Chapter 4

6 1 0
                                    

*2 weeks later*

I had a peaceful work for the past few weeks. Mas naging productive ako sa trabaho ko dahil wala ng stress sa buhay ko.





"Miss Reyes?" someone knocked at the door. Pinagbuksan ko siya at nakita ko ang babaeng nasa reception na may hawak na flowers at meal.





"Para sa akin?" turo ko sa sarili ko. Tumango siya kaya wala akong magawa kundi tanggapin iyon at ipasok sa office ko. "Thank you Miss.." I looked at her name tag "Derenze?"







"Yes Ma'am, I'm Nicole Derenze. You're welcome Ma'am, alis na po ako." nagbow siya sa akin tsaka umalis.










Tiningnan ko ang letter na kasama ng bulaklak "I don't know how to confess, Let me give you flowers first until I'm ready" Iyan ang nakasulat doon.




Dahil wala naman akong balak magpaligaw at ayaw kong masira ang effort ng kung sino mang nagpadala nito ay dinisplay ko na lang sa office ko.





I finished all my work that are doable today. Nakailang polish na ako ng design and almost kalahati na ang neemail ko sa tailor ng company. I gave the specific cloth type and yung sukat para kay Sir Jay.





Pagkakuha ko ng cellphone ko, nasanggi ko na pala ang lunch na binigay sa akin kanina. "Hindi pa nga pala ako naglunch"





Muli ay umupo ako at nagsimulang kumain. Caldereta, kanin, apple at saging ang nasa baonan. Napasarap ang kain ko. Sinabayan ko kasi ng tugtog tsaka masarap talaga ang pagkakaluto sa caldereta.






Niligpit ko na ang gamit ko pagkatapos kumain at dumiretso na sa elevator. Wala pang six ay makakauwi na ako, I'm sure matutuwa si Zelie mamaya.





"Goodbye Ma'am Yen!" bati ng mga receptionist.






I smiled to them and greeted them as well. Maganda talaga ang mood ko ngayon. Gusto ko sana ipasyal si Zelie, hindi pa naman siguro sarado ang mall pagdating ko sa bahay. Babawi ako sa anak ko dahil naging busy talaga ako sa work simula nang nalipat ako kay Sir Jay.









Bago ako sumakay ng taxi ay dumaan muna ako sa bakeshop at bumili ng cupcakes. Pa-thank you kay Rette sa pagbabantay sa anak ko.






"Mommy!!" salubong ng anak ko pagkapasok ko pa lang sa pinto. I hugged her tight at ganoon din ang ginawa niya. "You're early mommy!" napangiti ako sa sobrang lapad ng ngiti niya.






I'm not gonna lie, I missed my daughter at feeling ko kahit magkasama kami sa bahay ay hindi ko siya nababantayan.




"Do you want to go out? Bonding tayong dalawa?" pagkasabi ko no'n ay nagtatatalon siya sa tuwa. Nakita ko si Rette n nakangiti rin sa sofa. "Sige na Zelie, maghanda ka na para makaalis agad tayo" agad naman siyang tumakbo papuntang kuwarto niya.



"Para sa'yo Rette oh"


"Wow! Ano to? Cupcakes! Yow, alam mo talaga favorite ko" kumuha agad siya ng isa at kinain niya. "Syempre, tsaka pa-thank you ko iyan sa'yo kasi inaalagaan mo si Zelie kapag wala ako"








"Sus! Ang corny mo Jillien, tumigil ka. Tsaka hindi naman pressure sa akin si Zelie, nag-eenjoy nga ako na may kasama ako dito kasi alam mo na boring" 









"Ha? Naboboring ka ba dito? Gusto mo sumama sa amin ni Zelie?" umiling siya sa akin habang ngumunguya. "Hindi ako sasama, syempre bonding niyo yang mag-ina. Tsaka baka i-date ko tong ka-chat ko hihi" mas lalong nanlaki ang mata ko.








With You Again Where stories live. Discover now