WTF: Wala tayong Forever

106 11 3
                                    

Araw-araw, gabi-gabi, naglalasing si Bryle. Nilulunod niya ang sarili sa alak sa paniniwalang baka mawala nito ang sakit na nararamdaman niya. Gabi-gabi, pumupunta siya sa iba’t ibang bar. Kahit sino ang finifling, walang pinipili. Pero hindi pa rin mawala sa isip niya si Zianne. Hinding-hindi ito mabubura sa puso niya.

Sabado noon ng umaga nang biglang sumugod ang ama ni Lianne sa condo ni Bryle.

“Hoy lalaki! Panagutan mo ang dinadala ng anak ko!” dinuro-duro niya pa si Bryle. Cool lang na sumagot si Bryle na,

“Susustentuhan ko sila ng anak ko. Pero ang pakasalan siya, spell A-S-A.”

Pagkatapos ay umalis si Bryle.

^Lianne’s POV^

“Ipapatay ko ang lalakin iyan. Walang hiya siya! Hindi siya isang tunay na lalaki!” Nagwawalang sambit ni Daddy.

“Dad, please… Huwag… Wala siyang kasalanan…”

“Anong wala?! Hindi mo ako mapipigilan Lianne!”

Umalis na si Daddy, iniwan akong umiiyak. Kailangan kong iligtas si Bryle. Tinawagan ko sya.

“Hello, Bryle.”

“Oh, bakit? Alam mo bang nakakadistorbo ka?”

“Mag-ingat ka. Ipapapatay ka raw ni Daddy.”

“Tss.-__- Eh, ano ngayon?” Pagkatapos nakarinig ako ng isang malakas na putok at wala nang nagsasalita sa kabilang linya kahit ano pang tawag ko.

Hindi maaari! Kasalanan ko ang lahat na ‘to.

Naidala agad si Bryle sa Ospital. Natamaan siya malapit sa kanyang puso ngunit maswerteng nakaligtas siya. Nasabi naman niya sa isip niya kung bakit hindi pa siya namatay.

Sa kabilang banda naman…

^Lianne’s POV^

“Dad! Bakit mo yun ginawa?!”

“Mabuti nang mawala siya kesa hindi niya kayo panindigan ng apo ko!!”

“Bakit naman niya paninindigan kung hindi naman siya ang ama?!”

“Ano ang sabi mo?!”

“Hindi siya ang ama ng dinadala ko dad! Nagkaone night stand ako sa isang stranger!”

Sinampal niya ako ng sobrang lakas. Eto ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Kasalanan ko naman to eh. Kailangan kong tanggapin to.

^Bryle’s POV^

Ni isa walang bumisita sa akin rito sa Ospital. Siguro kung nandito si Zianne, inaalagan na niya ako at ang ingay na rito. Napangiti ako sa iniisip ko ngunit, wala na sya. Hindi na ito mangyayari. Naisipan kong tumakas rito. Hindi naman masyadong mataas ang tatalunan ko.

Medyo masakit ang impact ng pagtalon ko.  Pero walang-wala ito sa sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Zianne. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo basta ang alam ko’y gusto kong tumakas. Sa kakatakbo ko’y napunta ako sa isang hardin. Tahimik. Walang tao. Pumunta ako sa isa sa mga puno at umupo sa lilim nito.

Nakita kong dumating si Zianne. Nakasimangot siya habang papapalapit sa akin.

“Hoy ikaw! Kung sino-sinong babae ang finifling mo! Ayusin mo nga buhay mo! Sige ka, magtatampo ako sa’yo. Tsaka Please, kalimutan mo na ako. Magmove on ka na.”

“Pero bakit? Ayoko.”

“Makinig ka sa akin Bryle. Hindi lang sa akin umiikot ang mundo mo. Hanapin mo ang babae na pa ra sa’yo. Siguro hindi talaga tayo pangforever and ever. Siguro hindi tayo bagay sa happy ending. Pero ito ang tatandaan mo palagi, Mahal na mahal na mahal kita. Palagi lang akong nasa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan. Patay man ako, pero mananatili ka rito sa puso ko at palagi kitang babantayan. I love you Bryle, goodbye.”

Hinalikan niya ako sa noo. Napapikit na lang ako habang tumutulo ang luha ko. Sinasamsam ang pagdampi ng labi niya sa nook o. Ang lambot ng haplos nya sa mga pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.

Biglang umulan. Nagising ako mula sa panaginip ko. Pero, bakit parang totoo. Wala na sya. Siguro nga tama sya. Wala kaming forever.  

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

The end! Waaaahhhhhhh~ My first story. Maraming salamat po sa mga nagbasa at nagvote nito(kung meron man). Kung may ideas pa kayo please message me or comment para maimprove ko po. Thank you! :*                                     

WTF: Wala Talagang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon