(Just play the theme song for this chapter)
“Cassie, ibigay mo nga ito sa bahay ng tito Eric mo.” sabi ni Tara sa disi syete anyos na anak na si Cassie.Nagluto ang ina ni Cassie na si Tara ng ulam at palagi nitong binibigyan ang family friend ng mga ito na mga Montemayor.
“Momy, mamaya na lang po. Nag-rereview pa po ako.” sabi ni Cassie sa ina.
Nasa kuwarto si Cassie ng hapong iyon at nagrereview pero kunwari lang iyon dahil ang totoo, nagbabasa siya ng magazine tungkol sa mga travel destination.
Ipinanganak si Cassie o Cassandra Cheung Tuazon sa Isla Verde, maliit lamang ang isla na may kaunting populasyon.
Nabili ito ng kanyang ama sa murang halagavsa Cheung Corporation kung saan hindi pa nito kilala dati ng personal ang ina niyang si Tara, na sa mga taon na iyon ay hindi pa rin alam ng mga Cehung na may kamag-anak pa ang mga ito.
“Ay talagang batang ito. Ibibigay mo lang naman.” sabi ni Tara sa anak.
Nag-iisang anak lamang si Cassie at hindi na muling nagkaanak si Tara sa kagustuhan na maalagaan ang unica iha nila ng asawang si Steven.
Hindi naman matatawag na spoiled na anak si Cassie kahit nag-iisa lamang ito. Kung tutuusin mabait nga ito depende na nga lang talaga sa mood na may saltik minsan.
“Cassie, inuutusan ka ng momy mo. Sumunod ka!” sigaw na sabi ni Steven sa anak na si Cassie.
Napabalikwas ng bangon si Cassie ng marinig ang istriktong boses ng ama. Takot siya sa amang si Steven, bakit nga ba hindi?
Bukod sa may-ari ito ng Isla Verde kung saan sila nakatira, may sarili rin itong Security at Investigation Agency, nagmamay-ari din ito ng palengke sa El Paradiso ang kalapit na isla ng ng Isla Verde.
“Opo!” sigaw na sabi ni Cassie.
Napabuntung hininga si Cassie na tumayo. Ilang taon na siya sa isla…. Simula ng magkaisip siya at sa mga panahong iyon bilang lang sa daliri ang paglabas niya sa isla.
Tumanaw muna si Cassie sa bintana kung saan natatanaw niya ang karagatan at ang maputing buhangin ng isla. Maganda ang isla nila, tahimik at hindi naman nalalayo sa pag-usbong at kaunlaran, pero ang nais niya sana ay ang makarating pa sa ibang lugar.
Napangisi si Cassie sa naisip, kahit nga ang mga kalapit na isla ay hindi niya mapuntahan dahil hindi siya pinapayagan ng ama niyang si Steven.
Mula elementarya hanggang sekondarya nag-aral siya sa isla kung saan may pribadong paaralan na ipinatayo ang kanyang ina na si Tara.
Si Tara Cheung, galing sa bilyonaryong pamilya. Nag-iisang babae sa henerasyon ng mga ito. Nagmamay-ari ng ikaapat na bahagi ng El Paradiso na tinatawag na Balwarte pero kahit doon hindi man lang siya makarating.
BINABASA MO ANG
Scandalous Virgin : Kloud and Cassie IC#1 (COMPLETED)
RomanceMakapagsisinungaling ba ang mga pusong pinagbuklod ng tadhana Mapapatawad ba ng isa't isa ang pusong minsang pinagbulaanan ng kapalaran Paano maghihilom ang sugat sa dalawang pusong may bahid na ng panlilinlang? Date Started : January 30, 2021 Date...