Capitulum 2

5 3 2
                                    

A Queen without a King

~Khalida~

Kasalukuyan akong nakaupo sa pasadyang upuan para sakin kaharap ang mga konseho ng kahariang ito.

Queen Khalida, ipagpaumanhin ninyo ngunit matagal tagal narin nung ikaw ay naluklok sa iyong trono, Mahal na Reyna subalit kami'y nababahala na wala pa kayong kabiyak at katuwang sa trono. Iminumungkahi namin na pasimulan ang pagpili ng iyong katuwang, suhestiyon ng pinuno ng konseho na lalake.

Isang Hari, nasambit ko.

Ganun na nga po, Mahal na reyna, sangayon niya.

Tsk. Hindi pa ba ako sapat, malamig na sambit ko.

Hindi sa ganun Mahal na reyna. Ang sinasabi ko lamang ay kailangan po ninyo ng mapapangasawa na may kakayahang punan ka ng isang supling, nang sa gayun ay Kung may di magandang mangyari sa inyo ay may hahalili agad sa iyong trono, mahinahon na paliwanag ng lalaking pinuno ng konseho.

Sinasabi mo bang mahina ako, malamig na sambit ko. Ayaw ko sa lahat ay ipinaparamdam sa akin na isa parin akong mahina gaya nang dating di pa ako nakaluklok bilang Reyna.

Hindi sa ga----

Hindi ako mamamatay hangga't hindi ko na kaharap ang anak ng liwanag. Nakalimot na ba kayo kung sino ang inyong nasaharapan. Pwes, ako ang Reyna ng kahariang ito, ang ipinagkalooban ng buong kapangyarihan ng dyosa ng kadiliman. I am the rightful ruler of this kingdom. I don't need a king, I can rule this kingdom on my own and send it to a victorious winning on my own. I don't need a king nor a heir, malamig ngunit pasigaw na sabi ko.

Na-i-intindihan na-min mahal na reyna, utal na sabi ng pinuno ng konseho.

Mawawala ako ng matagal sa kahariang ito,panimula ko.

Saan kayo papatungo Mahal na reyna, sambit ng pinuno ng konseho.

Caelum. Ako mismo ang magmamatyag upang alamin ang kahinaan ng kalaban, walang pake na sabi ko.

Mahal na reyna meron tayong malalakas na mga mago na pwedeng mag espiya. Nangangamba kami sa iyong kaligtasan, nagaalalang sambit nito.

Wag kayong mag alala, kung magpapadala ako ng espiya ay hindi ako kampanteng magtatagal siya at makakalap ng maayos na impormasyon, malamig na sabi ko.

Ngunit Mahal... Naiintindihan ko po Mahal na Reyna, tutol pa sanang sambit nito ngunit agad ring binawi ng makita ang malamig Kong tingin.

Ikaw bilang pinuno ng konseho ang inaatasan Kong pansamantalang mangalaga sa aking kaharian, wag kang magkakamaling ako ay traydurin, pahayag na may pagbabanta ko dito.

Naiintindihan ko,  Mahal na reyna. Asahan ninyong maasyos kong pangangalagaan ang iyo pong kaharian, nangangako din akong nasa iyo lamang po ang aking katapatan, magalang na pahayag ng pinuno ng konseho.

Bukas ng umaga ako maglalakbay, bukas ko din ibibigay ang selyo tanda ng pansamantalang tagapangalaga ng aking kaharian, sambit ko.

Kung gayon ay ipahahanda ko po ang iyong kagamitan at ang karwahe sa paglalakbay, magalang na pahayag nito.

Ang kabayo ko ang inyong ihanda hindi ako gagamit ng karwahe, sambit ko.

Natatapos na ang pagpupulog, malamig na sabi ko at agad tumayo sa aking upuan at nilisan ang bulwagang iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Caelum Academy: Queen of InferisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon