Start

155 13 3
                                    

        Unang araw ngayon ni Zianne sa SouthVille High School. Napagdesisyunan niyang lumayo-layo muna para madali ang paglimot niya sa dati niyang kasintahan. Minahal niya ang kanyang boyfriend. Ngunit, gaya nga ng sabi nila,”A playboy will always be a playboy”. Oo, tama ang iniisip mo. Niloko nga siya ng dati niyang boyfriend. Ngunit naisip niya na dapat magsilbi itong aral sa kanya. Gusto niyang magsimula ng bagong buhay. At dito niya sisimulan sa SouthVille High School ang pagrerestart ng kanyang buhay.

                Lunes ng umaga iyon ng biglang tumunog ang alarm clock ni Zianne.

                “*Yawn* Ang ingay mo naman Alarm Clock! Eto na nga eh! Babangon na ako!”  

Saka niya pinatay ang kanina pang nagwawalang alarm clock niya.  Pagkatapos ay sumalampak na naman siya sa kama at tumunog uli ang kanyang Alarm clock. Dahil sa inis ay bumangon na lamang siya. Naisip niya na siguro kung tao ang kanyang alarm clock ay kanina pa siya nito pinapagalitan. 

                Ginawa na niya ang ginagawa ng isang estudyante ‘pag papasok na ng eskwela ng may kabagalan dahil sa siya’y inaantok pa rin. Nang bigla niyang maalala na ngayon ang unang pasok niya sa paaralan na kanyang nilipatan ay naging masigla at eksayted kaagad siya.  Binilasan niya ang kilos upang maaga siyang makapasok at magkaoras para maglibot-libot sa bago niyang pinapasukang paaralan.

                Ala Sais kinse pa lamang ng umaga ng siyang dumating Sa SouthVille High School. Medyo kinakabahan siya dahil hindi niya pa kabisado ang paaralan at baka wala siyang maging kaibigan. Naisip niya na hindi niya kailangang panghinaan ng loob upang maganda ang restart ng kanyang buhay. Determinado siya sa paghahanap ng kanyang classroom. Tiningnan niya ang nakasulat sa papel na ibinigay sa kanya ng Ina. Nakasulat roon na ang silid na hinahanap niya. 

                Dalawampong minuto na niyang hinahanap ang silid ngunit hindi pa rin niya Makita. Halos nalibot na niya ang paaralan ngunit wala pa rin. May dumaang lupon ng mga babae.

“Ahhh… Miss, Magandang umaga!”  banggit niya sabay todo-ngiti na halos Makita na ang gilagid niya. Tinaasan lamang siya ng kilay nang parang leader ng mga babae at sila’y umalis. Naiwan siyang nakasimangot. Inaakala niya na makakahanap agad siya ng kaibigan. :3 May isang lalaki ang dumaan. Tiningnan niya ito na parang pinag-aaralan ng mabuti ang isang bagay. Napansin niyang napakaseryoso nito at walang emosyon ang pinapakita ng mukha nito.  Nakakatakot man itong kausapin ay nilapitan niya pa rin ito.

“Hello po! Magandang umaga!” nag-aalinlangan pa siyang ngumiti…  Wala pa ring emosyon ang lalaki.  Para bang sinasabi ng lalaki base sa mukha nito na, “Ano? Close ba tayo para batiin mo ako?” Kaya pinagpatuloy na lang niya ang pagtatanong.

“Alam mo ba Kung saan ang silid na ito?” Pinakita niya ang papel na kanina pa niya hawak-hawak.  “Transferee kasi ako at… ahmmm.. naliligaw na ata ako…”

^Pagpapalagay ni Zianne or Zianne’s POV^

“Halata nga.” Ang lamig naman niyang magsalita… Pati ba naman sa pagsasalita wala pa ring emosyon? Tinakbuhan ba sya ng mga emosyon niya?

“Tsaka, Hindi ka ba marunong magbasa? Ayun oh.” Tinuro niya ang isang classroom na ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan namin. Owwss.. Pahiya ako dun ah. Yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan.

“Sorry” Napakamot ako sa batok ko. Eh kasi naman. Marunong naman akong magbasa eh, hindi ko lang napansin ang nakapaskil sa pintuan.

“Kanina pa kasi ako palibot-libot eh tapos ang tagal bago ko pa to mahanap. Halos nalibot ko na ang buong paaralan para lang mahanap ‘to tapos…” Nung iniangat ko na ang ulo ko, wala na akong kausap. Sa’n nagpunta ‘yon? Iwan ba daw ako? Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Banamanyan?! Grabeng kahihiyan na ‘to ah? Aba, aba! Hoy, May-akda sumusobra ka na ah! Masyado mo na akong pinapahiya sa storyang to.

                Umalis na lang ako at pumasok na sa silid-aralan. Nasa isang sulok at tinitingnan lamang ang mga bago kong kaklase.. Wala namang pumapansin sa akin eh. Hanggang sa nagbell na. Hudyat na flag ceremony na kaya lumabas na ako. Hanggang sa flag ceremony lutang parin ang isip ko. Bumabaybay ito sa hinaharap nab aka wala  akong maging kaibigan sa paaralang ito. Ganun rin kasi sa dati kong pinapasukan. Walang nakikipag-usap sa akin ni kahit lumapit man lang. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako lumipat.

                Nakita ko yung lalaki kanina. Napaisip ako na kung siya kaya ang gawin kong kaibigan?

^Bryle’s POV^

Ilang lingo na akong ginugulo ng babaeng ‘to. Kahit saan ako magpunta, sinusundan niya ako. Ito ata ang nawawalang aso namin eh. At para matahimik ang nagwawala niyang kaluluwa ay pumayag na akong maging kaibigan niya kuno. Nakakairita ang presensya. Napakadaldal niya. Simula nung dumating siya, hindi na ako nag-iisa. Aminin ko man o hindi, napapangiti niya ako. Pero hindi ko pinapakita sa kanya. Baka lumaki ang ulo eh. May pagkatanga kasi ang babaeng ‘to. Gaya na lang nung hinahabol niya ako. Hindi niya napansin ang nakalagay na “Wet Floor” Kaya nadulas siya. Halos sumabog na ako sa kakatawa nun pero pinigilan ko. Tiningnan ko lang siya. Dahan-dahang siyang tumayo at lumapit sa akin. Sinundot-sundot niya ang pisngi ko.

“Wag mo nang pigilan ‘yan. Alam kong natatawa ka. Sige ka, baka mautot ka niyan.” Pagkatapos ay nauna na siyang maglakad. At tumawa na nga ako sa gitna ng hallway. Napansin kong lahat ng napaparaang estudyante ay napapahinto at tumitingin sa akin.  Ngayon lang kasi ako tumawa ng ganito kalakas in my whole High school life.

****Fast Forward****

Makaraan ang ilang buwan…

^Bryle’s POV^

Hayyyss… nasan na kaya yung babaeng yun? Hindi ko pa kasi yun nakikita ngayong araw na ito. Nagpapamiss eh. Wag nyong sabihin sa kanya ah? Pero mahal ko ang babaeng yun. Kahit ang tanga at manhid nun. Siya lang ang nakatiis sa akin at pilit na umiintindi sa mga mood swings ko.

Biglang nagring ang cellphone ko. Si Papa pala tumatawag. Sinagot ko na ang tawag niya.

“ANong kelangan mo?” Alam kong napakarude pakinggan pero ganyan kami mag-usap.

“Sa mansion ka mamaya uuwi. May importante akong sasabihin sa’yo.” Pagkatapos, binabaan na niya ako.

WTF: Wala Talagang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon