Her Point Of View." Trip lang ang lahat ng ito. "
" Hindi na ako katulad ng dati. "
" Seryoso talaga ako, Please sana paniwalaan mo ako. "
" Oo ako na, ako na ang masama, kasi ginamit kita, kasi sinaktan kita, pero wag mo naman akong pagsalitaan ng ganyan. "
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog. Paulit ulit sa alala ko lahat ng mga sinabi niya. Bakit ba palagi na lang nag rereplay sa utak ko lahat ng yun. Kasalanan ko pa ba kung hindi ako naniniwala sa kanya? Kasalanan ko pa ba kung masyadong masasakit ang mga salitang sinabi ko sayo? Kasalanan ko pa ba?
His Point Of View.
" Matapos mo akong pagtripan, sasabihin mo lang sa akin na kalimutan ko nalang ang lahat ng yon!?"
" Seryoso ka? Wow! Seryoso mo mukha mo."
" Ano? Mahal mo ako? Ang kapal ng mukha mo. Sa tingin mo paniniwalaan ko yan? Paniniwalaan kita? Matapos mo akong gamitin? Baka gusto mong maranasan yung ginawa mo sakin, para malaman mo kung bakit nagkakaganito ako! "
Hindi ako makatulog. Umulit na ng umulit sa utak ko lahat ng mga sinabi niya. Ito na siguro ang napakalaking kasalanan na nagawa ko. Bakit kasi ginamit gamit ko pa siya. Ang tanga tanga ko. Wala siyang ginawang masama sa akin. Alam ko, mahal niya ako, mali pala, minahal niya ako, pero matapos kung gawin yun, siguro nga nawala na yung pagmamahal niya sakin.
-----
Vote po.
Suggestion na din po sana.
Comments please.
_mystery_
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ko Pa Ba?
Teen FictionPaano mo paniniwalaan na seryoso ang isang taong ginamit ka na noon para lang mapunan ang pagkukulang ng girlfriend niya. This is a short story. Maybe real life or imaginary. Basahin niyo po, sana makarelate po kayo. _mystery_ ♥♡♥♡♥