CHAPTER IV

138 6 2
                                    

CHAPTER IV- ISANG PERASONG PAPEL

Ilang minuto pa'y dumating na nga ang aming magiging guro sa pangalawang klase sa asignaturang ingles, pagkapasok niya sa pintuan ay agad naman itong umupo sa harapan at buti nalang 'di pa naguumpisa ang klase ay dumating nadin si Arthur 'di ko alam kung sa'n 'to galing pero basang-basa ito ng pawis at dali-dali naman itong umupo sa aking tabi,kaya do'n ko nalang naisipan na isauli ang kanyang panyo na nahulog no'ng enrollment namin.

"A-Arthur? ito nga pala panyo mo nahulog mo ito no'ng enrollment nagmamadali ka no'n ,kaya 'di ko na naabot sa'yo, sorry ngayon ko lang nasa uli sa 'yo kasi nahihiya ako sa 'yo kanina." mahinahon at nahihiya kong pagkasabe habang nakatitig ako sa mga maamo niyang mata at inaabot ko sa kanya ang panyo.

"T-Thank You, Andrea!" mabilis niyang pagkasabi at pagkakuha ng panyo sa mga kamay ko at sabay kaming humarap sa pisara.

"Walang anuman!" pabulong kong pagkasabe habang nakatingin sa aming guro.

Maya-maya pa'y nag simula na ngang magsalita ang aming guro "Hello,Good Morning Class!I'm Miss Gladys Manlangit ang inyong magiging guro sa asignaturang ingles, lahat ba ay nagpakilala na sa harapan sa na una niyong klase?"

"Yes,Ma'am!" sabay-sabay naming pagsagot sa kanya.

"Okay, get 1/4 sheet of paper at isulat ang inyong mga pangalan address at edad at ipasa niyo nalang dito sa harapan, 'di muna tayo magkaklase ngayon kase aattend pa ako ng meeting,magbibigay lang ako ng lesson na pag-aaralan niyo sa mga bahay ninyo."

"ito ang topic natin this first sem. Purposive Communication in Eng01 'yan ang inyong pag-aralan sa nga bahay ninyo" pagkabigay ni ma'am ng topic na pag-aaralan namin ay agad naman itong nagpaalam at mabilis na lumabas ng classroom.

Kinuha ko ka'gad ang aking bag na nakasabit sa likod ng aking inuupuan at kinuha ang isang pad ng papel pagkakuha ko nito ay napatingin ako kay Arthur habang siya ay naghahanap ng papel sa kanyang bag kaya naman binigyan ko siya ka'gad para dina siya kumuha kase parang nahihirapan siyang maghanap sa kanyang bag makikita mo kasing ang kalat first day of school tapos gano'n.

"A-Arthur? ito papel oh para d'ka na maghanap d'yan." inaabot sa kanya ang isang perasong papel habang nakatitig sa kanya medyo nahihiya ako pero kere naman.

Sinimulan na nga naming magsulat ng bigla akong napalingon sa mga kaklase namin na halos lahat ng babae ay nakatitig kay Arthur ,gano'n nalang ba kapogi si Arthur para titigan na halos matunaw nalang sa sobrang titig nila? Pero 'di bale nang natapos kaming magsulat ay agad namin itong ipinasa sa harapan namin.

Pagkapasa ng aming mga papel ay agad ko namang iniligpit mga gamit ko at gano'n din si Arthur pagkatapos niyang magligpit ay agad naman itong umalis papalabas ng classroom at syempre lumabas din ako at dali-dali bumaba ng building at pinuntahan si Miguel sa room niya pero wala na siya do'n baka kasama siya ng mga kaibigan niya kaya naman nagtungo ako sa harap ng canteen para umupo 'di muna ako pumasok dahil sobrang dami ng tao feeling ko matutunaw ako do'n sa sobrang init kaya dito lang muna ako matagal pa naman susunod na klase namin 'di pa nga nag rereces eh tapos andito na lahat sa canteen, kaya naman ay kinuha ko munaa cellphone ko sa aking bag at tamang facebook lang.

'Di kalayuan ay nakita ko si Arthur sa lumang gusali nakaupo sa may hagdan katabi ng aming gusali kaya naisipan kong puntahan ngunit parang nakakatakot pumasok sa sobrang lumang gusaling 'yon kaya lakas loob kong pumasok at puntahan siya, habang ako'y naglalakad papalapit sa hagdan kong saan siya nakaupo ay may natapakan akong bote ng tubig kaya napalingon siya at umakyat sa pangalawang palapag.

"ano kaya anyare do'n?" patanong ko sa sarili ko habang papalapit sa may hagdan

kaya naisipan ko nadin na sundan sa taas kahit sobrang nakakatakot 'tong gusaling 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE UGLY CAMPUS GIRL [On-Going/SlowUD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon