The First Note

2 0 0
                                    

"Mei, gising na! First day mo pa naman sa school tapos malalate ka pa..."

"Opo ma, babangon na..."

Mei's POV

"Nakakatamad pumasok lalo na pag new student ka, pero kailangan eh... Graduating student pa naman ako... Makaligo na nga..." Pagkatapos bumangon ay agad akong pumunta sa banyo. Tiniis ko na lng ang lamig ng tubig dahil sira yung heater. Nang nakapagayos na ako ay pumunta agad ako sa kusina. Nakita ko si mama na nanonood ng T.V..

"Kain na Mei..."

"Ma, anong niluto mo???"

"Corned Beef... Ayaw mo ba???"

"Hindi naman... Kaso hindi na ako makakain kasi malalate na ako..."

"Ah ganun ba... Osha cge mag-ingat ka..."

"Salamat Ma, Love you..."

"Ay naku!!! Traffic na pag ganitong oras... Napansin kong wala si papa sa bahay... Baka siguro nag overnight yun sa office..." Nagmadali akong pumunta sa sakayan ng jeep para makakuha ng magandang pwesto. Nakakainis kasi pag nasa dulo ako ng jeep, minsan maingay yung tunog ng tambutso. Pagkatapos umupo ay napaisip ako ng malalim kung anong magandang pagpapakilala sa klase. Ayoko kasing mapahiya ako sa unang araw.

7:15 am na ako nakarating sa school. Okay lang kahit malate ako kasi new student naman ako. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na napansin na naligaw na ako. I am so stupid kasi hindi ko man lang tinignan yung map at malaki pala ang campus. Nahihiya naman akong magtanong. Kung saan-saan na ako napunta. Sumakit yung paa ko kaya tumigil ako sa paglalakad. Madali na kasi akong mapagod at nakakapagtataka kasi hindi naman ako ganito dati. Habang nagpapahinga ako ay nakarinig ako ng tunog ng piano.

"Is that Noctrune Op. 9 No. 2 by Chopin???" Nanlaki yung mga mata ko when I heard that piece. That is one of my fave from Chopin because it reminds me of beautiful and elegant days in the past. Hindi naman sa gusto kong bumalik sa lumang panahon but this music really finds my inner peace.

Masyado akong curious kung sino yung nasa room but I realized na super late na ako and if titingin pa ako doon baka maistorbo ko pa siya.  Bigla akong napaisip na madami kasing magagaling na piano players dito so baka hindi ko na makuha yung chance na makilala siya so pinuntahan ko yung room.

"Sakto may viewing window para hindi ko na pasukin yung room..." bulong ko habang papalapit sa bintana. Pagtingin ko...

"Ang cute niya para maging piano player..." habang nakanganga ako sa bintana. Hindi ko naman aakalain na gwapo yung napapatugtog at hindi ko naman sinasabi na lahat ng piano player ay hindi kagwapuhan its just that bihira lang ako makakita ng ganitong klaseng anyo sa balat ng lupa.

Habang tinititigan ko sya ay bigla siyang lumingon sa pwesto ko which made my heart beat so fast na parang ako ay nasa romance movie. Medyo nahiya ako at kinabahan kaya bigla ako napaatras nang hindi ko namamalayan na tinamaan ko na yung button ng fire alarm.

"BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP" malakas yung tunog ng fire alam na nageecho sa buong building na pinuntahan ko. Nakatulala lang ako habang pinoprocess yung katangahang ginawa ko. May narinig akong malakas na kalabog ng pintuan.

"MISS!!! ANONG KALOKOHAN TONG PINAGAGAWA MO???" sabi ng lalaki habang nakatitig ng masama sakin.

Syet... Anong kamalasan ang nangyayari sakin ngayon???

TO BE CONTINUED

(May 1, 2017 Update: I might continue this series since nagkaroon na ako ng inspiration hahaha. May slight changes akong gagawin kasi 4 years ago na ito so magiging better na yung cringy series ko hihi... Ciao!)

P.S.: sorry kung maikli yung chapter! dont worry kasi papahabain ko pa ito next time!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon