ONE

4 1 0
                                    

From: Elysiangot
Hindi ako makakapasok pre tinatamad ako.

To: Elysiangot
What?!

From: Elysiangot
Hindi ako makakapasok pre tinatamad ako.

To: Elysiangot
Tanginamo! sana sinabihan mo ko hindi na din sana ako papasok.

Kingina talaga netong babaeng to! I shook my head, she should've say na hindi siya papasok para sana hindi na rin ako pumasok. Awit!

Maaga akong nagising kanina which is usual at maaga din akong nakapasok which is unusual. Lagi kasi akong naaabutan ng rush hour sa umaga.

Pagdating ko sa room kaunti pa lang kaming nandon siguro mga sampu di ko sure. Imbes na kuhain ang notes ko para magbasa-basa kinuha ko muli ang cellphone ko para magbrowse na lang sa social media.

Scroll. Scroll.

Hayys amboring! Tiningnan ko kung anong oras na 20 minutes pa naman bago dumating yung prof namin. Maka-ml nga muna.

Bwct na kakampi to! Umay! Core pa more! Bobo naman! Umay talaga! Bwct na bwct talaga ako sa mga kakampi ko ngayon sana pala hindi na lang ako naglaro!

"Anong hero mo?" Nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko. Nagtago muna ako sa bush para lingunin kung sino man iyon. Kumunot noo ako dahil hindi ko kilala ang taong ito. Ngayon ko lang kasi nakita.

"Alice." I quickly replied and gaze my eyes back to the game.

"Main mo?"

"Yeah." I replied without glancing on him

Nagfocus muli ako sa game at hindi na muna siya pinansin siguro mamaya na lang. Malapit na kami manalo kaso yung core namin sugod ng sugod! Kaya ang ende na comeback tuloy kami.

Sayang star ko! T_T

Mvp nga pero talo naman! Umay talagaa!!

Inis kong tinago ang cellphone ko sa bag at tiningnan ang relo ko. 5 minutes na lang pala magsisimula na ang klase.

"Talo?" Tanong nung kumausap sakin kanina. Oo nga pala sino ba ito?

"I'm Leo by the way."tila nabasa nito ang iniisip ko kaya ngumiti ito at nagpakilala sakin. Tiningnan ko muna siyang maigi, iniisip ko kung magpapakilala din ba ko but he seems nice.

Napansin niya ata na parang wala akong balak tanggapin ang kamay niya kaya naman kinuha ko ito agad bago niya pa ibaba.

"I'm Cheryl, Nice to meet yo—"

"Good morning class!"

Di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil dumating na ang Prof namin. Nginitian ko na lamang si Leo bago tumingin sa harap. Ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ko ng malaman ko kung sino itong Prof namin sa harap.

Pakingshet! Pakingshet talaga!

Dali dali kong inuyuko ang aking ulo para hindi niya mapansin. Grabe ang tibok ng puso ko para na atang lalabas sa dibdib ko. Bakit ba naman kasi sa lahat ng magiging bago naming prof siya pa!

Naggreet pabalik ang mga kaklase ko na hindi ko na sinabayan. Pinaupo niya kami bago siya magpakilala.

"I'm Professor Dellon Gin Marquez, your new Prof on this subject and nice to meet you all." Malamig ngunit magaan nitong sambit.

Napakagat ako ng labi habang pinipilit iwaksi sa isip ko iyong naiisip ko.

Sana walang introduce yourself.
Sana walang introduce yourself.
Sana walang introduce yourself.

Pikit mata kong hiling habang nakacross finger. Jusq sana wala talaga, tsaka college naman na kami diba? Hindi na uso yon diba? Arrrghhh

"Ayos ka lang?" Tanong ni Leo sa tabi ko.
Tumango lang ako bilang sagot.

Iniiwasan ko pa ding magawi ang tingin sa harapan, buong oras ng klase ay nakatungo lang ako habang nakikinig sakanya. Mabuti na lang din at hindi na siya nagpaintroduce yourself eme.

Sa totoo lang magaling naman siya magturo at nakukuha ko naman iyong mga sinasabi niya kaya lang minsan hindi ko mapigilang mainis na naman dahil naalala ko ang nangyari kahapon.

"Class dismissed."

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase kaya naman niligpit ko ang mga gamit na ginamit ko at mabilis na umalis sa classroom.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong schedule ko ngayong araw. May 2 hours akong vacant ngayon bago ang susunod kong klase. Kaya naman napagdesisyunan kong pumunta na lamang sa canteen para magorder ng pagkain kulang kasi yung inalmusal ko kanina hindi ako nabusog.

I ordered 2 sandwiches and 1 lemon juice. Buti na lang at kaunti lang ang mga tao ngayon dito kaya nakahanap agad ako ng table. I sat there and start eating my sandwich.

Kinuha ko din ang notebook ko para sa susunod na klase at sinumulang magreview. Baka kase mamaya magpatest si ma'am eh ganon pa naman yon mahilig sa biglaan.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko may umupo sa harap ko.

"Review?" He asked. I turned my gaze on him and quickly nod before going back on reading.

"So you're Cheryl right?" He asked again.

Since I can't focus on what I'm doing might as well entertain this guy. Malay mo magkaron ako ng bagong jowa! Char!

"Yeah."

"So, how are you? You look pale in the class earlier." Ngi napansin niya pa iyon?

"A-ahhh masakit kasi tyan ko non n-nagugutom ako. Hehe"

"I see that's why you ordered a lot."

"Eh? Madami na ba to? Dalawa lang to noh!"

"Madami pa din." I rolled my eyes then he chuckled

May nakakatawa ba don? Kunot noo ko siyang tiningnan at handa na sanang batukan. Oo babatukan ko talaga siya kahit di pa kami close!

Pero napatigil ako ng biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko to mula sa aking bulsa at tiningnan ko sino iyong nagtext.

From: Deth-deth
May party mamaya sama ka?

My forehead creased when I received a message from one of my friend. Going to party is my favorite thing to do but right now all I want to do is lay down in my bed and sleep. Ni hindi pa nga ako nakakapasok sa second sub pero ganon na agad nasa isip ko. Nahawa na ata ako sa katamaran ni Elysia

To: Deth-deth
Tinatamad ako.

From: Deth-deth
Dali na sis! Sasama yung tatlo, para kompleto tayo.

Bilis naman neto magreply ngayon, pero sasama ung tatlo? Siguro sasama na lang din ako after all I missed them na.

To: Deth-deth
Okay.

Napangiti akong binalik ang phone ko sa bulsa. Excited na ko mamaya!

"Something happened? You look happy." Nandito pa din to?

"Yeah, going out with friends alam mo na bonding."

"Hmm, that's nice." He smiled

Pekengshet bat ang gwapo!!!

***
LightOfSerendipity







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Losing You (YOU SERIES # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon