Part 2

22 2 0
                                    

5 years later...

Masaya na dapat ako diba? pero bakit masakit pa din ang naiwan sugat dito sa puso ko, limang taon na ang lumipas pero andito pa din ang sakit

Masaya na siya sa piling ng totoong minamahal nya, may mga anak na.

totoo siguro ang sinasabi nila lagi may naiiwan sugatan ang puso, masaya na dapat ako dahil mas pinili ko ang kasiyahan ng taong mahal ko. pero bakit ganun?

gusto ko na lang din naman maging masaya na

"Sister Trisha" patinggin ako sa tumawag sakin na bata dito sa bahay ampunan kung saan ako napadpad sa pagpapakalayo ko

hindi ko naman ginusto lumayo pero ayoko manatili sa dati kong tahanan kung saan bawat sulok pinapaalala sakin si Joem at lalo na sa kondisyon ko

ayoko na malaman nya pa, ayoko maging pang gulo sa buhay nila...

"Aalis na daw po kayo? sabi ni Sister Jamie, iiwan niyo na po kami? paano na po si Crisha kapag iniwan niyo na kami"

hindi ko mapigilan maging malungkot sa sinabi nito, si Crisha.. ang anak namin ni Joem, hindi ko gusto pero kailangan ko siya iwan sa pangangalaga nila Sister Jamie at Sister Layla

pero nangangako naman ako babalikan ko siya

Hindi ko gusto isakripisyo din ang sariling kong anak, pero kailangan ko. walang wala na ako ngayon at umaasa na lang muna kami dito sa bahay ampunan

kapag nakapag simula at nakapag ipon ipon naman ako, pinapangako ko naman babalikan ko siya

Ngumiti ako dito saka niyakap sya "pasensya na kayo ah? Kailangan ko kasi ito gawin para sa ikabubuti ni Crisha,babalik naman ako"

"Pero kailan po?"

"Hindi ko alam,pero kapag maayos na ang lahat pangako ko naman babalik ako." Hinaplos ko ang buhok nito "babalik ko kayo lalo na si Crisha"

Niyakap na lang ako ng bata saka nagpaalam ito saka naman pagsulpot ng anak ko

"Nanay" masigla na bati nito at niyakap ako "okay na po ba kayo? Hindi na po ba kayo nahihilo" bibong Tanong nito

"Hindi na po,magaling kasi nurse ko eh"

Ngumiti naman ito at niyakap pa muli ako,mamimiss ko itong yakap na'to. Yakap na Hindi ko ipagpapalit kahit kanino
Kung pwede lang hindi sya iwan gagawin ko,pero sa ikakabuti naman nya ang gagawin ko


"Sigurado kana ba sa desisyon mo?" Tanong sakin ni Sister Jamie

Ngumiti ako bahagya saka marahang tumango "opo,ito lang po kasi ang paraan ko pasensya na po kayo" tinapik nito ang balikat ko "naiintindihan ko Trisha,pero sana bumalik ka agad kapag okay na ang lahat. Malulungkot at mangungulila sayo ang bata lalo na ikaw na lang ang meron sya"

Napakagat ko na ang ibabang labi ko dahil sa nababadyang luha s aking mata "patawad po Sister, pero ayaw ko naman nakikita ako ng anak ko mahihirapan kaya mas mabuti lumayo muna ako sa kanya habang nagpapagaling"

Huminga ng malalim si sister bago marahang tinapik ako sa balikat muli at niyakap

"Basta bumalik ka kapag okay na,kapag okay kana. O sya mas mabuti umalis kana habang tulog pa si Crisha,mas mahihirapan ka makaalis kapag gising ma sya"
Tumango ako bilang pag sang ayon,hinawakan ko sa kamay si sister at saka inabot ang sulat ko para sa anak ko

"K-kung sakali man po na dumating yung araw na hindi na talaga ako makabalik,pakisuyo na lang po sana kay Crisha" umiiyak na saad ko, tumango si Sister Jamie at kinuha ang sulat na para kay Crisha

"Makakaasa ka na maibibigay ko ito sa anak mo sa oras na yon" nagpasalamat na ako saka nagpaalam

Masakit man iwan si Crisha pero ito ang nakatadhana na kailangan kong gawin para sa ikakabuti nya,wala naman ako ibang hanggad para sa kanya kundi maging masaya at magawa mga bagay na ikakabuti nya na hindi ako magiging pabigat sa buhay nya

Pikit mata na lumisan na ako sa bahay ampunan na tinutuluyan namin mag ina,mabigat sa dibdib pero kailangan

Kailangan ko itong gawing,magpapaubaya muli ako. Ipapaubaya ko muli sa kapalaran ang buhay ko at magiging kabukasan ni Crisha
At hinihiling ko maging masaya sya balang araw, at sana mapatawad nya ako sa ginawa ko pag iwan sa kanya

Masakit pala kapag gusto mo lang maging masaya pero puro sakit ang binibigay sayo, yung gusto mo lang maging malaya sa sakit pero may mga bagay talaga na ikukulong ka sa sakit at lungkot

I think this is my fate ang maging malungkot kahit sa huling hininga ko,ang magpaubaya para sa mga minamahal.



=E N D=

Paubaya (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon