Bakla ka ba?
Because of the sandwichChapter one
Inspired by Ronel Lorenzo
(Kaya mo yan tropa!)Dedicated to Julianmarieramirez
(Wala lang po^_^)Ead's POV
*my house*
"Bakla ka ba?"-Thon
"Kung sapakin kaya kita"-ako
"19years old ka na pare, wala ka paring nahahalikang babae, ni wala ka nga ding girlfriend!, umamin ka nga sa akin brow, lalaki ba hanap mo?"- siryosong tanung nya
Gamit ang tubig na pinandidilig ko sa halaman Ni mama, tinutok ko ang hose sa mukha nia
"Ui ano ba!!!!"-Thon
"Bakla pala ha!"-ako
Tumakbo sya sa akin para kunin ang hose, wala nadin akong oras para makiwas pa, sa bilis ng takbo nya natumba kami, nadaganan nia ako, parehong basa na kami ng tubig galing sa hose.
Eviey's POV
(same time)
Eto ako nagba-bike pauwi na sa bahay, pag ba-bike ang exercise ko tuwing sabado at linggo ng umaga habang nakasalpak ang earphone sa tenga ko, wala akong absent pag dating dito.
Malapit na ako sa bahay, ihihinto ko na sana ng biglang may humarang ng pusa, agad ko itong naiwas kaso lang..........
"Ahhhhhhh!!!"
Nasemplang naman ako, lumampas ako sa bahay at napadpad sa bakuran ng kapit bahay,
"walang hiya yan, nauna pa saakin umuwi ang bike sa bahay"
Ahhhhhng sakit ng katawan ko>_
Teka! May naka kita kaya sa akin?0_0 sana naman wala.
Patayo na ako ng mapansin na nasa bakuran pala ako ng lalaking kina iinisan ko, si Ead na mayabang
"Teka......anong kababalaghan ang ginagawa nila!0_0"
Nanlaki ang mga mata ko, nakita Kong nakahiga si Ead at basang basa at........at......may nakapatong na lalaki sa kanya
"Teka, Bakla ba sya??????"
Kinaumagahan, lunes, natural may pasok
*School*
Flag ceremony na, lahat nasa ground, maliban yata sa akin, kalalabas ko lang sa cafeteria na may hawak na sandwich, napuyat kaya ako kagabi Kaya tinanghali ng gising, buti nalang di na late, di naman ako nakapag almusal*_*, dahil sa bwisit na Ead na yun!, dikaya ako naka tulog dahil sa kaiisip sa kanya, "Bakla pala sya" sayang yung kagwapuhan nya, teka bat diba ako maka get over.
Tinanggal ko na sa plastic ang sandwich at ready nang kainin, pakagat na ako ng biglang.....
"Ahhhhhh!!!"
Natumba ako, na bangga yata ako ng tumatakbong lalaki
"aray ko naman, na semplang na nga kahapon, babanggain pa ngayun! Ano bang kamalasan ang nangyayari sa akin!"
"Miss OK kalang?"
Teka, parang pamiliar ang boses
Tiningnan ko ung mukha nya
"Ikaw!!!"-ako
"Diba ikaw yung kapit bahay namin?"-Ead
Hindi ako umimik, I just rolled my eyes at nag simulang mag taray, napansin Kong inalok nya ung kamay nya para itayo ako, pero tumayo nalang ako mag isa, naiinis kasi ako tuwing naalala yung kahapon
Natauhan nalang ako ng biglang umungol ang chan ko, saka ako nagsimulang hanapin ung sandwich, nakita ko ito pinulot nya
"Yung sandwich koooooooo!!!"
"Madumi na to, dina pweding kainin"-Ead
"Natural! Madumi na nga alangang ipa kain mo pa sa akin!"
"Sorry OK, ito bayaran ko nalang, pls miss, nagmamadali ako"-Ead
Miss?, himala di nya pala alam pangalan ko, sa tagal naming magkapit bahay, halatang wala talaga syang pakialam sa akin, bat nya naman ako pakikialaman!
"Nagmamadali?, kung tumitingin kasana sa dinadaan mo, disana nangyari to"-pag iinarte ko
"Wag kanangang mag inarte, kung ayaw mo ng bayad ko e diwag!"- naiinis na sabi nya
Tumalikod sya at naglakad papalayo
"Aba, dilang pala yun bakla e, baliw din"-ako
Pinulot ko yung sandwich at binato sa kanya, tumama naman ito sa ulo nya,(headshot! Galing ko) dahilan ng paghinto nya sa paglalakad
"Hoy bakla! Wag mo nga akong tatalikuran"
Lumapit sya sa akin
"Anong sabi mo?!"-Ead
"Sabi ko, bakla ka!"
"Hintayin mo ako dito"-sya
Pumasok sya sa cafeteria at Maya Maya pa lumabas na may dalang sandwich
"Yan na ang sandwich mo"-sya
Tinitigan ko lang sya
"Ano tititigan mo na lang ako?, Alam mo miss nag mamadali talaga ako kaya pls kunin mo na to!"-sya
Dinikit nya sa uniform ko yung sandwich at namansyahan ito ng ketchop
"Ano ba! Umalis kana nga ditong bakla ka!"-ako
"Don't you ever try to call me a gay again or you'll see"-banta nya sa akin
"Bakit anong gagawin mo sa akin? Hahalikan mo ko?"-ako
Tiningnan nya lang ako ng masama, tumalikod na sya at naglakad papalayo, para yata umiwas sa gulo o natatakot lang sa pweding gawin ko,pero nakaka three steps palang sya.......
"Bakla! bakla! Bakla! Bakla! Bakla! Bakla! Bakla! BAKLAAAAAA!!!!!!!"
Diko na napigilan sarile ko,diko sinasadyang masigaw ang last word na sinabi ko, pero yun yung naging dahilan bakit lumapit uli si Ead sa akin at..... At...., teka bat ako namumula, bat biglang uminit ang buong katawan ko, bat ang bilis ng tibok ng puso ko, lahat ng estodyante sa ground nakatingin sa amin, hiyang hiya ako,pero bat nya nga ba ako hinalikan?, teka hinahalikan nya ba ako??
Agad ko namang tinanggal ang labi ko sa labi nya at sinampal sya ng malakas
"I warned you"-he said with a small smile
Smile na nakakaasar
"Yajxhsjaif"- wala akong maisip na pweding sabihin sa kanya, lalo nat' halos lahat ng estodyante sa university na to nakita ang pangyayaring iyon
Nakaka hiya>_< bat sa bakla pa!!!>_<,
Walang hiya ka! Gaganti ako sayo, makikita mo, magsisi ka.
Hi guys, pls support this story
Vote and comments po wag kakalimutan.
Thanks
BINABASA MO ANG
Bakla ka ba?
Teen Fiction•Murtal na mag kaaway •ayaw ang isa't isa •hindi pweding magsama •napaka gulo yan ang mga pagkakapareho nilang dalawa Nag Simula sa pagtawag na bakla Humantong sa pag papalitan ng mga makukulit na paghihigante umabot sa pag papalitan ng mga matatami...