INVITATION

8 2 0
                                    

Chapter 2 – THE INVITATION

[Kinabukasan]

"Pedro!!"

Takot na napasigaw si Mayet nang hindi magising ang kaniyang pinakamamahal na Pedro. Alas singko na ng umaga nang magising si Mayet. Ginising nito ang asawa ngunit hindi ito magising. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig sa kaba dahil kahit anong gawin niyang paggising kay Pedro ay hindi ito nagigising o gumalaw man lang. Agad itong pinulsohan ni Mayet upang masiguradong humihinga pa ang kaniyang mahal. Sa kabutihang palad, meron parin itong pulso ngunit hindi ito nagigising.

"Gumising ka mahal!" Maiyak-iyak na pakiusap ni Mayet kay Pedro. Gamit ang kanang kamay ay inabot nito ang kamay ng kaniyang minamahal na si Pedro habang ang kaliwang kamay nito ay nakahaplos sa pisngi. Labis ang kaniyang pag-aalala dahil hindi nito alam ang gagawin kay Pedro.

"Gleah, gumising ka!" Sigaw ni Mayet na siyang ikinagising ni Gleah mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Ang ama mo, Gleah. Bilisan mo." Nang marinig ito ni Gleah ay para bang binalot ang kaniyang buong katawan ng kaba at takot. Mabilis siyang bumangon at tumungo sa kwarto ng kaniyang ama. Nang makapasok ang dalaga ay nakita nito ang kaniyang ama na nakahiga at hindi gumagalaw.

Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kaniyang ama. Agad na pinulsohan ng dalaga ang kaniyang ama, pero hindi hindi parin nawawala ang kaniyang kaba dahil hindi parin nagigising ang kaniyang ama.

"A-Ano po'ng nangyari kay Papa?" Kinakabahan na may halong pag-aalala na natong ni Gleah.

"Hi-Hindi ko alam. Nagmamakaawa ako, please, gisingin mo ang ama mo." Hindi na magawang pigilan ni Mayet ang kaniyang mga luha na isa-isang tumutulo dahil sa pag-aalala. "Bilisan mo!" Dahil sa magkahalong kaba, pag-aalala, at inip kung kaya't hindi nito mapigilan na masigawan ang dalaga na siyang ikinagulat ni Gleah.

Dahil sa biglaang pagsigaw ni Mayet ay mas lalong kinabahan si Gleah na naging dahilan upang manginig ang kaniyang dalawang kamay habang inilapit nito ang kanang kamay sa ulo at ang kaliwa naman ay nasa dibdib nito. Ang dalawang palad ni Gleah ay umilaw, malaki ang tiwala ni Mayet sa kakayahan na magpagaling nito, dahil wala pa ni isa ang hindi niya napagaling, kaya medyo napanatag ang kaniyang loob. Isang minuto na ang lumipas pero wala paring nangyayari. Kinuyom ni Gleah ang kaniyang kamay at pumikit.

"Please, gumising ka pa." Puno ng pag-aalala na wika ni Gleah. Napatingin nalamang si Mayet kay Gleah habang pinipigilan ang pagkainip dahil hindi pa nito napapagasing ang kaniyang pinakamamahal na si Pedro. Agad na binuka muli ni Gleah ang kaniyang mga palad at mas lalo pa nitong pinalakas at pinaliki ang pagsinag ng kaniyang kapangyarihan kung kaya't binalot na ng ilaw ang kaniyang dalawang kamay. Ngunit, ilang minuto na ang lumipas, hindi parin nagigising ang ama ni Gleah at pati rin siya ay nanghihina dahil sa inilalabas niyang kapangyarihan. Ayaw niyang itigil ang paglabas ng kaniyang kapangyarihan pero tuluyan nang nanghina ang kaniyang kapangyarihan at dahan-dahang nawala.

Nakaramdam ng matinding galit si Mayet nang makitang dahan-dahang nawawala ang ilaw na nagmumula sa palad ni Gleah. Mas lalo itong nakaramdaman ng inis nang napatingin ang dalaga sa kaniya na para bang nagpapahiwatig na nanghihina na siya.

Isang malutong na sampal ang inabot ni Gleah kay Mayet. Hindi na nagawa pang magtimpi ni Mayet sa kaniyang nararamdamang galit. "Wala kang silbi!" Sigaw nito sa umiiyak na dalaga. Tumayo ito marahas na inabot ang buhok ni Gleah kaya napaigyad ito sa sakit. Iniharap nito ang mukha ni Gleah sa kaniya habang madiin na hinahawakan ang kaniyang kaliwang braso. "Pagalingin mo ang asawa ko. Wala akong pakialam kung mapagod ka o mamatay ka man basta pagalingin mo ang asawa ko." Galit na sabi nito sa dalaga habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Dahil sa subrang lapit ng kaniyang mukha, ramdam ng dalaga ang init ng hininga ni Mayet.

LIGHTWhere stories live. Discover now