"Hi Miss, anong pangalan mo?"si James.

Lumingon si Margarette at inirapan ang lalaki.

"Hannah.." nakaisip naman ng kalokohan si Garette at nagpasyang magsabi ng ibang pangalan. Ginamit nya yung pangalan ng bestfriend nya sa manila.

Tapos nagsulat si James sa notebook nya.

"Tingnan mo miss oh! Sinulat ko yung pangalan mo sa notebook ko." pangungulit ni James.

Nang basahin ni Margarette, Nakalagay doon "Hanna my loves." 

"Ugh!? corny mo lang noh?" tapos tumahimik ang lalaki, parang nahiya.

Soplak na naman. Sabi ni James sa sarili. 

Nagpalingon-lingon si Margarette sa paligid. Nakita nya si Tyron. Grabe, tahimik lang sya palagi. Bumilis ata ang tibok ng puso ko. Hehehe. Lumingon sa kanya si Tyron at tinitigan sya. Lalo syang kinabahan. Ang tagal na nilang nagtitigan ha.

---------------------------------------------------

Ring!?! next subject na. Lilipat na naman ng classroom.

--------------------------------------------------

"Miss, malamig ba? Bakit ka nakajacket?" sabi ng lalaking nasa likuran nya habang nakaupo sya sa classroom.

Galit na napalingon si Margarette. Tyron? nawala ang simangot sa mukha ni Garette. Pero badtrip ang sinabi nito ah!?

"Excuse me!? hindi jacket ang tawag dito. Cardigan, stupid." pagalit na sagot ni Margarette.

"Ahhhh. eh yang sa mata mo, contact lens ba yan? Bakit ka nagcocontact lens?" pangungulit ni Tyron. Sinusubukan lang nya na gumagawa ng pag-uusapan.

"Kailangan talaga, Lahat ng ginagawa ko sa sarili ko pinapakialaman mo?!"  pagkatapos di na sya nilingon ni Margarette.

Pakialamero. Tssss. Nakakaasar na. Cute pa naman sana.....

================================

Natapos na ang araw at ilang araw pa ang nagdaan. Ang bilis talaga. Three weeks na akong pumapasok dito sa school na to. Wala namang special na nangyayari. Nakikipagtitigan lang sa akin si Tyron. That's all. Mejo tumigil na si James na asarin ako. Napahiya na yata. Pero minsan, nahuhuli ko syang tumititig sakin. Pakialam ko diba? Haha. Feeling ko kasi, mayabang sya.

Margarette's POV:

Okay. So botohan ngayon ng officers. How I wish maging president ako. Magaling naman kasi ako. Hay naku!? Hindi ako naboto. P.R.O. nalang ang natira at wala pang nagnonominate sakin. Puro kasi lokohan lang ang nangyari. Kung sino ang nakita nila na tamad, yun ang binoto.

Then nagbotohan ng muse at escort....

"I respectfully nominate... Margarette Trinidad." pagnonomina ni Nina.

Tapos may isa pang ninominate. Seriously, hindi sya mananalo sakin. Hahaha. Hindi sa pagmamayabang. Hehehe.

Then sa escort. Sabi ko sa sarili ko, "Sana si Tyron.... Sana si Tyron..."

Nakatitig sya sakin nung time na yun. Tapos nakatitig din ako sa kanya nung time na yun. Pero may binulong sa kanya si James. Tapos di na nya ako tinitigan. Malas talaga sa buhay ko yung James na yun!

"I respectfully nominate... Tyron Alcala.." pagnonomina naman ni Ate gie.

"I respectfully nominate... James Tantamco.." sabi naman ni Jigs.

Shoot. BV. WTF!? sana naman manalo si Tyron.. puhlease... =/

Well, ayun. Nanalo ako as muse...

"Pre, iboto nyo si James. Hehehe" sabi ni Tyron sa mga classmates namin.

"Nooo! Iboto nyo si Tyron, gusto ko syang kapartner!?" sigaw ko. 

Shoot! lahat nakatingin sakin ngayon. Nadulas kasi ako. Parang sinabi ko na rin na crush ko si Tyron. Huhuhu. 

"ah... eh. ayoko kay James." pagpapalusot ko.

Pero ayun! ? Binoto parin nila si James. Malas naman oh... Tapos nalaman pa nila na crush ko si Tyron. How embarrassing.  :/

"OMG! ate gie, nakakastress! Nakakahiya. Nalaman na nila ang crush ko." Bulong ni Margarette kay gie.

"Okay lang yun, ne. Don't worry." nakangiting wika ni ate gie.

"Okay lang yun.. Wag kang mahiya." sabi ng lalaking nasa likod nya.

Paglingon nya, si Tyron pala. Tapos kasama din nya si James. Shoot! Pagkatapos, binilisan ko na ang paglalakad. Tumititig na ulit sakin si Tyron. At sinusubukan pa nyang kunin yung number ko. 

Nung una, ayoko ibigay. Pero, binigay ko na rin. Hehehe. Eh gusto ko sya eh! Bakit ba? =)

----------------------------------------------------------------------

I WAS CONFUSED BACK THENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon