Chapter 1: Si Solomon

21 0 0
                                    

First things first. Ako nga pala si Solomon Dimagiba ang nag.iisang anak nina Engr. Raymond Dimagiba at Salamina Dimagiba.Hindi pa ako pinapanganak isang rolyo na ng tissue paper ang nagamit ni mommy sa kasusulat ng iba't ibang pangalang sasakto para sa akin. Bakit tissue paper? Dahil sabi niya mas marami daw siyang naiisip na pangalan tuwing gumagamit siya ng banyo. Di ba bastosan lang? Sa laki ng bahay namin bakit sa banyo pa?. Kung sabagay marami naman talaga tayong maiisip tuwing nasa banyo, siguro nga ganoon. Matapos ang ilang buwan ng pangangalap ng iba't ibang pangalan, naisip ng parents ko na ipaghalo ang mga pangalan nila at iyon nga ang nangyari naging SOLOMON ang pangalan  ko. Ang 'Sala' ni mommy ay naging 'Solo' at idinugtong ang palayaw ni daddy na 'Mon' na sya na ring naging palayaw ko.

20 years old na ako ngayon. 5'7 ang height. Medyo maputi, may matangos na ilong at may mapupungay na mata. Ang look ko daw ay parang pinaghalong john lloyd at coco martin- yan ang sabi ng mga kaibigan ko. Hindi ako gaanong payat at hindi naman mataba. Sakto lang ang katawan ko para sa aking height.  College student at kumukuha ng kursong architecure  sa isang tanyag na kolehiyo sa lugar namin. Hindi sa pagmamayabang, masasabi kong maykaya kami. Ang nanay ko ay isang guro doon sa dati naming lugar na tinitirhan. Medyo nagkaproblema kasi kaya lumipat kami. Sa ngayon isa syang dakilang housewife at may extra-extrang business rin upang may pagkaabalahan naman siyang iba maliban sa akin. Ang tatay ko naman ay isang mechanical engineer sa isang kompanya sa  Saudi. Mataas na ang kanyang ranko doon kaya malaki-laki na rin ang napapadala niya sa amin.

Lumaki akong nakukuha ang lahat ng gusto ko dahil na rin sa nag-iisa akong anak at wala rin silang ibang paglalaanan ng pera nila kundi sa akin lamang.

Kung ako lang ang masusunod gusto ko sanang mayroong mga kapatid. Ngunit parang di na yata magkakatotoo yon kasi medyo lagpas na sa edad si mommy para magbuntis at wala din si daddy dahil nasa ibang bansa. Kaya malabo na yon.

" Hindi sa lahat ng panahon nasusunod ang kagustuhan natin, parang 'unli-rice' ng mang inasal. You can have all you want but no TAKE OUT!." 

Pero kahit wala akong kapatid naging masaya naman ako sa piling ni mommy. Simula sapul siya ang naging kaibigan, kalaro, ate, kuya, tatay at nanay ko. Talo pa ni mommy ang nescafe 5-in-one 'di ba?.

Hindi niya pinaramdam na may kulang sa buhay ko kaya todo-todo ang pag.aasikaso niya sa akin. Minsan nga medyo naiilang na ako dahil nilalagyan parin niya ng jhonsons baby powder ang likod ko kahit hayskul na ako. Minus pogi points kaya yon sa mga chicks!.haha!

" hindi nasusukat ang ka machohan sa pagiging astig, tandaan: ang totoong lalaki ay malambing sa inang siyang nagpalaki.."

And talking about chicks. Mayroon din naman akong alam tungkol sa mga babae  Katunayan nakakatatlong girlfriend na ako. Si Ellie girlfriend ko noong 1st year, si Chams sa 2nd year at 3rd year, at si Mags sa 4rth year. Sila ang tres marias na nagpatibok at nagsugat ng aking puso. Malungkot mang isipin ngunit iyon ay totoo. Minahal ko sila nang lubos, ngunit bakeeeeettttt???

Sabi pa ng isang kanta.."Kapag tumibok ang  puso, wala kanang magagawa kundi sundin ito...

Kaya sinunod ko naman, ngunit anong nangyari? Di ba? WALA!..

"Huwag tayong magpadalos-dalos sa ating mga desisyon . Isiping mabuti bago umaksyon para iwas kunsimisyon!"

Sabi pa ng aming butihing guro" Ang unang tibok ng puso ay di pag-ibig sa tuwina". ( so kelan ba maam?. Sa pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?)

Ngayon ang tanong ko.Kelan nga ba natin malalaman na ang nararamdaman na nga natin ay pag-ibig na?....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MGA KWENTO NI SOLOMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon