Prologue

81 6 12
                                    

"The subscriber cannot be reached. Please try again later." 

"Gosh, asan ka na. Sagutin mo yung tawag ko, dammit!" Singhal ko habang  ang aking buhok gamit ang kaliwa kong kamay. Nadismaya ako nang marinig ko uli ang nakasanayang linya.

Nasa university ako ngayon. Ilang minuto na akong naghihintay na sagutin niya ang tawag ko. Habang naglalakad ako papuntang locker ay pilit kong tinatawagan si Apollo, boyfriend ko, sabi niya kasi inaya siya ng kaibigan niyang mag-inuman dahil may birthday daw. I was hesitant at first knowing that she will be there. It's past 8pm at wala pa siya. Nakalimutan niya ba?

Nagsimula nang mangalay ang aking mga binti at hinihigod ang mga ito. Ang mga tawag ni Mama ay sinasapawan ang pagdial ko kay Apollo at sandamakmak na text messages galing sa kapatid ko. I just left them unread. Lumabas ako ng building at nag-antay sa waiting shed. Sumipol ang malamig na simoy ng hangin sa direskyon ko at naramdaman ang malalaking butil ng ulan na dumarapa sa aking mukha. Nanginig ako sa lamig, kinikiskis ko ang mga palad sabay ihip ng mainit kong hininga.

Hindi parin ako sumuko. I dialed the phone number, once again with his phone name "Bulwak". I swear if he won't answe--

"Hello-- Wifey?" 

I was relieved.. for just a split second.

"Hello?? Andyan ka pa ba, 'Wifey'? Hahaha." Tunog babae ang sumagot. Girl best-friend niya. It's her.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko at napasandal sa taong katabi ko dahilan para bigyan niya ako ng naiiritang tingin ngunit 'di na ako nag-abalang humingi ng tawad.. "S-Si Apollo?" 

" Oh, he's here. My boyfriend held a party and it was late na. Lasing na lasing na kasi siya, so I don't have a choice kundi ang idala siya sa condo ko.."

"W-What? Sila Jokjok at yung boyfriend mo, si Mark? Asan sila?–– Asan kayo? Saang condo kayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya kaya hindi siya makasagot.

"They left already... Kami na lang dito." I heard Apollo in the background, groaning. "And, nasa Centrio Tower kami.  Fourteenth floor, the last unit to the left. 40723 ang pa––"

Shit! Lowbat na phone ko! Ugh!

Centrio Tower, Fourteenth floor, left, 40723.

Sumingit ako sa linya ng mga nag-aabang ng sasakyan at pumara. Basa na ang aking uniform kaya medyo nahahalata na ang pang-ibaba kong suot. "Taxi!"

The rain was pouring but I don't care! Please don't do this to me, to us. Sumulong ako sa ulan nang walang payong at libro lang ang ginamit na pangsangga. Sumalampak ako sa upuan sa likod ng sasakyan.

"Centrio po."



"ANDITO NA TAYO, ma'am. Ma'am."

Nabalik ako sa ulirat nang tinawag ako ni manong driver. Nagbayad ako at basang pumasok sa Centrio.

Lakad-takbo akong tumakbo patungo sa elevator ngunit sa kamalas-malasan ko ay hindi gumagana ang isang elevator habang may gumagamit ng isa. Nag-intay ako ng ilang minuto at hindi na natiis kaya umakyat nalang ako gamit ang hagdan. My legs were aching and looked for the sign. 13th floor. Bumalik ang aking lakas at mabilis na tinahak ang hagdan. Tumingin ako sa mga numero ng bawat kwarto at tumungo sa kaliwang daan, wala na akong paki na lumilikha ng malakas na tunog ang kada yapak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Veil of History (Cagayan de Oro City Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon