CHAPTER 1: Meeting again
CALLE'S P.O.V
"The Royal Vigor family is looking for new butlers for their twin princes and the contest for those who want to become participants for those who want to become a butler of the royal family will take place this Saturday at the Vigor headquarters stadium." sabi ni Maisy habang binabasa ang article na hawak niya.
"T-teka saan mo ba nakuha iyang article na 'yan?" naguguluhang tanong ko kay Maisy at nakita ko namang napangiti siya sakin. "Diba alam mo naman na may pinsan akong triplets yung Dickson brothers sila Summer, Storm at Spring? Sa kanila galing 'to dahil kilala din nila yung Vigor twins baka nakakalimutan mo na sis may dugong Dickson 'to noh para saan pa at naging Dickson ako kung hindi kita matutulungan sa gusto mo na malapit sa crush mo!" nakangising turan ni Maisy sakin kaya naman napailing nalang ako habang nakangiti dahil hindi ko inakala na hihingiin niya talaga nang tulong ang tatlong lalaking pinsan niya na 'yun.
"Saka alam ko ito na ang sulusyon para lagi mo nang nakikita si Raiden kasi una sa lahat marunong ka naman humawak ng baril at may alam ka pag dating sa martial arts kasi naging black belter ka nga dati nung mga bata pa tayo diba? Saka nagtrain ka din kasama si Tito Rapha na bumaril dati right?" wika ni Maisy kaya naman muli akong nakaramdam ng lungkot ng ipaalala niya sakin si Papa. "Oh... sorry sis, hindi ko na pala dapat binanggit yung papa mo."
Nangilid ang luha ko sa sinabi niya at muling nagpaunahan ang mga luha ko sa pagbagsak ng maalala ko yung trahedya noong bata pa ako. Namatay ang papa ko noong 11 years old palang ako at nangyari yun dahil sa nanay kong walang kwenta na iniwan kami para sa lalaki niya kaya naman hanggang ngayon ay may sama padin ako nang loob sa sarili kong ina dahil hindi sana mamamatay ang papa ko kung hindi niya sana niloko si papa noon. Kaya nga lumaki ako noon na ang kasa-kasama ko lang ay si Maisy at si Lola Lucia.
"Raine wag kana umiyak..." sabi ni Maisy sakin saka ako niyakap at saka ko pinunasan ang mga luha ko. "S-so ano bang gagawin ko?" sabi ko nang humarap na sakin si Maisy.
"Okay ito kasi ang sabi sakin nang mga pinsan ko kung desidido kang makapasok sa trabahong 'yun kailangan mong magpanggap na lalaki kasi di ka tatanggapin kapag babae ka at kahit mga pinsan ko hindi alam kung bakit bawal ang tagapagsilbi sa royal family na babae kaya kailangan ihanda na natin yung mga bagong damit na susuotin mo dun dahil baka dun kana tumira sa kastilyo ng Vigor family so kailangan nating gawin ngayon ay bumili nang mga bago mong damit na panlalaki at wig mo na matibay at siguradong hindi basta-basta mahuhulog sa ulo mo." sabi ni Maisy kaya naman tumango nalang ako.
***
Inabot na rin kami nang gabi ni Maisy sa pagso-shopping sa mall nang mga gamit na ka-kailanganin ko pag pumunta na ako sa headquarters.
"Apo, saan ka galing? Anong oras na ah..." wika ni Lola Lucia sakin kaya naman agad akong nagmano at saka humalik sa pisngi niya saka ako napabuntong-hininga. "La, balak ko po kasing pumasok bilang butler sa royal family... alam ko po di kayo papayag kasi delikado pero 'yun lang po kasi ang pinakaalam kong paraan para mas makatulong ako sa inyo para hindi na kayo mag tinda nang mga gulang sa palengke saka nasa wastong gulang naman po ako para tulungan kayo kaya sana La pumayag kayo..." mahabang paliwanag ko kay Lola at nakita ko namang napaluha siya saka ako niyakap.
"Ah... ang apo ko talagang dalaga kana nga, para ka talagang si Raphael... wala kayong ibang iniisip kundi kung paano niyo ako matutulungan, apo alam ko namang nasa tamang pag-iisip kana at maraming salamat dahil kumukunsulta ka padin sakin kapag gagawa ka nang desisyon na alam mong mag-aalala ako ng lubos at dahil dun kaya hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin. Basta ipangako mo lang sakin na mag-iingat ka at wag mo kakalimutang bisitahin ako dito kapag may libreng araw ka ha?" nakangiting turan ni Lola sakin kaya naman muli akong tumango at saka siya niyakap nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
TWIN SERIES 3: My Twin Masters
RomanceSi Calle Raine Delaware ay isang simpleng babae lamang ngunit may angking kakayahan sa pakikipaglaban dahil simula ng musmos pa lamang sya ay tinuruan na sya ng kanyang ama, dahilan para maging isa syang black belter at bukod pa dun ay magaling din...