Meteors Of Memories

49 9 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa gilid ng dalampasigan naroon ang isang tao dinadama ang simoy ng hangin. Ang ilaw na galing sa Parola at ang bituin sa langit lamang ang nagbibigay liwanag sakanya.

"Nandito ako upang makalimot, Nakakatawang isipin na ang pinili kong lugar ay ang lugar kung saan una tayong magkita." Napatingala ito sa langit at bahagyang ngumiti.

Inaalala ko iyong mga masasayang araw na magkasama tayo, na parang wala tayong problemang dinadamdam. Natawa nalang ako habang pinagmamasdan ang dalampasigan na tuloy-tuloy pa rin sa pag-alon.


"Sana sa susunod na habang buhay gusto ko ung pagmamahalan natin parang alon, tuloy-tuloy pa rin at hindi napapagod."


Sa tuwing maiisip ko ang nakaraan kasama siya ay tila gusto kong bumalik sa aming nakasanayan. Ang dalampasigan. Dalampasigan na siyang aming puntong tahanan, kung saan maraming alaala ang aming binitawan. Nguni't sadyang mapaglaro ang tadhana't hanggang sa isipan na lamang ang aming nakasanayan.


"Siguro ay hindi ikaw ang para sa akin, pinagtagpo lamang tayo nguni't hindi itinadhana sa isa't isa."


At habang binitawan ko ang mga salitang iyon ay hindi ko mapigilang mapahagulgol. Tila parang pinipiga ang puso ko kapag naalala ko ang eksena iyon na hanggang ngayon nandito pa rin sa mga alala ko.


"Mahal kapag ba pumunta na ako sa langit mamimiss mo ako?" pabiro nito sambit pero makikita sa mukha nito ang kalungkutan. Kitang kita rin ang kaniyang katamlayan dahil sa mapuputlang labi at pisngi na tila nawala na ang dugo sa kanyang katawan.


"Syempre naman kaya wag mo akong iiwan," paglalambing ko sa kanya


Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinamirami ng lugar na dapat kong puntahan ay dito ko pa naisipang pumunta, kung saan una tayong nagkita.


"Hanggang kailan ko gugunitahin ang mga alaalang unti unti nating binuo't minsan lamang naglaho?"


Sakit ang dinulot ng pag iwan mo sa 'kin na hanggang ngayon ay dinadala ko pa rin at sinusubukang kalimutan ang mga panahong nagdaan.


Naalala ko pa yung mga katagang binitawan mo na nagpakilig sa 'kin nang sobra, ngunit bolero ka lang pala talaga.


"Pangako kong hindi ako titingin sa iba dahil ikaw palang ang sapat na," aniya at niyakap ako nang mahigpit.


Golden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon