Roshane's pov.
I closed my eyes as the air bumped into mine. 'I know it's you, thanks for your hug'. Binuksan ko na ang mga mata ko ng may pumutok na sa kalangitan. I sadly smile, the exact place, time and date when I said yes to him. Tandang tanda ko pa noon kung pano niya ako pinasaya, that was the happiest day of my life.
'Flashback'
"Nathan sa'n moko dadalhin?." Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Wala akong makita kasi nakapiring ako. 'Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaking to ngayon?'
"Aray ko naman!."
"Oh! Dahan dahan lang kasi sa paglalakad."
"Saan mo kasi ako dadalhin? Baka ihuhulog mo ako sa bangin hah o di kaya ay iiwan moko sa madilim na kagubatan, sisipain talaga kita papuntang mars." Pananakot ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang tumawa. Lah? Kinakabahan na nga ako dito tapos siya tatawa-tawa lang? napadaing ako sa sakit ng noo ko.
"ARAY NAMAN! Bakit ka namimitik?."
"Hayyss kahit kelan talaga ang epic mong mag isip." Sabi niya sabay tawa. Ammpp! Kung di lang talaga ako naka piring, nakuuu! kanina ko pa to pinagsisipa.
"Andito na tayo, umupo ka." Sabi niya at sinuportahan akong umupo.
"Pede ko nang tanggalin ang piring?." Excited kong tanong.
"Na ah, maghintay ka ng 3 minutes."
Tumahimik na lang ako kesa ang dumada ng dumada. Nae-excite ako at the same time ay kinakabahan din.
"Tatanggalin ko na ang panyo pero wag mo munang idilat ang mga mata mo okay?."tumango ako,naramdaman ko na lang na wala na ang panyo sa mga mata ko.
"10......9......8.....sabayan mo ko sa pagbilang Li at pag sapit ng one pede mo nang buksan ang mga mata mo."
"Ah okay."sabi ko sabay tango ng tango.
"5.....4......" sabay naming bigkas.
"3......2.......1!!" Sabay ng pag bukas ng mata ko ay nakita ko si Nathan naka luhod at may bulaklak na nakalahad sa harap ko. Napatingin ako sa kalangitan ng umilaw ito.
Bigla na lang akong napaiyak. Walang akong masabi. Napasinghap ako at tinakpan ang bibig.
"HALIE ROSHANE DANTES WILL YOU BE MY GIRLFRIEND." basa ko. Tiningnan ko si Nathan sa harap ko.
Kinuha ko ang bulaklak at sinabi ang katagang nagpasaya sa kaniya.
"YES!." sabi ko sabay tango at punas ng luha ko.
"Y-Yes!?." Tumango ako. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Hinawakan ang bewang ko at itinaas na parang bata na palagi niyang ginagawa sakin.
"Ibaba mo ko!." Natatawa kong sabi.
"From now on you are my girlfriend and I am your Boyfriend." Tumango ako at ngumiti. Tumingin ulit ako sa kalangitan ng umilaw ulit ito.
"I LOVE YOU." Napasinghap ako.
"I love you so much Lili, till china and africa meet, and the river jumps over the mountain and the salmon sing in the street." Tumawa ako sa sinabi niya. Amp! Ang corny talaga nito.
"Ang corny naman no'n." Natatawa kong bigkas. Hinalikan ko siya na matagal ko nang gustong gawin sa kaniya. Nagulat siya no'ng una pero tumugon din pagkalaunan.
"I love you too." Sagot ko sa kaniya at nginitian ng kay tamis.
'End of flashback'
Pinahid ko ang mga luhang tumakas sa mga mata ko. Umihip ang malamyos na hangin na para bang niyayakap ako.
"Nat nat, kung nasan ka man hinding hindi kita makakalimutan. Ikaw ang kauna unahang taong nagpasaya sakin, My best friend, my first boyfriend and my first love. I will treasure those memories na kasama kita. Kung sana lang alam kong dadating ang araw na mawawalay ka sakin ng maaga 'edi sana matagal na kitang sinagot, di na sana kita pinahirapan pa, I'm Sorry. Siguro hindi pa ito ang tamang buhay para makasama kita ng mas matagal, I miss you." Suminghot ako at napahikbi.
"Mama?bakit kapo umiiyak?." Inosenteng tanong ng limang taon kong gulang na anak. At may hawak itong isang tungking rosas.
"Namimiss ko lang ang papa mo baby." Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.
"Mama don't be sad na. I'm here naman."sabi niya at ngumiti. At binigay sakin ang rosas na hawak niya. "Thank you anak." Sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. it's been six years ng nawala siya sakin. Di ko pinagsisihan ang araw na gumawa kami ng milagro. Kahit na nawala siya, biniyayaan naman ako ng isang anghel na kamukang-kamuka ng kaniyang amang si NATHAN TIMOTHY RIVERA. Mamahalin at aalagaan ko siya, the way you loved and cared me Nat Nat.
'I love you so much, till we meet our paths again My love'
--🐇The End🐇--
》》》》》》》》》
Huhuhuhu!😿😿naiiyak talaga ako sa storyang ito. Feel me feel me? Ah sabi ko nga hindi hahaha charot, btw po hango ito sa totoong buhay pero hindi masyado, ah basta! Parang ganun na din! Story to ng tita at tito ko, my tito passed away dahil sa cancer niya. It's been 12 years noong namatay siya pero ngayon ko lang nagawan ng story hehe sorry na agad!😸may susunod pa akong mga short stories! Sana magustuhan niyo and still support me chinguuuuusss!💜
YOU ARE READING
Fireworks
Short Story🚫Short story🚫 February 01, 2021 Advance happy Valentines day! sa may jowa! hahaha SANA ALL ^______^♡ Photo's not mine. Credits to the real owner. ^_____^ \/