Chapter 1

29 1 0
                                    

Sha

"Dali! Takbo! Andyan na si Ms. Minchin!"

Sigaw ko sa mga kaibigan kong ginagawang recording studio ang school library.

Trip namin 'to e.

"Huy! Anubey? Kababagal nyo naman!"

Sa dinami dami kasing ipapagawa saken, watch girl pa. Tcha! Maganda rin naman ang boses ko a! Tsaka marunong din akong maggitara.

"Ms. Santiago! Ikaw na naman?!" nanlalaki yung mata ni Ma'am habang umaaarmalite na naman ang bibig.

"Ahm."

"Takbo, Sha!" Sigaw ni Xena bago pa ako makapagsalita.

Pero pinigil ni Ms. Min-- ay este, Mrs. Guevara yung kamay ko.

Napalunok ako.

"To the principal's office!"

Sigaw nya.

"Ma'am 'wag naman po kayong sigaw ng sigaw. Nababasag na yung eardrum ko e."

"Tumahimik ka!" Sigaw nya nanaman.

Ay kapag ako talaga e, nagkasakit sa pandinig, ipapagamot mo 'ko. Langya!

So, narating na namin yung principal's office.

Tapos pinaupo nya na 'ko dun sa sofa.

"Schandellier naman!"

"Eww!! Tita. Wag mo akong tinatawag na ganun. Baduy e!"

Oo tama kayo, tita ko si Mrs. Guevara.

Pero hindi yun alam ng mga estudyante at teacher, at hindi pwedeng malaman.

"...Makakahalata ang mga tao--" bungad nya.

"--na magkamag-anak tayo. Kaya umayos ka."

Itinuloy ko na.

Hahaha.

Napakamot ng ulo si Tita.

"Sha. Magpakatino ka naman na. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Baka di ka makagraduate dahil sa mga katarantaduhan mo. 4th year high school  ka palang."

Naglapag sya ng chips sa may table. Tapos dumukot ako.

"Tita. Nakocompensate naman ng intelligence ko lahat ng yan e."

"Oo, pero hindi yun sapat. It's not enough na matalino ka, dapat maganda rin yung ugali mo."

Naputol ang sermon nya nang may biglang tumawag...

"Hello?"

"Yes."

"Uh-huh."

"So, uuwi yung pinsan mo? Tapos tutulungan nya muna ako dito sa school? Okay. Okay. Bye."

Nakahanap ako ng oras para makapagsalita.

"Tita, sino yun?"

"Your uncle."

"Ah. Pwede na ba akong lumabas?" Tanong ko with matching smile pa. :)

"No."

"Eh? Tita naman! May mga klase pa kame."

"Osige! Lumabas ka na."

Tumayo na ako from the sofa, kinuha ko yung backpack ko,

Then binuksan ko na yung pinto.

"Sha. For the nth time, do not make any trouble. Okay?"

"Yes Ma'am."

Tapos lumabas na ako.

Sakto naman, papadaan sila Xena.

"Xena!!!" tumakbo ako papunta sa kanila. Kasama nya sila Mikey.

"Oy. Kumusta yung nirecord naten? I mean- nyo. Kase pinagbantay nyo nga lang pala ako sa labas tapos ako lang ang na-office. Kay huhusay nyo. Hahaha!"

Tumawa rin sila saka ako hinug.

"Labyu Sha."

Hmm. Mga bwiset.

Hahaha!

"Anyway Sha, you need to attend our P.E. class."

Utos ni Mikey.

"What?! No way!"

"Oo kase may transfer." sagot naman ng isa.

"And so?" tanong ko.

"It's either gaguhin mo sya, or landiin mo sya."

Hmm. Haha! Bright idea. At bagot na bagot na ako sa paaralang ito. Aba simula pre-elem hanggang college, dito na ako. Nabulok na 'ko dito.

Kabisado ko na lahat ng room na may multo, lahat ng room na sira ang aircon, yung mga CR na hindi gumagana yung flush, yung sirang vending machine ng drinks, yung menu araw-araw, at lahat ng rules na kaya kong baluktutin.

Ay! Yun pa palang napakalaking chandelier sa may function hall.

Hay.

Ikaw ba naman ang manirahan sa paaralan e.

Pero at some point, masaya rin yun kase, ang dami kong pranks and trippings na nagagawa. Kaya, ayos na din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChandelierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon