Kai POV
"Dad kailangan ba talaga na ako yung pupunta ng Seoul to meet our business partner?"
"Ofcourse remember ikaw na ang maghahandle ng company natin"
"Aaiisshh dad nanjan naman si kuya kyle diba?"
Hindi parin ako sumasang-ayon sa gusto ni dad kaya panay ang reklamo ko dito
"Alam mo naman na siya ang nagmamanage ng company ng lolo mo,pwede ba kai sumunod ka na lang para naman sayo to"
"But dad-"
Naputol ang sasabihin ko ng itulak ako ni dad palabas ng bahay
Aaiisshh really?
Marami pa akong patients sa hospital,tas ngayon aalis pa ako papuntang Seoul
"Sir sakay na po sa sasakyan,ngayon na po ang alis ang eroplano"sabi ng driver ni dad
Tumingin ako sa wrist watch ko,4:00AM
Nung makarating ako ng Seoul,yes ako lang magisa diba ang saya,aaiishh kainis
Lalakad na sana ako palabas ng airport ng biglang tumunog ang phone ko
Si Dad
"Yes hello dad?"
"Ano nakarating ka na?"
"Yeah nandito na ako"
"Dalian mo kai mainitin ang ulo ng magiging business partner natin,ayaw niya na nagaantay better kung ikaw yung mas maaga kesa sakaniya"
"Oo na dad sigena babye"
Naiirita na ako kaya pinatay ko na agad ito
Pagod na nga ako,bumyahe pa ako papuntang ibang lugar,wow!Sinuot ko yung sombrero ko na dala at nagshade,kahiya yung mata ko halata na kinulang ako sa tulog at pagod!aaiishhh
Ng makarating ako sa meeting room ng kompanya na to,umupo na ako at ako lang magisa dito
Ang boring naman dito,at magaantay talaga ako?sino ba kasi yung owner ng kompanya nato?
Mainitin ang ulo?naalala ko yung sinabi ni dad
Eh ano naman ang pake ko kung mainitin ang ulo?aaiishhhMaya maya lang ay naramdaman kong bumukas ang pintuan ng MR nato
"Goodmorning mister"pagtataray nitong sabi
Di ko siya tinignan at nanatili akong nakayuko
Pero
Napaangat ako ng ulo at kinuha ang sombrero na suot ko
"Goodmorning too ms.kim"sabi ko sunod naman kinuha ang shades niya
Nagulat ako sa nakita ko
"Ikaw?"gulat na sabi nito
"Jennie?"at ganon rin ako
Wait what!si si jennie??
"Kai?ikaw ba yan?"hindi makapaniwala nitong sabi
"Y-yeah I-it's me kai,jongin kim"utal kong sabi
Hindi lang ako makapaniwala na siya ang mayari ng pinaka malaking company ngayon dito sa Seoul
At gumanda siya lalo,parang...parang jennie na nagglow up
Ibang iba na ngayon,sa suot palang nito makikita mo kung ano na ang estado niya sa buhay
"Wow"salitang lumabas sa bibig ko
"So ikaw pala ang magiging ka business partner ko?"sabi nito at napangiti ng nakakaloka
Pero ng matapos niyang sabihin yon napatingin siya sakin
At biglang umiba ang itsura nito
Makikita mo sa mga mata nito ang lungkot
"Are you okay jen?"tanong ko dito
"Y-yeah I'm okay,ngayon lang kita nakita ulit simula nung natapos ang kasal namin ni l-lisa"
Ng banggitin niya ang pangalan ng pinsan ko bigla ito napayuko
At ako naman naagaw ng attention ko ang kamay nito na nakapatong sa mesa
Suot suot niya parin hanggang ngayon
Bro asan kanaba?matagal na ang panahon ang lumipas pero di ka pa rin nagpapakita
Natapos ang discussion namin ni ms.kim ay este jennie at lalabas na sana ako pero pinigilan ako nito
"Ahhmm kai pwede bang magtanong?"sabi nito kaya napatango ako
"Kai may alam ka ba tungkol kay lisa?"tanong nito sakin at kita ko ang mga mata nito na may namumuo na tubig na
Napabuntong hininga ako bago magsalita
"Jen I'm sorry pero wala""Isipin mo man na nagsisinungaling ako o tinatago namin si lisa sayo pero wala talaga jen simula nung nalaman namin na iniwan ka ni lisa sa jeju kahit samin hindi na nagpakita si lisa...hindi siya umuwi ng thailand..sa dalawang taon wala talaga jen I'm sorry"
Naramdaman kong nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito
Yung mag-ina ko
"Ahhmm excuse me i have to go na,kailangan ko ng bumalik ng bangkok"huling sabi ko dito at tuluyan ng lumabas sa kompanya niya
Third Person
Ng lumabas si kai sa kompanya ni jennie hindi niya alam,hindi niya nakita,ang taong matagal na nilang hinahanap
Nakatayo lang ito sa harap ng kompanya ni jennie
Meron pa itong bandage sa ulo at nakasalamin ito meron rin sugat sa pisnge at sa braso
Tuluyan nalang sumakay si kai sa kotse nito ng hindi man lang alam na malapit lang pala sakaniya ang taong matagal na nilang hinahanap...